vocalist

47 5 0
                                    


Yanna's POV

Thanks God it's monday again.

Lumabas na ako sa kwarto ko nung tapos na akong mag-ayos. Kumatok ako sa kwarto ni kuya para magpaalam na hindi na ako sasabay sa kanya dahil gusto ko maglakad. Walking distance lang naman ang school sa bahay.

"Sandali lang sis!" sigaw niya ng hindi manlang binuksan ang pinto

"Kuya Kevs mauna na lang ako." paalam ko. Ayokong sabihin na maglalakad ako dahil alam ko namang di niya ako papayagan.

Binuksan niya kaagad ang pinto

"Hoy kuya naman! Wag mong ipakita sa akin ang katawan mo dahil wala kang abs!" sabi ko

"Tss. Bakit di ka sasabay?" tanong niya

"Kailangan pa bang sagutin? Lagi akong late kapag sumasabay ako sayo." sagot ko sabay irap

"Hahaha. Alright then. Take care sis!"

"Okay, bye!"

Hays. Buti nalang pumayag siya. Bumaba na ako at tinawag si manang para sabihing di na ako mag-aalmusal. Wala sila mommy at daddy dito sa bahay kasi nasa California sila for some business matter.

Paglabas ko ng gate. Napangiti ako. Ngayon lang ulit ako maglalakad papuntang school.

So yun nga dahil malapit lang ang school sa bahay, nandito na ako sa gate ng BREIGHVALT UNIVERSITY. Sa family nila Xandrei at Aldrei itong school na 'to. Remember them? Sila yung kambal na kaibigan ni Kuya.

"Good morning po!" bati ko sa mga guard. Close ko sila hehe, dito kasi ako lagi tumatambay kapag hinihintay ko si Kuya.

"Good morning Ms. Yanna! Bakit di mo kasabay ang kuya mo?" tanong nila

"Ayaw ko na po kasing malate hehe.Sige po ha pasok na ako." sabi ko at nagtawanan sila

Medyo malayo pa naman ang room ko dito hays. Pero okay lang hihihi madadaanan ko ang music room at doon ko makikita ang aking prince charming!

Nung malapit na ako sa music room ay narinig ko na agad ang boses niya. Ang napaka lambing at sexy niyang boses! Whaaa!

Agad akong sumilip sa bintana at medyo yumuko para di niya ako mapansin.

He's singing while strumming his guitar.

Nga pala, he is Ivan Lester Fuentes. Ang crush ko simula grade 5. Siya ang vocalist ng exIst band. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang pangalan ng banda nila. Di ko alam kung saan hinugot.

"Yanna? Anong sinisilip mo diyan?"

Bigla akong kinabahan nung bigla siyang nagsalita sa likod ko. Takte! tapos na pala siyang kumanta! Ikaw kasi Yanna napaka daldal mo! Pero bakit niya alam ang pangalan ko? Stalker ko ba siya? Kinikilig ako!

Wala akong maisip na rason. Huhu lamunin na ako ng lupa sa kahihiyan. Pinikit ko ang mga mata ko bago humarap sa kanya.

"Ah eh bakit mo alam ang pangalan ko?"

Stupid Yanna. Bakit ba kasi bigla nalang yung lumabas sa bibig ko?

"Diba mag classmate tayo dati? sagot niya

"Huh? Mag classmate ba tayo dati? Di ko na matandaan eh."

Sinungaling. Tandang tanda ko yun at never kong makakalimutan.

Medyo kumunot ang noo niya at nag-iwas siya ng tingin dahil sa isinagot ko. Sorry Lester. Kinakabahan kasi talaga ako.

"So, bakit ka nga ba ulit nandito?" tanong niya muli

"Wala. Napadaan lang. Sige punta na akong room." sagot ko "Nga pala... ang ganda ng boses mo." sabi ko ulit bago ako tumalikod.

"Yanna!"

Kahit kinakabahan ako ay nilingon ko parin siya.

"Thankyou!" he said at ngumiti. Ngumiti lang din ako sa kanya bilang tugon at muling tumalikod.

Naglalakad ako habang nakayuko. Totoo ba yun? Nagkausap kami ng matagal? Napangiti ako.

*BOOOGGSSHHH*

Aray ko po! Pwet ko!

Tumingin ako sa taong nakabangga ko at agad akong tumayo. Beastmode agad ako bwisit.

"Hoy Raven! Wala ka bang balak magsorry?!"

"Kuya Raven." pagtatama niya

"Lolo Raven." pang-aasar ko

"Gwapong Raven." sabi niya ulit

"Libre mangarap." tugon ko sabay irap at nagpatuloy sa paglalakad.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon