endearment

18 1 0
                                    

"Miss Yanna, gising na po."

Wth?

"Last 5 minutes......"

Narinig kong naisara ang pinto kaya siguradong lumabas na si Manang.

*After 5 minutes*

Kung maka kalabit si Manang parang lalaki.

"Hmmm?"

"Hanggang anong oras mo balak matulog ha?"

Omg. Boses lalaki din si Manang!

Tinanggal ko ang pagkakataklob ng kumot sa mukha ko atsaka tumayo.

"Nasa baba na po ba sila Mommy?"

Nilingon ko siya nung hindi niya sinasagot ang tanong ko.

O_________O  Raven?!

"What the hell are you doing here?!"

"Sinusundo ka."

Aba! Ang cool niya tignan habang nakaupo.

"Wow koya kung makaasta kwarto mo 'to? Kwarto mo?"

Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Kung makasigaw, nagsipilyo ka na? Pfft."

Urrrrggghhh!

Inis na inis akong naglalakad papuntang banyo.

"Nga pala Yanna..."

Nilingon ko siya. "Ano?!"

"Bagay sayo iyang jersey. Hahahaha."

Bago ko pa siya mabato ay nakatakbo na agad siya. Badtrip!

~

Pagkababa ko ay nadatnan kong nag-aalmusal sila Mommy at Daddy kasama si Raven.

"Good morning Mom, Dad." bati ko sa kanila sabay yakap at halik sa kanilang pisngi.

"Good morning baby" tugon naman nila

"Where's kuya Kevin?" tanong ko habang kumukuha ng fresh milk at clubhouse sandwich.

"Nauna na."

"Early bird na po yung isang yun ha."

"Don't talk if your mouth is full."

Inirapan ko si Raven. "What do you care?"

"Stop it. So Raven, bakit mo sinusundo ang anak namin?" tanong ni Dad

Kinabahan ako. Ang seryoso ng pananalita at mukha ni Daddy.

"Ahh kasi Tito nagpapatulong po---"

Sasabihin niya talaga ang totoo? Hindi manlang natakot? Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Yes Dad. Nagpapatulong po ako sa kanya sa Math. Ang hirap po e. Kaya alis na po kami ah? Punta pa kaming library. Hehehe. Bye Daddy and Mommy mwah mwah." sabi ko sabay hila kay Raven

"Sige. Ingat kayo ah?"

"Yes naman po!"

Pagkalabas namin, ang sama ng tingin ni Raven sakin. Alam ko naman kung bakit.

"Okay sorry na. Sorry kung nagsinungaling ako sa kanila. Kasi naman, kinabahan ako at kahit wag mo ng sabihin sa kanila wala namang masama sa gagawin natin. Tutulungan lang naman kita maibalik yung ex-girlfriend mo e."

"Kahit na Yanna. Kailangan parin natin ipalam sa kanila."

"Kuya Kevin knows it anyway. Pero sige, sasabihin ko mamayang gabi. Kainis."

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon