Ghost 27: Something?

1.3K 70 4
                                    

♥SOMETHING?♥

Trixie's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba at parang may nagaganap na fiesta dahil sa sobrang ingay nito. Padabog akong tumayo sa kinahihigaan ko para bumaba at tignan kung anong nangyayari. Wala akong paki kung ano man ang maging itsura ko basta gusto kong patayin kung sinuman yung mga nag iingay!

"ANO BA BAT ANG INGAY DITO?! MAY SUNOG BA?! MAY PATAY BA? NI-RARAPE BA KAYO?!" Sigaw kong sabi habang naka-pikit pa yung mga mata ko at kinakamot ang ulo ko. Wala pa kasi akong balak magising eh kaso binulabog ako ng letcheng ingay na'to.

"Akachan are you okay?" Biglang bumilis yung kabog ng dibdib ko nung marinig ko yung boses na yun na bumulong sa tainga ko. Parang ayaw ko na tuloy buksan pa yung mga mata ko kasi baka si kent yung makita ko tapos ganito pa yung itsura ko, Ngayon may pakialam na ako sa face ko. Panaginip 'to diba? Nanaginip ako kaya wag niyo akong gisingin! Zzzzzz.

"Akachan just open your eyes para naman makita mo yung napaka-gwapong boyfriend mo" Muli nitong sabi kaya wala na akong nagawa kundi buksan na lang yung mga mata ko at hindi nga ako nagkamali dahil kaharap ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko. Naka-ngiti ito habang may dala itong tatlong rosas.

"Naku maghihilamos mo na ako! Nakakahiya" nagmamadali kong sabi habang takip ko yung mukha ko at aakyat ulit sana ako nung bigla niya akong pigilan.

"Roses for you and then no need ka ng mag hilamos because you look beautiful kahit na bagong gising ka lang" parang nag init yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba? Parang feel ko kasi niloloko lang niya ako eh.

"HAHAHAHA ANG PANGET MO HAHAHAHA" Napalingon ako sa gilid ko dahil sa lakas ng boses nung nag salita at dun ko nga nakita ang bwesit sa buhay ko. Namimilipit na ito sa kakatawa habang katabi naman niya si shanaya. Bwesit na aswang! Panira siya ng moment -_-

"Can you please shut up? Couz sige na mag breakfast kana, Hayaan mo na lang itong multo na'to medyo may tupak kasi sa utak"  sabi naman ni shanaya habang kumakain siya ng sandwich. Inirapan ko lang si dominic at pumunta na lang ako ng kusina para mag almusal. Pagdating ko ng kusina ay naabutan ko sina mommy at manang auria na nagluluto.

"Oh gising na pala ang princess ko" agad na sabi ni mommy sabay halik sa noo ko. Agad kaming umupong magkatabi ni kent habang inilalapag naman ni manang yung mga pagkain.

"Wala ka ba ngayong practice?" Tanong ko sabay kuha ko nung sandwich.

"Wala eh that's why I'm here para naman makita ko yung napaka-gandang babae sa buhay ko" sagot nito kaya muntikan ko ng hindi malunok yung kinakain ko.

"Bolero! Ang aga-aga kung ano-ano na sinasabi mo" sabi ko sabay palo sa braso niya.

"Ayy naku anak kanina pa yan humihirit at sabi pa nga niya sa akin papakasalan kana daw niya ngayon kasi nandito naman na daw ako" singit naman ni mama habang hinahalo niya yung niluluto niya. Tumingin ako kay kent at kinindatan lang ako nito.

"Hoy akachan wala pa sa listahan ko yang pagpapakasal na yan kaya manahimik ka! Atsaka wag kang mag alala dahil ako naman yung magiging bride mo" sabi ko dito at mukhang kinilig ang g*go dahil namula ang mukha nito.

"Hay naku! Tigil-tigilan niyo nga yang kasal na yan, mga bata pa kayo kaya hindi pa kayo pwede sa bagay na yan. Just enjoy your life as a teenagers" payo naman sa amin ni mommy. Alam ko naman yun eh! Mas masarap maging ganito dahil wala ka pang masyadong iniisip hindi yung kapag may asawa na madami ka ng iisipin kaya just think before you enter with that kind of life hindi yung kapag nasa situation kana dun ka naman na magsisisi.

Matapos kaming kumain ni akachan ay nagpaalam ulit siya dahil susunduin pa niya daw ang mommy niya kaya heto ako, tahimik na nanonoud habang maingay naman na nagkwekwentuhan sina aswang at shanaya. Tumingin ako sa kanilang dalawa at kitang-kita sa mukha nila yung saya. Bakit ganun? Si shanaya napapatawa niya pero ako lagi niya ako bwenibwesit? Ang daya naman! Masyadong unfair yang aswang na yan.

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon