Yanna's POVPagkatapos ng last period, dumiretso na ako sa gate para hintayin sila kuya. Excited na akong ikwento kay Kuya yung mga nangyari ngayong araw. Alam niya kasing may gusto ako kay Lester.
"Yanna, kanina pa umuwi sina kuya mo." sabi ni manong guard sa akin
What?! Eh mamaya pa ang uwian nila ah? Omg! Nag cutting na naman sila?
"Po? Diba mamaya pa ang uwian nila?" tanong ko
"Nag cutting sila. Pinigilan namin sila pero anong magagawa namin? Ayaw naman naming mawalan ng trabaho Ms. Yanna sorry."
"Okay lang po. Sige."
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung nagtext si kuya.
2 msgs. received...
Binuksan ko yung unang message which is number lang.
("Yanna, si Lester 'to. Pakisave nalang. Thanks!")
Eh? Hihihi! Magpaload nga ako mamaya.
Binuksan ko ang pangalawa...
Kuya Kevs:
("Sis! Nandito na kami sa bahay. Nagkaproblema e. Uwi ka na lang mamaya after your class. Takecare!")Nagkaproblema? Don't tell me napaaway sila? o Naaksidente? o kaya Nabulunan kanina sa canteen? o di kaya natamaan ng bola yung matangos na ilong ni Raven. Hahahaha! Buti nga.
Teka? Eh paano naman kapag yung ilong ni Kuya Kevs yung natamaan kasi iniligtas niya si Raven? Whaaaa! No way!
Tumakbo ako pauwi ng bahay. Hingal na hingal. Pawis na pawis pero magandang maganda parin. Charot!
"Kuys! What happened?" bungad na tanong ko pagkabukas ko ng pinto.
Hindi siya umimik. Tinuro niya lang si Raven.
What the hell?! Bakit may bote ng beer sa harap niya? Atsaka...
"Kuya Raven! Bakit namumugto yang mga mata mo?! At kailan ka pa natutong uminom?!"
"Ops! Para kang nanay ko. Tsk." sabi niya lang sabay tawa
"Anong nakakatawa kuya Raven?!" pasigaw na tanong ko sa kanya
"Wala. Masaya lang ako kasi sa wakas tinawag mo akong kuya." sagot niya
"Tsk. Big deal?!" sigaw ko
Nakakainis! Wala talaga siyang kwentang kausap!
Umupo ako sa tabi ni Kuya Grae.
"Mga kuys! Kayo nalang tatanungin ko. Bakit umiyak si Kuya Raven at bakit di niyo manlang siya pinigilang uminom aber?" tanong ko sa kanilang apat
"Broken hearted e. Pfft." sagot ni Kuya Grae
"Broken hearted pala ah. Hahahahaha!"
Tinignan nila ako ng may halong pagtataka.
"Anong nakakatawa Yanna?" tanong ni Kuya Grae
"Ehem. Wala. Ang pangit mo kasi Kuya Raven. Haha." sabi ko
"Hahahahahahaha tama! Apir tayo diyan Yanna!" sabi ni Aldrei habang makikipag apiran sana kaso inirapan ko lang siya
"What the hell?! Pakiulit nga!" sigaw naman ni Raven.
Tsk. Late reaction.
"Sabi ko, mag move on kana!" sabi ko sa kanya
"Basta ba tulungan mo ako."
Tinignan ko siya. Nakatingin din siya sa akin ng seryoso at parang nagmamakaawa.
"Please Yanna. Kailangan kita."
Ano bang pinagsasabi nitong isang 'to?!
"Paano? Bakit ako?! Wengya naman Kuys! Haha."
Sobrang kinakabahan na ako. Ano ba kasing pumapasok sa isipan ng lalaking 'to? Atsaka nitong apat na 'to na di manlang umiimik! Help me!
"Alam ko namang di ka mafa fall sa akin eh. Tulungan mo akong ibalik siya please." sabi niya
Umiwas na ako ng tingin.
"So gagamitin mo lang ako?" tanong ko
"Parang ganun na nga." sagot niya
"Alam mo Kuya, di naman yun makikipaghiwalay sayo kung gusto ka talaga niya e. Siguro may gusto na yun na iba. Huwag mo nang lokohin ang sarili mo. Huwag mo na rin akong idamay." sabi ko sabay tayo at aalis na sana kaso nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko
"Pero nararamdaman ko na mahal niya parin ako. Hindi ko hahayaang mawala siya at masayang lang ang pinagsamahan namin. Please tulungan mo ako Yanna. Please."
Kahit naman sobrang naiinis at nabwibwisit ako sa kanya palagi, di ko paring maiwasang di maawa. Tinuring ko na rin siyang kapatid at kaibigan. Silang lahat. Atsaka mabait naman siya, di nga lang halata.
"Pfft. Ano bang pangalan niya?"
"Zharaine Reyes"
"Alright then."
"Whaaa! Thankyou baby girl!" sabi niya sabay yakap sa akin
"Ew! Ang jeje mo Kuya!" sigaw ko habang bumibitaw sa yakap
"Whoa! Siguraduhin niyong di kayo maiinlab sa isa't-isa ha." sabay sabay naman na sabi nung apat
"Hoy! Kayong apat! Ang mission niyo ay alamin kung sino ang ipinagpalit ni Zharaine kay Kuya Raven okay?!" sabi ko sa kanila
"Masusunod!" sagot naman nila
Tsk. Sana naman di papalpak 'to. Di naman siguro kami magkakagusto sa isa't-isa.