no choice

33 3 0
                                    

Zharaine Reyes

Kasalukuyan akong nagfe facebook.

Whoa! Kaya naman pala iniiyakan ni Raven 'to e, ang ganda! Famous. Daming like. Nakikita ko siya lagi sa school pero di ko naman alam na siya pala yung girlfriend ni Raven dati.

Teka, Kailan niya pa ako naging stalker? Duh!

May nagchat sa akin...

Lester Fuentes

OMG! Muntik na akong mahulog sa kama ko sa sobrang gulat kahit impossibleng mahulog ako kasi malawak ito hehe. Agad kong binuksan at binasa.

"Kailan natin sisimulan yung project?"

Hay nako naman. Akala ko naman kung ano na. Nakalimutan ko kasing magpaload kaya siguro nag chat nalang siya kasi di ako nagrereply.

"Bukas nalang siguro. Kasi shorten naman.:)"

O diba. PS: bihira lang akong maglagay ng smiley.

"Ok."

What?! Na ok-zoned ako? Madami ngang boys diyan na naghihintay ng reply ko sa chat nila tapos siya isang 'ok' lang ang nireply? No. Inaantok na siguro ako. Matutulog nalang ako baka bukas magiging iloveyou na yan. Char.

~

"Miss Yanna! Gising na. Baka ma late po kayo."

Bumangon na agad ako. Ugh katamad.

As usual, ginawa ko ang aking morning routine.

"Yo sis!"

Salubong sakin ni Kuya pagkalabas ko ng kwarto.

"Bukas pa uuwi sila mommy no?"

"Yep! Mag-almusal kana."

"Sa school nalang."

"Tsk. Okay. Sabay na tayo."

"Ang aga mo naman ata ngayon Kuya. Haha."

"May practice pa kaming basketball. Next week na kasi laban namin."

"Sus. Lagi naman kayong may practice e. Masyado kayong O.A"

"Over Attractive. Thanks sis! Tara na. Baka malate tayo niyan."

Kainis.
Sinundan ko nalang siya palabas.

"Sup tol! Why are you here?" tanong ni Kuya kay Raven

Oo nga. Bakit nandito itong isang 'to?

"Miss na kita e." malanding sagot ni Raven

"Pakyu tol. Seryoso."

"Siyempre susunduin ko ang girlfriend ko." sabi niya sabay tingin sa akin

Kadiri. Binatukan ko nga!

"Di tayo talo!" sabi ko

"Joke. Para naman makatotohanan ang pagpapanggap natin." sagot niya

"Makatotohanan?! Eh kahapon lang kayo nag break diba? Sino sa tingin mo ang maniniwala sa atin?!"

Napakamot siya ng batok.

"Oo nga no? Nextweek nalang natin sisimulan." sabi niya

"Yep!" pagsang-ayon ko

"Oh ano? Tapos na kayo? Baka naman may kasunod pa yan? Takte! Sayang effort ko na magising ng maaga!"

"Sorna kuys."

"Pfft. Korni mo tol. Wala pa ngang 2 minutes yun. Haha."

Tinitigan ko si Raven. Bakit ganun? Nagagawa niya pang makipagbiruan at mang-asar. Tumatawa siya pero nakikita ko parin sa mga mata niya ang lungkot. Sana maging successful ang gagawin namin. Sana maging sila na ulit. Sana makita ko na ulit ang saya sa kanyang mga mata.

Natigilan ako sa pag-iisip nung biglang may nag snap sa mukha ko.

"Hindi pa tayo nagsisimula sa misyon natin pinagnanasahan mo na agad ako."

"Hoy asa ka- - -"

"Sige! Diyan nalang kayo ha? Huwag na kayong pumasok. Mag-asaran nalang kayo diyan. Patunayan niyong may forever!" sigaw ni Kuya habang nakasakay sa kanyang skuter at agad pinaandar.

"Hoy Kuya! Bumalik ka dito! Saan ako sasakay?! Huhuhu!" sigaw ko pabalik pero huli na kasi nakaalis na siya.

"Chill. Nandito pa naman ako."

Tinignan ko ng masama si Raven.

"Ikaw ang may kasalanan nito!"

"Tsk. Nagdadrama pa e. Halika na nga dito. Sakay na."

Urgh. No choice.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon