group 1

49 5 0
                                    

Mapeh ang first subject ko ngayong tanghali. At sabi nga pala ni Ma'am maghahalo ang section namin (section 1) at section 2 kasi may activity kaming gagawin. Siya rin naman kasi ang teacher ng section 2 sa Mapeh. Siyempre na excite ako, section 2 si Lester e. Hihihi.

Pagpasok ko sa room, madami nang tao. Siguro nandito na ang section 2. Hinanap ko kaagad siya at bewm! spotted nakikipag-usap.

"Goodmorning Ma'am! Sorry I'm late." bati ko kay Mrs. Saadvedra

"Goodmorning Yanna. Take your seat so that we can start the activity."

Umupo agad ako kung saan ang mga classmate ko.

"Okay class. Sabi ko nga last meeting may activity kayo... pero binago na ito hindi na activity ang ipapagawa ko kundi project. At dahil sa music tayo nakatuon, igu grupo ko kayo gusto ko gumawa kayo ng video na kumakanta kayo or yung iba kumakanta at yung iba naman ay nag plaplay ng instruments. 10 groups at bawat grupo ay dapat may 7 members. Well, 70 naman kayong lahat dito."

"Ma'am, choose your own group po ba?" tanong ng isang section 2

"Hindi. Kaya ko nga kayo pinaghalo para naman maging close kayong lahat kahit papaano. Para walang samaan ng loob, magbubunot nalang kayo." sagot naman ni ma'am

-
Pagkatapos nagbunutan ay naging maingay ang lahat dahil nagtatanungan sila kung sino ang mga kagrupo nila.

Group 1 ako. Sino kayang mga ka- grupo ko? Lord sana may magaling kumanta sa amin.

"Okay class, all group one stay in one place together the same with group 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, and 10. Magplano na kayo." sabi ni ma'am

Tumayo ako at hinanap ang mga ka grupo ko.

"Guys, sinong group 1 dito?" tanong ko habang lumilingon sa paligid

"Yanna! Here!" tawag ni Kristine sa akin

Pumunta naman ako kaagad doon.

Tinignan ko sila... Kristine, Bea, Kristel, Kharl, Joshua and Lester.

"Wow dream team! Ano 'to guys? Reunion? Hahaha!" sabi ko

Tumawa silang lahat.

Kasi naman, lahat sila classmate ko dati. Thanks lord, lahat may talento. Tapos kasama ko pa si Lester. Hihihi.

"May talent tayong lahat! Ayos!" ani Kharl

"Anong talent mo ha Kharl?" taas kilay na tanong ni Kristine

"Magpakilig sa mga babae." sagot naman ni Kharl sabay kindat

"Ewww!"

HAHAHAHAHAHA!

"So guys, anong plano?" tanong ni Lester sa amin.

Bakit ba siya seryoso? Ang hot niya tuloy lalo.

"Kayo ni Yanna ang vocalist." sagot ni Joshua

"Anong ako? Nang-iinsulto ka ba?" sabi ko naman

Tinignan ako ni Lester. Sabay sabing...

"Ayos lang naman kung ikaw e, maganda naman boses mo."

Namula ako sa sinabi niya.

"Nah. Gusto kong mag drum." sabi ko ng di nakatingin sa kanya

"Alright then. Ikaw ang drummer. Ako, Joshua at si Bea ang kakanta. Kristel at Kristine, kayo ang mag gigitara. At Kharl... magpakilig ka sa mga babae." seryoso niyang sabi

"What did you just say dude? Edi, 100 na score natin niyan." pagmamayabang ni Kharl

"Tsk. Taga video ka nalang." ani Kristine

"Zero ang score natin kapag di makita ang gwapo kong mukha sa video. Guitarist tayo. Tutal marunong ka namang mag violine Kristel diba?" sabi niya then he smirked

"Yah sure!" sagot naman ni Kristel

"Next week niyo nalang ipasa class. Okay goodbye." paalam ni ma'am

"Goodbye ma'am" sabay sabay naming sabi

"Yanna, kunin ko nalang number mo okay lang?" tanong ni Lester habang inaabot ang cellphone niya sakin ngunit di siya nakatingin ng diretso sakin.

"Huh? Bakit?" balik na tanong ko

Pakibot muna.

"Para itext nalang kita kapag may practice." sagot niya

Bakit di parin siya makatingin ng diretso sa akin?

"Ah. Sige." sabi ko at kinuha ang cellphone niya at tinype ang cellphone number ko.

"Thanks."

"You're welcome."

Yay. Sobra na ang nangyayari sa akin ngayong araw! Kinikilig ako.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon