tomorrow

24 2 0
                                    


Pagkadating ko sa bahay, sinabi ko na agad iyon kay Raven. May kwenta din pala yung pagpunta nila dito lagi.

"Whoa! Bakit bigla kang nagmamadali? At nagpaganda ka pa talaga ha! Hindi mo na ba matiis ang charms ko? Sabik na sabik ka na ba Yanna?"

"Hoy Raven! Mahiya ka naman sa mga balahibo kong nagsisitayuan na dahil sa mga pinagsasabi mo! Sabik na sabik? Lul! Asawahin mo sarili mo!"

"Oo nga noh? Kung asawahin ko nalang kaya ang sarili ko para naman wala nang mag-aagawan diyang mga babae. Wala ng mag-aaway! No war. Pero lahat naman maghihinayang. Lahat iiyak at magmamakaawa sa akin. Ayokong mangyari yun, kaya huwag nalang."

"Ewan ko nga sayo. Baliw!"

Napasabunot ako sa buhok ko at umupo sa sofa. Kainis na Raven 'to. Puro walang kwenta pinagsasabi sakit sa ulo.

"Sis, pasensyahan mo nalang iyang si Raven ah? Minsan lang kasi yan mangarap. Pangarap niya maging gwapo pero sorry nalang siya dahil sa akin napunta ang kagwapuhang hinihiling niya."

Tinignan ko ng masama si Kuya.

"Isa ka pa!"

Tumawa lang siya.

"Yanna, ano ba kasi ang dahilan bakit ka biglang nagmadali na bukas na tayo magpapanggap na mag syota? Alam mo namang walang maniniwala sa atin kasi sobrang bilis diba?"

"Oo. Alam kong di sila maniniwala pero anong magagawa nila? Tayo na ang magsasabi diba? Sa atin manggagaling. Kaya maniniwala man sila o hindi, wala akong pakialam kasi ang gusto lang naman natin ay bumalik na si Zharaine sayo. Si Zharaine na nililigawan ni Lester! Sana bumalik na siya sayo para kahit papaano, magkakaroon ako ng pag-asa kay Lester. Ano bang meron kay Zharaine kuya Raven? Ano?"

Hindi ko namalayan, may luha na palang lumalabas sa mga mata ko.

Lumapit si Raven at pinunasan ang mga luha ko.

"Teka. Hahaha!"

Bigla akong natawa sa sarili ko.

"Oh? Bakit?" tanong nilang lima

"Eh kasi... Bakit ang O.A ko? Gusto ko lang naman siya pero ako, di niya gusto kaya wala naman akong karapatang magselos. Sorry mga kuys."

"Ganyan talaga kapag nagmamahal Yanna. Nagiging O.A tayo ng di natin namamalayan."

Anong hugot nito ni kuya Aldrei? May love life na ba ang isang 'to?

Nginitian ko nalang siya.

"Atsaka... Kami pa? Sanay na kami sa ka-OA yan mo. Diba mga tols?"

"Oo nga."
"Yeah."
"Sobra."
"Sanay na sanay."

At tumawa sila.

Wth? Binato ko silang lima ng mga unan na nasa sofa.

"Yanna, we will start tomorrow."

"Okay lang ba sayo?"

"Oo naman."

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.

"Salamat kuya Raven."

"Sus. Wala iyon! Basta huwag kang maiinlove sa akin ha?" he said and he winked at me.

"Bakit naman ako maiinlove sayo?"

"Ehem! Una, dahil gwapo ako. Pangalawa, dahil may abs ako. Pangatlo, dahil gentleman ako. Pang-apat, dahil gwapo ako. Panglima dahil, gwa- - "

"Ok." sabi ko ng walang gana.

Matutulog nalang muna ako.

"Anak ng! Di pa ako tapos uy!"

"Ganyan talaga kapag hindi kagwapuhan tol. Nao-ok zoned."

"Ok."

Umakyat ako sa taas at nahiga agad sa kama ko. Nakakapagod!

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon