Love 41: Is It Love?

1.1K 43 3
                                    

♥IS IT LOVE?♥

Trixie's POV

"Wow, gumaganda na ngayon si bakekang ah! Parang may sikreto" napa-irap ako dahil sa sinabi ni audrey. Ewan ko kung compliment ba yun o pang iinsulto?

"So pangit ako noon ganern? Masyado kang bakekang ka ah! Akala mo kung sino kang maganda!" Inis kong sabi sa kanya.

"No! I mean mas lalo kang gumaganda at ewan namin kung sino ang dahilan ng lahat nang 'yan" depensa nito sa akin. Kahit kailan masyado siyang chismosa!

"Because I'm totally move on with him! I already forget him kaya bumabalik ang alindog ko" mayabang kong sabi sabay flip ng hair ko. Ganito talaga kapag naka-move on kana, mas lalo kang gaganda.

It's almost two months na din simula nung mag hiwalay kami ng taong akala ko pang habang buhay ko na. Masyado man akong nahirapan sa paglimot sa kanya ay nagawa ko pa rin talagang kalimutan siya. Hindi ko yun magagawa kung wala ang mga taong naka-paligid sa akin na hindi nagsawang ipa-realize sa akin kung paano ang maging masaya at malaya. Lalong-lalo na ang pinaka-da best na multong nakilala ko, Never akong iniwanan ni dominic sa tabi ko at hindi siya tumigil sa pag a-advice ng mga masasakit na katagang nagpa-bago sa akin. Hindi siya sumuko sa akin kahit na sukong-suko na ako sa sarili ko.

Kahit na nakikita ko araw-araw si kent sa school ay wala na akong nararamdamang sakit. Alam ko minsan namimiss ko din siya pero pinipigilan ko namang huwag isipin yung mga bagay na dati naming ginagawa.

"I think there's another reason kung bakit ka nagkaka-ganyan" may pang iinsultong sabi naman ni atheya.

"Another reason? Do you think pwede akong magka-gusto sa multong yun?! Haler! He's a ghost at wala akong feelings dun!" Alam ko naman na si dominic ang tinutukoy nila kasi lagi ko siyang na kwe-kwento sa kanila.

I know there's something wrong kapag nakakasama ko siya pero hindi naman ata yun love? Ay, basta! Gulong-gulo na din ako dahil sa pag-iisip ng bagay na yun.

"Malay mo you fell in love with him, wala namang masama kung magustuhan mo siya. Base on your story gwapo at mabait naman yung mumu na 'yun kaya hindi imposibleng mahulog ka sa kanya" Hindi ko talaga alam kung ano nga ba 'yung nararamdaman ko sa multong 'yun.

"Audrey's right! Alam naman namin bakekang na hindi ka takot sa mga multo na yan pero matakot ka kapag nahulog ka sa kanya" Halos hindi ko na mainom yung float dahil sa mga sinasabi ng mga bakekang na 'to.

"Alam niyo kayong dalawa dikit talaga ang utak niyo eh! Bahala kayong mag isip ng mga ka echosan!" Kanina pa ako naiinis sa mga sinasabi nila! Kailangan talagang sila ang mag dikta ng nararamdaman ko! Asar!.

"Sana lang talaga nakikita din namin si mr.ghost, Masyado na akong na cu-curious sa itsura niya" masyadong malandi itong atheya na'to! Ehh takot naman siyang maka-kita ng multo.

Habang tahimik kaming kumakain sa cafeteria ay nagulat na lang ako dahil sa may bigla na lang pumasok at mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nung tumingin ito sa akin ng naka-ngiti. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?!

"Hoy bakekang are you listening to us?!" Hindi ko na lang pinansin yung sinasabi ni audrey dahil bigla na lang akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni dominic.

"What are you doing here?!" Mahina kong tanong pero agad namang narinig ng mga taong kumakain sa cafeteria kaya agad kaming lumabas.

Nag lakad kami papuntang green field dahil alam kong wala ngayong tao dun. Habang naglalakad kami ay patuloy parin itong naka-tingin sa akin kaya naiilang ako masyado.

"Oh ano na naman bang ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo mag stay ka lang sa bahay!" Sabay upo ko dun sa mga maliliit na damo.

"Ehh namimiss kita eh" sagot nito at tila nag siliparan na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Masyado na akong natatakot sa mga sinasabi ng multo na'to. Mas nakaka-takot yung sinasabi niya kesa sa itsurang meron siya. 

Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon