bye, love

13 1 0
                                    


Nauunang maglakad si Raven. Ano kayang iniisip niya? Siguro ay pupunta kami sa likod ng college building. May tambayan kasi kami doon pero matagal na kaming hindi nakakapunta kasi medyo busy sila. Ayaw ko naman na pumunta mag-isa kasi walang gaanong pumupuntang estudyante doon. May limang kubo doon at pwesto namin yung isang nasa gilid na may katabing puno. Medyo malawak kasi at makakalanghap ka ng sariwang hangin.

"Aray" nasabi ko dahil nauntog ako sa likod niya. Bigla kasi siyang tumigil sa paglalakad e nasa likod niya ako.

"Sorry" sabi niya at nagpatuloy na ulit. Kainis.

Pagkadating namin ay nadatnan namin silang kumakain ng burger at fries at may kasamang soft drinks.

Umupo ako sa tabi ni Kuya at kumuha ng fries niya. Samantalang si Raven ay nakisingit sa upuan nina Kuya Aldrei, Xandrei at Grae. Nagreklamo pa si Kuya Grae dahil masikip na daw tapos doon pa umupo.

"Alis ka muna tol" sabi ni Kuya Aldrei kay Kuya Grae kaya umalis si Kuya Grae at umupo sa tabi ko.

"Balik ka na ulit. Hindi na masikip."

Nag dirty finger lang si Kuya Grae kay Kuya Aldrei.

Tumawa kaming lahat.

"Mamayang 2 o'clock pa next class namin sis. Dito muna tayo wala ka naman nang pasok."

Tumango ako kay Kuya. Every Thursday at Friday ay wala kaming Mapeh at TLE. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.

Nakikinig ako sa usapan nila. About sa game nila next week. Hanggang sa akala ata ni Kuya Kevin ay tulog na ako.

"Rav, anong nangyari kanina sa canteen?"

"Alam na nila na kami ng dalawa."

Suminghap si Kuya.

"Pati ni Lester at Zharaine?"

"Yep. Nandoon rin sila e. Nagkatinginan pa kami ni Raine pero agad siyang umiwas ng tingin. Di ko tuloy nakita kung nagseselos ba siya, nasasaktan o ano."

"Dude, I trust you. Wala akong magagawa kasi pumayag din naman si Yanna sa gusto mo na gamitin siya. Pero please alagaan mo siya. Alam mo naman, wala pang experience 'to." rinig kong sabi ni Kuya Kevs habang hinahaplos ang buhok ko. Gusto ko sana siyang yakapin pero ang alam nila ay tulog ako kaya sa bahay nalang siguro.

"Oo nga. Hanggang pagpapapansin lang siya sa crush niya." boses ni Kuya Xandrei

"Haha. Kapag may nanliligaw basted agad." si Kuya Grae

"Loyal sa crush pero tomboy."

Agad akong napadilat at tinignan ng masama si Kuya Aldrei.

"Hehe joke lang." sabi niya pero halatang nagpipigil ng tawa.

Inirapan ko siya.

"Akala ko tulog kana"

Nilingon ko si kuya at niyakap. I'm very lucky because I have a protective and caring brother like him.

"Don't worry dude. I will take care of her. Hindi dahil sinabi mo kundi dahil gusto ko din." ani Raven

"Narinig niyo yun?" tanong ni Kuya Grae

Tumango yung tatlo.

"Siguraduhin mo tol kasi kaming apat ang makakaharap mo kapag di mo yan tinupad." sabi ni kuya Grae

"Naks naman! Ang swerte ko! Salamat sa inyoooo!" medyo napakanta ako sa huling sinabi ko.

"Yes naman. Parang kapatid ka na rin namin." sabay sabay nilang sabi

Napangiti ako.

Si kuya Grae, may isang kapatid na babae pero 5 years old palang. Si kuya Raven, may kapatid na lalaki pero graduate na at may trabaho sa ibang bansa. Si Aldrei at Xandrei naman, wala. Sila lamang dalawa.

"Hatid na kita." tumayo si Raven

"Diba wala kang dalang motor?" sabi ko

"You can use mine." sabi ni Kuya

"Thanks dude" sabi naman ni Raven

Tumayo na rin ako.

"Social science next class natin ha."

"Yeah yeah" tumango tango si Raven

"Ingat kayo"

Kumaway ako sa kanila.

Maraming napapalingon na estudyante sa amin. Siguro ay kalat na, na kami na ni Raven. Yung iba ay ngumingiti sa akin kaya nginingitian ko rin sila. Pero meron yung mga nagbubulong-bulungan ngunit hinayaan ko lang. Hindi ko sila masisisi dahil wala naman silang alam.

Nung nasa parking lot na kami ng school ay pinaandar na agad ni Raven ang motor ni kuya. Sumakay agad ako.

"Kapit ka nang mabuti. Baka mahulog ka."

"Okay."

Ang bango niya.

"Maubos bango ko niyan sa kaaamoy mo."

Medyo napatayo ako sa gulat at sa hiya na din dahil sa biglang pagsasalita niya.

"Shit" mura niya

Muntik na kasing ma-out of balance buti nalang at nacontrol niya at buti nalang nakahawak ako nang mabuti sa baywang niya. Nakita ko na medyo gusot ang kanyang uniform dahil sa hawak ko.

Huminto siya. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

Bumaba ako. Kabado parin.

"Muntik na yun ah. You okay?" tanong niya

Tumango ako.

"Sorry" sabi niya

"Ako nga may kasalanan e. Sorry." sabi ko

Kumunot ang noo niya. Pero bigla din itong napalitan ng ngisi.

"Kung sa bagay, di ko naman kasalanan maging mabango."

Sasapakin ko na sana siya dahil sa kayabangan niya ngunit nakasakay na siya sa motor.

"Pasok ka na." sabi niya

Umirap ako.

"Tsk. Bakit ka namumula?" tanong niya

"Siyempre ang init. Alis ka na. Ingat!" sabi ko habang binubuksan ang gate.

"Okay. Bye, love." sabi niya at mabilis na pinaharurot ang motor.

Baliw.

Kinagabihan habang kumakain kami ay sinabi ko kina daddy at mommy ang lahat. Na tinutulungan ko lang si Raven. Nung una ay tutol sila kasi bakit ako pa daw? Dapat iba nalang. Pero inexplain naman namin ni Kuya Kevin lahat upang maintindihan nila. Kaya pumayag din sila ngunit kakausapin daw nila si Raven tungkol dito.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon