♥STARE♥
Trixie's POV
Maaga ako ngayong nandito sa cafeteria habang nagkakape at hanggang ngayon bakas na bakas parin yung ngiti ko. Ewan ko ba kung bakit ako ngiting-ngiti ngayon at maagang nagising? Siguro takot na akong malate pa baka kasi tuluyan na akong matigey ni Mrs.Miranda. Hindi lang kasi ako makapaniwala na makikilala ko kahapon si Mr.gwaping tapos classmate at seatmate ko pa siya, Grabe ang swerte ko^__^
Habang nagkakape ako ay bigla na lang bumukas yung Cr sa gilid lang nung pintuan. Malapit lang kasi ako dun kaya agad ko yun napansin, Hindi ko na sana yun papansinin kaso may bigla nalang akong nakitang mahabang buhok na naka-sayad sa sahig habang may pumapatak na dugo.
"Tulungan mo ako" Bigla na lang tumaas yung balahibo ko nung may bigla na lang bumulong sa tainga ko at halos malaglag ko na yung basong hawak ko. Tatayo na sana ako para umalis ng biglang may humawak sa balikat ko dahilan para mapa-sigaw ako.
"AHHHHHHHHH!!" Sigaw ko at halos lahat ng mga estudyanteng nasa cafeteria ay napatingin sa akin. Hndi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko at gusto ko ng umiyak sa puntong yun.
"Trixie are you okay?" Parang bigla na lang nawala yung lahat ng kabang naramdaman ko nung marinig ko yung boses na yun. Bigla na lang akong napa-harap at dun ko nakita ang napaka-gwapong mukha ni kent, Siya lang pala yung humawak sa balikat ko-_-
"Ahh...Yeah I'm okay, Nagulat lang ako sayo" sagot ko.
"Are you sure? Para ka kasing naka-kita ng multo eh" sabi nito na para bang nag aalala. Oo nakaka-kita ako ng multo pero hindi ko kailangang sabihin sayo baka kasi magulat at matakot ka pa sa akin eh.
"Nope! Nag iimagine lang kasi ako kaya napa-sigaw tuloy ako" pagsisinunggaling ko sa kanya.
"Kaya pala, Ang aga mo ngayon ah mukhang ayaw mo ng mapagalitan kay matandang niyog" sabi nito na bigla ko na lang ikina-tawa. Matandang niyog? Hahaha grabe naman yung pangalan ni Mrs.Miranda mukhang lahat ng estudyante niya ay may bansag sa kanya.
"Matandang niyog? Grabe naman niyang pangalan niya sayo, Ehh ikaw? Bat ka maagang pumasok ngayon? Practice na naman ba?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya pa naman yung practice namin gusto ko lang kasing mag tambay sa garden, Gusto mong sumama?" Tanong nito kaya tumango na lang ako bilang pag sang ayon kasi ayaw ko namang mag stay sa cafeteriang yun baka mahimatay pa ako dun at patayin pa ako nung multo, Aba malay ko na si sadako yun kasi ang haba ng buhok niya kaya lang sa Cr yung entrance niya hindi sa TV.
※GARDEN※
"Bat mo pala gustong pumunta lagi dito? Atsaka ginawa mo ng lungga yung puno ng mangga ah" Tanong ko sa kanya habang naka-upo kami sa mga damo. May kung ano ba dito sa garden na ito at bakit gustong-gusto niyang pumunta dito.
"Gusto ko dito kasi hindi maingay at hindi magulo unlike sa loob ng school na sobrang ingay, Gusto ko kasi yung mga peaceful place like this at may sariwang hangin na nalalanghap ko" sagot nito. Ang galing naman akala ko gulo lang gustong-gusto ng mga ganyang mukha.
"Peaceful place? Di punta ka ng library mas better dun kasi matutoto ka pa" suggestion ko naman sa kanya.
"Ayaw ko nga, Gusto ko yung makaka-tulog ako hindi yung magbabasa pa ako ng mga books" sabi nito.
"Sabagay tamad ka namang magbasa eh" Sabi ko sabay tayo ko.
"Oh where are you going?" Tanong nito.
"Pwede bang umakyat dun sa lungga mo?" Sabi ko sabay turo ko dun sa mangga na lagi niyang pinagtatambayan.
BINABASA MO ANG
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Horror#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...