plan

39 2 0
                                    


Kevin's POV

Umalis na ang kapatid ko pero kami, nandito parin sa canteen. Tambay muna. Mamaya pa naman pasok namin.

"Anong school ang makakalaban natin next week mga tol?" tanong ko sa kanila

"Teilonan University tol." sagot ni Xandrei

"Balita ko magagaling ang mga 'yon kaya kailangan pa natin ng practice." ani Grae na napaka seryoso

"Magaling? Bingi ka ba tol?"

Lumingon kaming lahat kay Raven. Seryoso din siya.

"Talunan University ang pangalan ng school!" pagtutuloy niya

Binatukan siya ni Aldrei.

"Teilonan University! Hindi talunan!"

"Pareho lang yun. Nilagyan lang ng accent. Tsk." sabi niya sabay kamot ng ulo.

Hay. Gago talaga.

"Tahimik mga tols. Tumatawag mahal ko." suway niya sa amin

Pero kahit gago, sweet yan sa girlfriend niya. Pfft, siya ang loverboy sa grupo.
Siya din ang pinakabata at isip bata. 17 palang kasi.

"Oh babe?"

"Huh? Bakit?"

"Bakit naman biglaan?"

"Huwag please. Babawi ako promise."

"Babe please mahal na mahal kit- -"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya kasi binabaan na siya.

"Fuck!"

Halos maibato niya na ang cellphone niya sa inis.

"Chill lang tol. What happened?"

Hindi niya sinagot si Xandrei.

Gago din naman kasi 'tong Xandrei. Obvious na nga, itatanong pa. Seenzoned tuloy.

"Kausapin mo kaya siya sa personal tol. Para naman maayos niyo pa. Sayang 3 years."

"Tara sa bahay niyo tol." sabi ni Raven sabay tayo

"Sa bahay tol?" tanong ko

"Try mo sa kusina niyo."

Tinignan ko si Xandrei ng masama.

"Pwede. Matakaw ka naman." I smirked

"Tara na nga!" Awat ni Grae

Nagsitayuan na kaming lahat at naglakad.

Cutting again. Baka malaman ito ni Yanna at isusumbong ako kay Mommy. Bawas allowance. Holy Shit!

Ayaw kaming palabasin ng mga guard pero wala din silang nagawa. Mahirap nang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon mga tsong!

Kanya kanya kaming sumakay sa skuter namin at sabay sabay umalis.

~

Tahimik lang si Raven habang nilalagok ang beer niya.

Siya lang ang umiinom. First time. Kami? Di pa kami nakatikim niyan! Goodboy kami e. Pinapanood lang namin siya at hinahayaan kasi alam namin na mabigat ang pinagdadaanan niya. Wengya! Ganyan ba talaga kapag broken hearted?

"May joke ako mga tols." basag ni Aldrei sa katahimikan

Nilingon namin siya. Pfft alam naman naming ginagawa niya 'to para patawanin si Raven. Pero impossibleng tatawa siya kasi parang wala siya sa sarili. Parang wala nga siyang naririnig e. Tsk tsk.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon