♥IS IT REAL?♥
Trixie's POV
Hindi pa rin ako maka-move on sa nakita ko kagabi. Siya kaya 'yung nakita ko kagabi? Hindi kaya ako nananaginip? Pwede kayang magbalik ang kaluluwa niya dito sa lupa?. Sana nga talaga siya 'yon para naman matahimik na ako sa kakaalala sa kaniya.
"Jusme! Lusaw na ang ice cream mo sa kaka-imagine mo!" Bigla akong napatingin sa hawak kong ice cream at tumutulo na pala ito sa kamay ko. Agad ko itong pinunasan ng tissue.
"Sana nga siya na 'yung nakita ko kagabi" Agad nag lakihan ang mga mata ng dalawa kong kaibigan.
"Sino naman 'yon?" Sabay na sabi nilang dalawa. Ayaw kong sabihin sa kanila baka kasi pagtawanan lang nila ako. Kilala ko na sila baka pagkamalan pa akong nababaliw na.
"Wala" tipid kong sabi.
Matapos kaming magpalamig sa isang convenience store ay kaniya-kaniya na kaming uwi. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung sino 'yung nakita ko kagabi. Malakas ang loob ko na si aswang 'yon pero ayaw ko namang umasa pa sa wala. Naguguluhan ako!.
Muli akong dinala ng mga paa ko papunta sa sementeryo. Ewan ko ba pero parang nagustuhan kong tumambay sa lugar na'to. Ang hirap kalimutan 'yung mga masasayang nangyari sa akin habang kasama ko si aswang. Napapa-ngiti na lang ako sa tuwing naaalala ko lahat ng mga 'yon.
Mas lalo akong napangiti ng maalala ko 'yung una naming pagkikita. Akala ko talaga no'ng una siya si kamatayan, pero na realize ko naman na walang gano'ng mukha si kamatayan. Gwapo daw ang g*go kaya ayon naniwala naman ako. Damn! I really miss him so much.
Sa bawat araw na lumilipas siya lagi ang iniisip ko. Ba't ganun kung kailan tayo nagmamahal ng totoo tsaka naman sila naglalaho? Hindi ba pwedeng mag stay na lang sila sa atin?. Hindi ko na napigilang lumuha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Araw-araw na ba akong ganito?. Kahit sana magparamdam siya ayos lang sa akin 'yon kesa naman mabaliw ako ng araw-araw.
Habang umiiyak ako ay may bigla na lang akong narinig na kumanta. Bigla akong kinabahan dahil sa boses na naririnig ko ngayon. Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko at pati ata anit ko tapos 'yung buhok ko sa baba ay tumayo na rin. Kilala ko kung kaninong boses 'yon. Si aswang!.
Agad akong tumayo sa isang mataas na nitso para matanaw ko kung saang banda ang boses ng naririnig ko. May nakita akong maraming naglalakihang lobo at bawat lobo ay may nakasulat ritong isang letra.
"THE HANDSOME GHOST IS BACK"
Halos hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Naghahalo-halo na talaga ito ng bonggang-bongga!.
STILL IN LOVE
By: Jason Chen-
I feel the same way
That you did about me yesterday
Promised you'd never leave me alone
The castles that we made
Were swept by the tide and washed away
And now the sunsets have all gone-
Now time is moving, faster than before
And now we can't even seem to find the shoreChorus:
'Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why can't we make it better
'Cause all tha I know is found in you
I'm missing your love, I'm missing your face
All of our past, don't let it erase
I know that you still fell the way I do
Because I'm still In love with youHindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Totoo na ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Sana magising ako kung panaginip man ito. Ayaw kong umasa sa wala!.
BINABASA MO ANG
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Terror#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...