Love 44: Human Love Ghost

986 37 2
                                    

♥HUMAN LOVE GHOST♥

Trixie's POV

Maaga akong nagising dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Sobrang kulang pa 'yung tulog ko pero kailangan kong bumangon para makaalis kami ni aswang ng maaga.

"Oh gising ka na pala, trixie. Higop ka muna ng kape" pag-aalok sa akin ni manang habang katabi nito si fria na nagka-kape rin.

"Naku, hindi na po manang. 'Asan na po si manong fred?" Tanong ko.

"Nauna na siya doon sa kinaroroonan ng sasakyan niyo. Baka tapos niya ng ayusin 'yon dahil kanina pa siya umalis"

Agad naman akong lumabas ng bahay nila para puntahan si manong. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si aswang na tahimik na natutulog sa isang papag na may katabing malaking narra.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at napa-ngiti ako ng makita ko ang napaka-amo niyang mukha. Kahit pala natutulog ito ang ganda niyang panoorin.

"Sana naging tao ka na lang"

Gusto kong hawakan 'yung mukha niya kaya unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa mukha nito. Napa-pikit ako ng maramdaman ko ang napaka-lamig sa kan'yang mukha. Sobrang sarap sa pakiramdam. Parang na i-imagine ko na nahahawakan ko talaga siya.

Muli kong binuksan ang aking mga mata at nagulat ako ng makita ko na nasa harapan ko na si aswang. Sobrang lapit ng mukha nito at lalo akong kinabahan dahil bigla ko na lang naramdaman ang paghinga nito.

Multo ba talaga 'to? Ba't kaya niyang huminga?

"Mas gusto ko ng ganito. 'Yung sobrang malapitan ang mukha mo sa'kin"

'Tila inaakit ako ng mga mata nito na titigan siya ng mabuti at halos atakihin na ako sa puso dahil sa lakas ng pagtibok nito. Mas lalo pa ata akong nahuhulog sa aswang na'to! Nyeta!.

"Ta--tara na, kanina pa naghihintay sa atin si mang fred" sabay tayo ko pero muntikan na akong matumba dahil sa nginig ko. Mabuti na lang at naka-hawak ako sa punong katabi ko.

"Minsan kasi gisingin mo ako para malaman ko na pinagnanasahan mo mukha ko"

Bigla ko siyang tinignan ng masama. Ang kapal naman ng mukha ng aswang na'to! Pagnanasa ba 'yung tinitignan lang ang mukha niya?!.

"Minsan din mag ingat ka sa mga sinasabi mo! Ang kapal naman ng mukha mong magsabi ng pinagnanasahan kita! Over my sexy and beautiful body! Yaks!" Sabay talikod ko sa kan'ya.

"Ehh totoo naman ah, kung hindi pa ako nagising baka ginagahasa mo na ako sa imagination mo"

Gusto ko sana siyang sapakin ng matauhan siya sa mga pinagsasabi niya! Pasalamat siya at multo siya.

"Pwede bang tumigil ka na asumerang aswang?! Gahasahin mo mukha mo!" Kahit inis na inis na ako sa kan'ya ay hindi parin siya tumitigil sa pang i-insulto niya.

"Ehh, gwapo kasi ako!" Sabay sulpot nito sa harapan ko habang nagpapa-cute ito sa akin.

"Hindi mo talaga ako titigilan? Bahala kang mag hanap sa mga parents mo!" Sabay talikod ko sa kan'ya.

"Ito naman hindi mabiro. Sorry na"

Hindi ko siya pinapakinggan. Diretsyo lang ako sa paglalakad ko. Akala nitong aswang na'to! Nakaka-rindi na 'yung mga pinagsasabi niya.

"Uy! Sorry na" pagmamakaawa nito sa harapan ko.

"Ayan! Marunong ka dapat matakot. Sa susunod 'wag kang paulit-ulit! Tama na 'yung isang beses mong sabihin sa akin na gwapo ka" naka-ngiti kong sabi.

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon