Tapos na ang first at second subject namin pero si Raven parin iniisip ko. Bakit ba siya ganun? At bakit ba ako nagkakaganito? Damn. It's no big deal. First day na first day naaapektuhan ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi pwede."Lalim ng iniisip mo ha. Share ka naman."
Hindi ako umimik kay Lance. May pagka chismoso din pala 'to.
"Akala ko ba magkaibigan na tayo?"
Hindi ko siya nililingon.
"Sayang. Wala pa naman si Ma'am Paz ngayon. Mahaba haba sana kwentuhan natin."
Agad ko siyang hinarap at hinawakan ang noo niya. Baka kasi may sakit. Kwentuhan daw e.
"Ops!" sabi niya ng nakataas ang dalawang kamay. "Grabe wala akong sakit. Gusto ko lang talagang makipag kwentuhan sayo. Kasi sinusulit ko na ang oras."
Kumunot ang noo ko. Ang weird ng nerd na 'to. Ang cute pa naman. Hehehe.
"Lilipat na ako ng school." sabi niya na medyo pabulong
Ano daw? Lilipat siya ng school?
"Bakit?" tanong ko
"Secret! Sabihin mo muna kung ano iniisip mo." sagot niya
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kasi napakadaldal pala niya. Dati kasi nagsasalita lang siya kapag nag rerecite. Wala siyang kaibigan. Kapag kinakausap ko siya noon, tinitignan niya lang ako at tango lang ang sagot niya kapag may tinatanong ako.
"Uy" kinalabit niya ako "Ano na?"
"Hindi naman importante yun. Bakit ka ba kasi lilipat?" tanong ko ulit
"Siguro yung crush mo sa kabilang section noh?" sabi niya ng tumatawa
"Sino?"
"Si Lester ba yun? Hahahaha!" nakahawak na siya sa tiyan niya sa sobrang katatawa
Paano niya nalaman? At bakit siya tumatawa?
"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong ko.
"Pfft. Kasi naman may pa flames hope flames hope ka pang nalalaman. Jejemon."
Binatukan ko siya.
"Huwag kang mag-alala. Ako lang ang nakakaalam kasi ako lang naman lagi nagchecheck ng notebook mo." kumindat pa siya
Kainis.
"Lilipat na kami sa ibang bansa. Yun ang sabi ni Dad e. May magagawa ba ako? Wala. Pero ayos lang, dun naman ako nung bata ako."
Kwento niya nung tahimik ako.
"Kailan ka lilipat?" tanong ko
"After ng exam." sagot niya
"Whaaa! Sino nang tagapagligtas ko tuwing math time?!"
Tumawa siya.
"Baliw. May promotion at demotion naman e. Kahit mawawala ako, mapropromote naman si Lester. Siya na ang tagapagligtas mo."
"Sure kang mapropromote siya? Pinapaasa mo lang ako." umirap ako sa kawalan
"Oo. Siya nga kalaban ko sa Math Quiz Bee Contest last school year e. Magaling yun."
I know. Talented pa at gwapo kaya ko nga siya nagustuhan.
"Paano kapag ako yung mademote?" tanong ko
Binatukan niya ako. "Huwag mo ngang sabihin 'yan! Matalino ka pati sa Math. Lagi lang kasi lumilipad isip mo. Pfft.
"Weh? Talaga?" tanong ko baka kasi joke niya lang pero alam ko sa sarili ko na totoo.