Chapter 1 First Day

20 0 0
                                    

"Miyu!!!" Napasigaw si Monica at napabangon mula sa pagkakatulog nito.

"Ate naman. Natutulog pa ang tao eh." angal ng pinsan nyang si Kath na katabi nya. "Oh? Bakit pawis na pawis ka?"

Napatitig lang si Monica sa pinsan nya?

"Anong petsa na? Oras pala?"

"Sabay ganun?Tanong ng petsa? June 6, 2010 po. Linggo. Alas ocho pa lang po ng umaga. Ngayon, pwede ng matulog ulit?"

Bumangon na diretso si Monica, naligo at nag-ayos at umalis na sa bahay nila papunta sa kapit bahay na si Miyu. Sinalubong ng ngiti si Monica ng nanay ni Miyu na si aling Amy.

"Kain ka muna ineng, patapus na rin maligo yun si Miyu." alok ni aling Amy.

Lumabas na rin ng banyo si Miyu na bagong ligo at nakita na ang kaibigan na naghihintay sa sala.

"Sandali lang Mong, Magbibihis lang ako madali, asan na si Da-be?" tanong ni Miyu kay Monica.

"Parating na rin yun, bilisan mo na. Ang kupad kupad mo pa rin." sagot ng dalaga.

Pumunta na rin ang tatlong magkakaibigan na sila Monica, Romeo, at David (a.k.a. Mong, Miyu at Dabe) sa paaralang pampubliko ng bayan ng Aquino, ang Aquino National High School.

"WAH! Bakit naman kasi Linggo pa tayo nag-enroll. Nakakatamad" Reklamo ni Dabe.

"Tumigil ka nga, bukas na pasukan, buti at napagbigyan tayo ni ser na mag enroll ngayon. Ni wala nga opisina ngayon" sagot ni Monica sa naghihikab pang kaibigan? "Naligo ka ba...?"

Pumunta ang tatlo sa faculty room at nakipag-usap sa gurong naruruon na si Mr. Abraham.

"Tatlong itlog, mga especial child talaga kayo. Bakit ngayon lang kayo nag-enroll?" Natahimik lang ang tatlo sa tanong ng guro. "Pwes, saang section ko ba kayo ilalagay? Sa last section na lang kaya kayo?"

"Wag naman ser!" sabay sabay na angal ng tatlo.

"Sa inyo na lang kami ser, pliiisss..." Pakiusap ni Miyu.

"Sige sige, mga kumag kayo, fill-apan nyo na ito at ako nang bahala sa iba nyong requirements. Kung di ko lang mga kaibigan ang mga magulang nyo.

"Salamat ser!" sabay sabay na sagot ng tatlo.

"Pero sa isang kundisyon. Sa unahan kayo mauupo."

"Huh?" reaksyon ni Miyu at Dabe.

"Salamat ser." Sagot naman ni Monica.

Sumunod na araw, unang araw ng pasukan, nagsimula na ang first period ng klase.

"Okay class, welcome to the fourth year, section 3, that now we will call the section Obedience." Pambungad na pananalita ni Mr. Abraham sa klase. "For those who don't know me yet, I am Mr. Marcelino Abraham. Ako ang magiging teacher adviser nyo sa buong school year nyo. Bawal ang umangal, bawal magreklamo, ako talaga ang teacher nyo. Hindi ito joke. At hiling ko lang sana, since this is your last year in high school, sana kung ilan kayo sa klase na pumasok, ganung bilang din ang gagraduate sa inyo. At dahil ito ang unang araw ng pagpasok nyo, at wala naman talagang papasok na ibang teacher ngayon, ubusin na natin ang oras sa pagpapakilala ng sarili sa buong klase. At mag-uumpisa tayo kay Mr. Rosales."

The Playlist Of MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon