one of the boys

46 6 1
                                    

"Alright class. That's all for today. Goodbye."

"Goodbye sir!"

Heaven. Tapos na ang math. Lunch break na sa wakaaass!

Kinuha ko ang bag ko at tumayo sabay labas sa room. At naglakad papuntang college department.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong kasama o mga kaibigan? Well. Lahat naman ng mga classmate ko ka-close ko. I don't know kung bakit ayaw nilang sumama sa akin. Mabait naman ako. Siguro nahihiya lang sila sa akin dahil siguro kapatid ko si errr Michael Kevin Garcia? At lagi ko siyang kasama with his friends. Varsity kasi sila at *ehem* hearthrob kaya mukha silang mayayabang. Hindi nila alam na puro kalokohan lang ang alam nila. Magkakaibigan sila since highschool at ngayon, parepareho sila ng course na kinuha. Business Administration. Ano squad goals ba?

"Yow Yanna!" bati nilang lahat sa akin. Tinanguan ko lang sila.

Buti nalang tapos na silang mag practice at nag shower. So, ready to go na! Gutom na gutom na ako.

Habang papunta kaming canteen ay madaming napapalingon sa amin este sa kanila pala. What do you expect? Halerr! Mga gwapo itong kasama ko!

- CANTEEN

Expected. Madaming tao pero may vacant table parin na isa at anim na chairs. Para sa amin iyon. Ito ang dahilan kung bakit gustong gusto ko sumama sa kanila.

Naupo ako kaagad.

"Fried chicken and adobo sa akin kuys double rice." sabi ko kay kuya Kevs sabay abot abot sana ng pera

"Nah sis. Ako na muna magbabayad then bukas ikaw naman." sabi niya

"Double rice? Di ka nag-almusal noh?" tanong ni Grae

"Yeah kuys Grae." sagot ko

"Eh bakit ang tagal mong pumasok kanina?" singit naman ni Raven

"Go na bradah. Mag-order na kayo. Gutom na ako."

-

"Whoo wengya Yanna! Wala namang aagaw sa pagkain mo e. Dahan-dahan lang!" ani Raven

Tinignan ko lang siya ng matalim at nagpatuloy sa pagkain.

"Hays. Thanks God. Busog na ako."

"Lakas kumain di naman nataba."

"Sexy ako Kuys Xandrei. Sorry." sabi ko at kunyaring umirap

"Ano? Ako si Xandrei?! Eww! Di mo manlang ba ako makilala? Ako si Aldrei mas gwapo! Tsk. Malayong Xandrei." tugon niya

Binatukan ko nga! Pake ko ba kung sa kanila ang school na 'to? Hahahaha.

"Hoy tol! Pasalamat ka nga at tinawag ka niyang Xandrei eh! Akala niya, ako ikaw ang mas gwapo! Tsk." sumbat naman ni kuya Xandrei sabay pinasadahan ang kanyang buhok.

Dahil doon, may mga kinilig na babae sa paligid.

"Kitams?!" pagmamayabang ni Xandrei

"Tumigil na nga kayo kambal. Magkamukha kayo at kahit anong gawin niyo, mas gwapo ako sa inyo." sabi ni kuya Kevs

"Dream on dude!"

"Pakigisigin si Kevs!"

"Sabi nga ng kapatid mo kanina sa akin, libre mangarap."

"Harap muna sa salamin tol."

Tss. Hahahaha! GGSS rin pala 'tong kapatid ko. Pero agree naman ako sa sinabi niyang gwapo siya. Kapatid niya ako eh kailangang suportahan!

"Sige mga kuys! Haha. Una na ako. May pasok pa kasi ako. Byee yah all. See you later! " paalam ko sa kanila at umalis na kaagad. Sht. Late na ako. May activity pa naman.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon