Playboy 32: Cold

1.3K 72 9
                                    

♥COLD♥

Trixie's POV

"Lahat ng nakikita mo ay may konektado sa buhay mo at isa sa mga ito ang magbabalik sa nakaraan sayo. Ang nakaraan ang magiging kalaban mo at maging handa ka sanang harapin ito. Siya din ang magiging dahilan para maging susi mo at siya..."

Hindi ko maiwasang isipin yung sinabi sa akin noon nung matanda at hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Nahihirapan parin akong intindihin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng lahat ng yun.

"Bakekang natunaw na yung sundae mo oh, Wala ka pa bang balak kainin yan?" Biglang tanong ni atheya sa akin.

"Kaya nga, Atsaka kanina ka pa tulala sa room natin. May problema ba tayo bakekang?" Tanong naman ni audrey. Lahat na lang talaga napapansin nila sa akin.

"Ayaw kong kumain ng sundae at wala akong problema, Ayos na ayos lang ako" sagot ko at kunwareng ngumiti ako.

"Ayos? May ayos bang ganyan? We know that you have a problem so don't ashamed to tell to us" Sabi naman ni atheya sabay simot nung sundae.

"Ayon si kent oh! Wait tawagin ko lang siya ng makapag-usap kayong dalawa" sabay tayo ni audrey at lumapit sa kinaroroonan ni akachan kasama yung mga barkada niya. Pipigilan ko sana siya kasi ayaw ko na ako pa yung gagawa para lang lumapit siya kaso mabilis ang bruha.

"Ayan! Diyan ka umupo at mag usap kayo" sabay alis nilang dalawa nung maka-upo na si akachan sa tabi ko. Ano bang problema ng mga yun? Tumingin ako sa kanya at naka-yuko lang ito sa akin.

"Bakit hindi mo na sinasagot yung tawag ko? Yung mga txt ko sayo? Yung mga chat ko! May problema ba tayo akachan?!" Sunod-sunod kong sabi dahil kagabi pa ako naiinis sa kanya. Ewan ko ba kung may problema ba siya sa akin kaya hindi niya ako kayang kausapin! Naguguluhan na nga ako tapos dumadagdag pa siya.

"I'm sorry akachan busy lang kasi ako sa prac..." hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin niya dahil agad akong nag salita.

"Practice na naman sa basket ball?! Akala ko ba tapos na yan? Wag mo nga akong lukohin! Hindi yan ang dahilan!" Galit kong sabi dito at halos tumingin na lahat sa amin yung mga taong kumakain sa cafeteria.

"Can you please minimize your voice?! Alam mo namang ang daming tao dito tapos aawayin mo 'ko?! Kung pinapunta mo lang ako dito para pagalitan mas mabuti na lang na doon na lang ako sa mga barkada ko!" Sabay tayo niya at gaya ng hindi ko inaasahan iniwan niya akong naka-upo. Para akong tangang naka-upo habang tinitignan ng mga tao sa cafeteria. Bakit siya ganun sa akin? Hindi naman ganun yung kent na nakilala ko.

Hindi ko na napigilang umiyak pa dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ako na nga yung nag e-effort para magka-usap kaming dalawa pero mas pinili pa niyang sumama sa mga barkada niya. Mas mabuti pa yung bola at barkada niya lagi niyang nakakasama pero ako minsan na nga lang niyang makasama iiwan pa niya.

Kinuha ko na yung bag ko at inayos yung mga libro bago ako lumabas ng cafeteria. Hindi ko alam pero bigla akong dinala ng mga paa ko sa garden. Habang palapit ako sa may garden ay may bigla na lang akong narinig na pamilyar na boses at hindi akong nagkakamaling si kent yun. Agad akong lumapit dito at laking gulat ko nung makita ko si cheeny.

"Anong ginagawa ninyo? Kent what Is this?" Kagat labi kong sabi dahil pinipigilan kong tumulo yung nagbabadyang mga luha sa mga mata ko.

"Huh? Ahh.. Kasi si cheeny she's asking about dun sa pinsan niyang si hexter kasi hindi daw siya makakasama mamaya sa basket ball league namin kasi may sakit daw siya" Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya or what pero sobrang laki ng tiwala ko kay akachan that's why naniwala agad ako sa kanya. Nakita kong naka-ngisi sa akin si cheeny at parang may gusto siyang sabihin pero hindi ko mahulaan kung ano yun.

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon