♥LOST/LOVE♥
Trixie's POV
"Matagal na talagang nakaka-kita 'yan si fria ng multo, simula ng ipanganak ko siya sabi ng matanda sa amin may iba daw siyang kakayahan. Pero hindi naman ako naniwala do'n. Naniwala na lang ako ng malaki na siya" kwento sa amin ng nanay no'ng batang kagaya ko din pala na nakaka-kita ng multo.
"Pareho lang pala kami ng anak niyo. Ganyan din ako ng bata ako at alam na no'n ni mama, kasi may third eye din ang lola at pinsan ko. Nung una natakot ako na tanggapin 'yung ganung kakayahan. Pero I realize na baka blessing 'to para maka-tulong ako sa mga multo" sabi ko habang naka-tingin ako do'n sa batang babae na nagtatago sa likod ng mama niya habang naka-tingin ito kay aswang.
"Ba't pala kayo napadpad dito?" Tanong naman no'ng lalaking katabi ni manang at mukhang asawa niya ito.
"Ahh, may hinahanap lang po kasi kami. Tinutulungan ko 'yung kaibigan kong multo na hanapin 'yung mga magulang niya. Nasiraan kami ng sasakyan kaya naghanap kami ng masisilungan at mabuti na lang na nakita namin itong bahay niyo" sagot ko.
"Naku! Marunong mag ayos ng sasakyan itong si fred, baka matulungan niya kayo bukas na ayusin 'yung sasakyan niyo" natuwa naman ako do'n sa sinabi ni manang. Mukhang makaka-alis din kami dito agad.
"Sige, bukas tutulungan ko kayong ayusin 'yung sasakyan niyo. Pansamantala muna kayong tumuloy dito" ang bait naman ng mag asawang 'to.
Saglit kaming nagpahinga ni aswang ng bigla na lang kaming tinawag ni manang emma para kumain. Sakto gutom na gutom na ako kaya agad akong tumayo para tumungo sa kusina nila.
"Dito ka na lang po ate sa tabi ko" alok ni fria do'n sa upuan na katabi niya. Agad naman akong umupo. Amoy pa lang no'ng ulam nila mukhang masarap na.
"Oh kuha ka na di'yan ng kanin mo" sabay bigay sa akin ni manang emma 'yung plato ko.
May plato pero walang kutsara't tinidor?
Biglang natawa si manang ng makita ang ekspresiyon ng mukha ko."Nakalimutan kong sabihin hindi pala uso sa amin ang kutsara't tinidor, kamay! Kumakain kami gamit ito" sabay kaway niya 'yung kaliwa niyang kamay na puno ng kanin. Napa-lunok naman ako ng marinig kong kamay ang gamit nila.
"Oh itong tabo at mag hugas ka ng kamay mo" sabay abot ni manong 'yung tabo nila na gawa sa lata. Agad naman akong nag hugas at bago ko umpisahang kumain gamit ang kamay ko ay pinanood ko muna silang kumain.
Parang ang sarap kumain gamit 'yung kamay mo. Matapos ko silang pinanood ay inumpisahan ko na ding kumain. Wooahh! Ang sarap ng ulam nila ^O^.
"Grabe po ang sarap pa lang kumain ng ganito. Tapos ang sarap po ng ulam niyo, ano po 'to?" Na-curious ako bigla, kasi naman ang sarap niya eh. Baka maisipan kong magpa-luto ng ganito kay manang auria sa bahay.
"Adobong palaka" sagot ni fria at halos ma-isuka ko 'yung mga nakain ko. Parang nag echo 'yung palaka sa tainga ko. Agad akong tumakbo sa labas ng bahay nila at do'n ko na isinuka lahat ng mga kinain ko.
Anong klaseng pagkain 'yon? Ba't palaka?! Baka tumalon pa sila sa tiyan ko! Yaks! Pero infairness ang sarap niya kaso nandidiri ako sa palaka eh!.
"Ano? Kaya mo pa bang manirahan sa ganitong lugar? Hahaha!" Bigla kong tinignan ng masama si aswang na tawang-tawa sa mga nangyayari sa akin.
"Kahit kailan talaga wala kang concern sa akin! Tsk!" Sabi ko sabay irap ko sa kan'ya at muling pumasok. Naabutan kong nililigpit na nila 'yung mga pinag-kainan namin.
"Pasensya ka na trixie at walang matinong makakain dito. Kung gusto mo bubuksan ko na lang itong isang sardinas dito para makakain ka" sabi ni manang. Tatanggi sana ako kaso nahihiya na ako. Alam kong mas matino pang kumain na lang ako ng sardinas kesa sa palaka.
"Ako dapat ang humingi ng pasensya sa inyo manang. Hindi po talaga kasi ako kumakain ng palaka" ngumiti lang ito at inilapag na 'yung sardinas na ulam ko.
Matapos akong kumain ay ako na ding nag hugas ng mga pinag-kainan ko. Pagkatapos kong mag hugas ay agad akong ginuyod ni fria.
"Ate trixie dito ka na lang po sa kwarto ko matulog. Isama mo na din po 'yung poging multo na kasama mo" sabi nito habang nililinisan nito 'yung higaan namin.
"Pogi? 'Yung aswang na 'yon pogi? Mukhang malabo na ata 'yung mata mo fria" natatawang sabi ko. Yaks! Hindi maaaring maging pogi 'yung aswang na 'yon!.
"Aswang? Ehh multo naman po siya. Totoo pong pogi si kuyang mumu, nung una lang natakot ako baka kasi bad siya pero hindi naman pala" sabay higa niya. Agad ko naman siyang tinabihan at pinag-laruan 'yung mahaba niyang buhok.
"Alam mo, mabait talaga 'yung aswang na 'yon pero hindi siya pogi" ang hirap talagang mag sinunggaling ang bata. Naku! Kapag narinig ng aswang na 'yon ang sinasabi ng batang 'to baka lumakas na naman ang pagka-hangin no'n.
"Bakit mo tinuturuan ang bata na mag sinunggaling? Atsaka sinong aswang? Sa pogi kong 'to aswang ako?!" Sabi ko na nga ba eh! Lalong lumakas ang hangin!.
"Pwede bang 'wag kang pasulpot-sulpot! Nakaka-gulat ka! Atsaka sinasabi ko lang po 'yung totoo dito sa bata!" Mataray kong sabi dito. Nagulat ako ng bigla niyang nilapit 'yung mukha niya sa'kin.
"Ano? Pogi ba? Naniniwala ka na?" Sabay kindat nito sa akin kaya halos hindi ako maka-galaw. Nanatili akong titigan 'yung mukha niya. Ba't ba ang rupok ko pagdating sa wink na 'yan?!
"Ewan ko sa'yo!" Sabay iwas ko ng tingin sa kan'ya. Natatakot ako sa nararamdaman ko sa aswang na'to! Ayaw ko, kaya kailangan kong pigilan.
"Kita mo fria? Hindi siya maka-sagot kasi pogi ako, diba?" Bigla namang tumango 'yung bata. Ikaw na! Ikaw na ang pogi! Psh.
"Alam niyo po bagay kayo" parang may biglang nagsisi-liparang mga paru-paru sa tiyan ko. Ayaw kong tumingin kay aswang dahil alam kong tinitignan niya ako. Baka mahalata ni'yang namumula 'yung mukha ko. Mahirap na!.
"Tao ako at multo siya kaya hindi kami bagay. Alam mo matulog ka na lang para lalo ka pang lumaki" sabi ko dito at mukhang masunurin siya dahil bigla na lang ni'yang pinikit 'yung mga mata niya.
Bigla akong napa-lingon sa kinaroroonan ni aswang pero wala na siya. Asan na naman kaya 'yon?. Lumabas ako ng bahay para tignan siya do'n at nakita ko siyang naka-upo sa tabi ng isang malaking puno.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ko sabay tabi ko sa kan'ya. Masyado na namang malalim 'yung iniisip niya.
"Pinagmamasadan 'yung mga bituin. Ang ganda noh?" tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Sana naging tao na lang ako. Sana hindi na lang ako namatay"
Bigla akong nalungkot ng makita ko 'yung mukha niya. Parang naiiyak na siya pero pinipigilan niya lang.
"Wala ka ng magagawa. Naka-takdang mawala ka na kaya wala kang ibang gawin kundi tanggapin na lang" sabi ko. Alam kong mahirap ang nasa posisyon ng aswang na'to. Kaya kailangan kong gawin kong anong tulong man ang gusto niya.
"Kaya nga ang hirap! Multo ako tapos tao siya kaya hindi kami bagay. Walang pag-asa! Malabo na" anong pinagsasabi ng aswang na'to?
"Huh?" Kunot noo kong sabi.
"Wala, matulog ka na lang para maaga tayo bukas" magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nawala sa harapan ko. Kahit kailan walang modo 'yung aswang na 'yon!.
Naiwan ako ngayong naka-tulala sa mga nag kikislapang mga bituin. Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa kan'ya kaya kahit masakit kailangan kong pigilan.
Oo! Gusto ko na 'yung aswang na 'yon! Gusto ko na siya pero kailangan kong pigilan itong nararamdaman ko para sa kan'ya. Hindi pwedeng magmahal ako ng isang multo! Tao ako kaya hindi multo ang mamahalin ko.
Handa kong balewalain itong nararamdaman ko para sa kan'ya. Ayaw kong masaktan ulit sa huli. Ayaw kong maiwanan! Takot na ako. Takot na takot na ako sa bagay na 'yan kaya kailangan kong mag-ingat sa nararamdaman ko ngayon.
Sana naging tao ka na lang para handa akong sabihin sa'yo itong nararamdaman ko. Gusto kita...
ASWANG!
#L43Lost/Love
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Horror#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...