♥CONFUSED♥
Trixie's POV
"YOU LIKE HIM?" Sigaw nila audrey at atheya matapos kong maikwento sa kanila yung mga nangyari sa amin kahapon ni kent. Talagang sabay pa silang dalawa ah!
"No! I don't know! Ahh naguguluhan ako, Ayy basta ewan ko" naguguluhan kong sabi sabay inom nung float. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at mukhang wala kaming first to second subjects kasi may meeting ata?.
"So cunfused ka sa feelings mo with him? Mukhang iba na yan bakekang ah" kinikilig na sabi ni audrey. Naguguluhan talaga ako at ewan ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko kapag kasama ko si kent. Kasi halo-halo yung na fe-feel ko once na makita ko siya or kasama ko siya.
"Alam niyo mga bakekangs kapag kasama ko si kent parang may flappy birds na nag fla-fly away sa tiyan ko, tapos parang may fire drill na nagaganap sa mukha ko sa sobrang init, And then yung pananalita ko parang alien sa sobrang utal and lastly parang may nagaganap na band competation sa dibdib ko sa sobrang kabog nito" pag eexplain ko sa nararamdaman ko kapag kasama ko si kent at parang nagulat silang dalawa dahil hindi sila maka-imik at pareho silang naka-nganga.
"I think you don't like him because you love him na" sabi ni atheya at laking gulat ko dun sa sinabi niya. I LOVE HIM?! WHAT?! Mahal ko na siya agad? Tss.
"WHA.. WHAT?! Hindi naman siguro! Naguguluhan lang ako kaya ako nagkaka-ganun" sabi ko dito. Imposible namang mahal ko siya agad? Pwedeng crush mo na bago mahal diba?
"Bakekang maniwala ka mahal mo na yan o di kaya gusto mo na siya kasi alam mo yang na fe-feel mo ngayon naramdaman na namin yan eh since naging kami ni lester" seryosong sabi ni atheya at napa-lunok naman ako ng laway. Seryoso? Ganun ba talaga kapag In love ka?
"I agree with atheya kasi na feel ko na din yan" pagsasang-ayon naman ni audrey kay atheya. So wala na nga ako akong kakampi? Di sila na. Kaazar!
"Naguguluhan na talaga ako mga bakekangs" sabi ko habang sinasabunutan ko yung sarili kong buhok.
" Wala namang masama kung magka-gusto ka sa kanya, Don't control your feelings with him so all you can do Is follow what's your heart saying" Sabi ni audrey na parang may gusto siyang ipaglaban. Gusto ko na ba talaga si kent? Naguguluhan talaga kasi ako eh:(
Matapos kaming nag tambay sa cafeteria ay naisipan kong pumunta na naman ng garden. Wala lang parang bet na bet ko ng tumambay sa lugar na yun hindi dahil nandun lagi si kent kundi napaka-peaceful yung lugar na yun. Yung tipong parang ang layo-layo mo sa school na sobrang ingay ganern. Habang naglalakad ako papuntang garden ay bigla na naman akong nakaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa balat ko dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko. Bigla na lang akong napa-tingin dun sa isang cafeteria na hindi na ngayon ginagamit dahil dun sa kwento nung second year college pa ako na may nag bigti daw babae sa loob nung cafeteria. Bigla akong kinilabutan nung may makita akong lubid na dahan-dahang bumababa habang may pumapatak ditong dugo at mas lalo akong nanginig sa takot nung makita ko yung isang babaeng naka-sabit habang naka-suot ito ng wedding gown na punong-puno ng dugo.
Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Dahan-dahang umaangat yung ulo nung babae kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo bago ko pa makita yung mukha niya. Kahit na palagi akong nakaka-kita ng multo ay hindi parin maaalis sa akin yung takot. Sawang-sawa na nga akong maka-kita ng multo! Gusto ko ng sumarado yung third eye ko. Letche talaga yung true love na yan-_-
Hindi ko namalayan na nasa garden na pala ako at dun ko nakita si kent habang may kinakausap na babae. Parang bigla na lang ulit ako nang hina dahil dun sa nakikita ko. Pareho silang tumatawa na parang ang saya-saya nila, Mukhang nahanap na ni kent yung babaeng magbabago sa kanya ah. Paano naman ako? Forever na ba akong ganito? Wala na bang taong makakapag-sarado ng third eye ko? Ang sad naman:( Lalapitan ko sana sila kaso naisip ko masyado akong panira ng moment nilang dalawa. Wala akong karapatang pumunta dun at sirain lang yung kasiyahan nila, Kung saan masaya si kent di support ko na lang siya. Ano ba ako sa kanya? Kaibigan lang naman ako eh kaya wala akong karapatang mag react ng kung ano-ano. Ganun ako ka supportive na tao kahit deep inside nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Horreur#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...