Playboy 34: It's Hurt

1.2K 61 7
                                    

♥IT'S HURT♥

Trixie's POV

Para akong lantang gulay nung magising ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko at parang nilalagnat ako.

"Are you okay?" Nagulat ako nung bigla na lang lumapit si shanaya sa akin. Nandito kasi ako sa kusina at pinipilit kong kumain pero wala, Hindi ko kayang lunukin yung kinakain ko.

"Ahh yeah. I'm okay" walang gana kong sabi sabay inom ko nung tubig.

"Are you sure? Parang ang tamlay mo ngayon eh" Hindi ko na siya sinagot pa dahil muli akong umakyat papuntang kwarto ko.

Humiga ulit ako sa kama ko at ibinalot ko sa buo kong katawan yung makapal kong kumot dahil sobrang nilalamig ako. Pinilit kong ipinikit yung mga mata ko kahit sobrang init din ng pakiramdam ko.

Nagulat ako nung bigla na lang akong napunta sa isang lugar na hindi ko alam. Medyo madilim ang kalangitan at tila nagbabadya ang malakas na ulan. Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko sa lugar na'to?

Naglakad ako para malibot ko pa lalo ang lugar kung saan ako napunta. Sa hindi kalayuan may nakita akong lalaking nakatalikod at parang kilala ko siya dahil sa postura nito at sout nitong pamilyar. Napa-ngiti ako nung unti-unti siyang humaharap sa akin, Hindi nga ako nagkamali! Si akachan ang nakita ko pero napawi agad yung ngiti ko nung makita ko sa kanyang mukha ang lungkot. Ramdam ko na may problema siya at parang unti-unting nadudurog yung puso ko.

"AKACHAN!" Sumigaw ako baka kasi hindi niya ako nakikilala. Naglakad ako para sana lumapit sa kanya pero bawat hakbang na ginagawa ko ay mas lalo siyang lumalayo. Anong nangyayari? Panagip lang ba talaga 'to?

"AKAAACHAAAN!" Mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. Unti-unti kasi siyang nawawala sa paningin ko at wala man lang akong makitang kasiyahan sa mukha niya. Isa pang hakbang ang ginawa ko pero nagsisi akong ginawa ko yun dahil dun na nawala sa paningin ko si akachan.

Hindi ko na napigilang umiyak ng sobra dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sana hindi ito totoo! Sana panaginip lang ng lahat ng ito. Hindi ko kayang mawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko. Wake up trixie! Just wake up!

Habang naka-yuko akong umiiyak ay may bigla na lang liwanag na tumama sa akin dahilan para tumayo ako. Mula sa malayo ay tanaw ko ang isang lalaking palapit sa akin, Nakaramdam ako ng kakaiba habang palapit siya. Ewan ko pero parang unti-unti kong naaaninag yung mukha niya. Kahit sobrang labo ng mukha niya ay kita ko parin yung pag-ngiti niya dahilan para mas lalo pang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Trixie wake up!" Halos naka-hinga ako ng maluwag nung may tumawag sa pangalan ko. Panaginip lang pala ang lahat ng yun! Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas nito. Parang ngayon lang ako naka-hinga at sobrang sakit ng dibdib ko.

"Akala namin hindi ka na magigising" bigla akong napatingin sa kabilang gilid ko at dun ko nakita si dominic na mukhang nag aalala. Seryoso ba talaga itong multo na'to?

Hindi ko na napigilang umiyak pa nung maalala ko yung panaginip ko. Dapat si akachan ngayon yung katabi ko! Siya yung kailangan ko at gusto kong makita. Bigla akong niyakap ni shanaya at parang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. Parang nawala yung galit at inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Panaginip lang yun couz kaya kalimutan mo na yung bagay na yun, We're always here with you so stop crying na" pagpapakalma nito sa akin habang hinahagod ng mga kamay niya ang likod ko. Nagulat naman ako ng may nag abot ng panyo sa akin.

"Alam kong kailangan mo din ito" napa-ngiti na lang ako nung makita ko si dominic. Agad kong kinuha yung panyong inaabot niya at ipinahid sa aking mukha.

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon