Third Eye 12: Second Confession

1.8K 89 8
                                    

♥SECOND CONFESSION♥

Kent's POV

Friday na naman ngayon at abala kaming nag aayos sa rooftop kasama ko yung mga kaibigan ni trixie. Gusto ko na sanang mag tapat ng feelings ko kay trixie at wala akong pakialam kung ma reject na naman ako sa kanya. This is my second confession with her at sanay na sanay na ako sa mga rejections kaya ayos lang kahit pa anong mangyari ngayon basta ang mahalaga masabi ko lang sa kanya yung matagal ko ng tinatago-tagong feelings ko para sa kanya.

"Ang bading mong mag isip ng concept kent" sabi ni audrey habang inaayos niya yung mga bulaklak sa lamesa. Grabe naman ngayon nga lang nag efforts tapos mamaliitin lang nila.

"Anong bading ka diyan bakekang! Nakaka-kilig nga eh, Isipin mo magtatapat lang siya ng feelings with trixie tapos may paganito na siyang efforts, eh kamusta naman si glyndon? Ganito ba siya mag efforts?" Sabi naman ni atheya habang inaayos niya yung kurtina sa lamesa. Kaya nga naman, May makikita ka pa bang kagaya ko? Pogi na nga ma efforts pa.ヽ(^。^)ノ

"Alam mo bakekang manahimik ka na lang diyan at bilisan na natin baka andun na si trixie sa classroom eh" sagot naman ni audrey. Mukhang hindi niya masagot yung tanong ni atheya ah, Mabuti na lang talaga at nandito silang dalawa para tulungan ako wala na kasi akong alam na tutulong sa akin eh. Si jhesie sana kaso busy din siya ngayon kasi meron daw silang presentation sa school kaya wala na akong magawa kundi lapitan yung dalawang ito.

Matapos nilang tapusin yung mga ginagawa nila ay muli silang bumalik ng classroom para sabihin kay trixie na pumunta siya ng rooftop. Nakakahiya mang sabihin pero kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sino ba namang lalaki ang hindi kakabahan sa sitwasyon na'to? Saan nga ba ako mag e-start? Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na gusto ko siya noon pa? Tss! Ano ba naman yan kent nasa diskarte na yan.

Tumingala ako sa langit at mukhang uulan ngayon dahil unti-unting binabalot nung itim na ulap yung buong kalangitan. Naku wag naman ngayon sa ibang araw ka na lang umulan pwede ba?! Kanina pa ako ikot ng ikot dito pero wala paring trixieng dumarating at mukhang malapit ng umulan pero hindi ko parin nasasabi yung feelings ko sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala parin siya at dahan-dahan ng bumuhos ang malakas na ulan kaya basang-basa akong naka-tayo habang naghihintay sa wala. Naalala ko tuloy yung nangyari sa akin nung unang mag confess ako kay trixie, Ganitong-ganito yung eksena at parang bumalik ulit ako sa pangyayaring yun, Bumalik ulit yung sakit na naramdaman ko noon. Nasaan kana ba? Hindi mo lang ba titignan yung efforts na ginawa ko para sayo? Para akong tangang naka-yuko habang walang pakialam sa buhos ng malakas na ulan. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman na nag init yung mga mata ko at dahan-dahang tumulo ang mga luha ko. I really hate this feeling! Hindi man lang niya nagawang tignan yung ginawa kong efforts para sa kanya. F*ck!

"AKACHAN KENT" Isang sigaw ang nag palingon sa likuran ko at dun ko nakita si trixie na unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko. Bigla na lang akong napa-ngiti nung makita ko yung mukha niya at talagang nagpa-basa pa siya sa ulan ah. I really love this girl♡

"Lang hiya kang gurang ka talaga! Bat ka nag paulan? Alam mo naman na ang mahal na ng neozep ngayon eh" pilosopong sabi nito kaya natawa na lang ako.

"Ehh ano bang tawag sa ginagawa mo? Diba nagpapa-ulan ka din naman" sabi ko dito kaya natawa na lang siya bigla.

"Ano bang ginagawa mo dito? Atsaka ano to? Sinurprise mo ba yung girlfriend mo pero breneak ka niya kaya ka ngayon nagpapabasa? Alam mo hindi solusyon yan sa problema mo tutal andito ka din sa rooftop subukan mo kayang tumalon ng mag end na life mo diba?" Sabi nito. Anong girlfriend sinasabi nito?

"Hindi ka ba na surprise sa efforts na ginawa ko para sayo?" Tanong ko dito at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Para sa akin? Ano bang sinasabi mo? Naka-hithit ka ba ng tambutcho kaya namaga utak mo?" Sabi nito kaya muli akong natawa sa kanya. Sabi ko nga hindi siya maniniwala sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ako mag salita.

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon