♥ PINK♥
Trixie's POV
It almost 3 months and one week na kami ni kent ngayon. Ang bilis ng araw noh? Hindi ko akalain na tatlong buwan at mahigit na pala kaming nagmamahalan ni kent. Sa loob ng tatlong buwan na yun ay nakilala ko na ang pamilya niya at nasabi ko na din kay mommy and daddy na may boyfriend na ako at sobrang saya nilang dalawa kasi sa wakas daw ay nagkaroon na daw ako ng love of my life. Ang buong akala daw kasi nila tatanda na akong dalaga at ito pa ang mas malala akala nila tomboy ako kaya masyado daw akong ilag sa mga lalaki. Jusko! Hindi ko pinangarap na maging ganyan. Gusto ko din namang maranasan ang mag alay ng virgin coconut oil sa taong mahal ko.
Before I forgot alam na pala ni kent yung about sa third eye ko at akala ko nun iiwasan niya na ako or iiwan na lang bigla kasi natatakot siya kaso hindi niya ginawa. Sabi pa nga niya sobrang unique ko daw sa lahat dahil meron akong ability na makakita ng multo at gusto niyang tulungan ako na maisara yung pangatlong mata ko and he did It. Naisara na nga niya sa wakas yung third eye ko dahil sa araw-araw niyang pinaparamdam na mahal na mahal niya ako. Sobrang saya ng nagiging araw ko simula nung dumating si kent sa buhay ko. He surprise me every our monthsary and he always make me smile when I feel sad. Kent Is my life and I don't want to lose him.
"Bakekang hindi ka maganda para mag drama diyan" nagulat ako nung may mag salita sa likod ko. Siya lang pala! Ewan ko ba bakit until now nakikita ko parin itong si bruhang itim. Andito kasi ako sa may bintana habang pinapanood ko yung ulan.
"Ano bang pakialam mo? Maganda ako kaya pwede akong mag drama!" Mataray kong sabi dito.
"Mas maganda ako sayo bakekang! Ano bang drama mo ngayon? Break na ba kayo ng boylet mo?" Tanong nito kaya tinignan ko siya ng masama. Bat ba ang bitter ng multong ito? Siguro hindi niya naranasan yung magka-boylet nung buhay pa siya? Ang changet niya kasi. Hindi ko na nga siya sinagot baka kasi mapatay ko ulit siya! Muli akong bumalik sa bintana para pagmasdan ang napaka-gandang ulan.
Naalala ko ulit tuloy yung araw na nag confess ng feelings si kent sa akin. Napa-ngiti na lang ako nung maalala ko yung bagay na yun. Habang naka-tingin ako dun sa kalsada ay may bigla na lang akong nakitang taong naka-tayo sa harap ng gate namin. Basang-basa ito dahil wala man lang siyang dalang payong tapos naka-yuko ito kaya hindi ko makita ang mukha niya pero pamilyar yung height niya tapos yung sout niya. Agad akong bumaba para lapitan yung taong yun dahil mukhang kawawa naman siya at kahit hindi ko man siya kilala kailangan ko paring tumulong sa kapwa.
Habang palapit ako sa lalaking yun ay unti-unti ko din siyang nakikilala.
"Akachan" sambit ko nung maka-lapit na ako. Bigla nitong inangat yung ulo niya sa akin at nakita ko sa kanya yung lungkot sa kanyang mata.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Pinapasok ko ito sa loob dahil sobrang nanginginig na ito dahil sa lamig at mukhang may malaki siyang problema. Pagpasok namin sa loob ay agad akong kumuha ng towel para pang punas niya.
"Paano ka niyan makaka-pagpalit eh wala kaming damit pang lalaki?" Tanong ko dito. Kapag hindi pa sasagot itong ugok na'to aalugin ko utak nito.
"Ayos na sa akin yung damit mo" sagot nito kaya natawa na lang ako sa sagot niya. Siya magsusuot ng damit ko? Ang bakla niya. Putcha! Ano bang trip ng mokong na'to?
Wala na akong nagawa kundi umakyat ulit papunta ng kwarto ko para ikuha siya ng damit. Kahit anong damit na diyan basta maisout niya tapos baka magka-sakit pa siya eh kasalanan ko pa.
"Ano kaya dito?" Kausap ko sa sarili ko habang nag dedecide ako kung anong damit ipapa-sout ko sa kanya. Ang hirap naman kasi baka kasi tuluyan siyang bumigay eh.
BINABASA MO ANG
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Terror#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...