Chapter 14 The Graduation

7 0 0
                                    

Aquino National Coliseum. 3:00 pm. Graduation day ng Aquino Highschool. Halos trenta minutos ang nakalipas pagkatapos ng misa ay naghahanda na ang lahat para sa graduation march. Katabi ng magulang, yung iba ay taas noong nagmartsa habang hawak ang kamay ng magulang nila. Buong pagmamalaki ng mga estudyante ang araw na ito. Ang araw ng pagtatapos nila. Ang araw na masasabi nila na kahit papaano, may pinatunayan na sila sa mundo at buong galak pa na kasama nila ang kanilang magulang at kasabay pa ang mga kaklaseng naging pinakamalapit na kaibigan nila sa pagdaraos ng araw na ito.

Alphabetical order ang sitting arrangements ng bawat section sa mga estudyante. Ang bawat estudyante, kabilang na sila Romeo "Miyu" Rosales, Monica "Mong" Ong, David John "Dabe" Villarosa, Agatha Tracy "Treiz" Lovendino, Joseph "Jose" Era at Nicolas "Kulas" Santos ay masayang tinanggap ang kanilang diploma, habang katabi uli ang proud na magulang at nagpapicture sa gitna ng stage kasama rin ang kanilang teacher at principal. At pagkatapos mabigyan ang lahat ng estudyante ng diploma ay tinawag na ng photographer ang bawat section para sa huling class picture. Ang walang kamatayang tandem ng seryoso at wacky pictures. Pagkatapos uli nun ay kanya kanya na ng pwesto at papicture ang mga estudyante kasama ang magulang, teacher, mga barkada o pinsang nakikinuod lang at ang barkada na nabuo sa loob ng klase.

"Tracy. Tawagin mo na ang mga kaibigan mo at pipicturan ko kayo." Utos ng yaya ni Tracy na agad naman sinunod nito.

Lumapit na rin sila Mong, Jose, Kulas, Dabe at Miyu kay Tracy para magpapicture ng walang kamatayang seryoso at wacky pictures.

"Okay 1... 2... 3..., cheese! Smile pala."

Around 6:00 pm natapos ang graduation. Kanya kanya na ang mga tao sa pag-uwi at ang anim na magkakaibigan na maluha luha pang nagyayakapan at nag-uusap.

"Oh ano? Kita kits na lang mamaya sa graduation ball." Sabi ni Mong.

"Sige sige. Tara na at humahagulgol na si Kulas." Pang-aasar ni Jose.

"Tarantado!" sagot ni Kulas.

"Sira ulo." Ganti ni Jose.

Nagtitigan ang dalawa, nagngitian at nagtawanan at naghalakhakan.

"Mga mongoloid." Sabay na sagot ni Tracy at Mong sabay apir ng dalawa at sila naman ang nagtawanan.

"Hahahahahaha..." tawa ni Dabe. Tumigil ang lahat at tinitigan siya. Titig na nagtatanong na 'napapano ka?'

"Hay sige. Ganyan kayo." Angal ni Dabe "Tara uwi na tayo."

"Waley ka Dabs." Si Miyu. "Oh sya. Tara na nga. Maaga pa tayo mamaya. Request ni ser, tutugtog daw tayo ng ilang kanta sa simula ng grad ball."

"Okay sige. Babay na." sagot ni Kulas.

Naggroup hug ang magkakaibigan at sabay sabay isinigaw ang pangalan ng barkadahan nila.

"LOVERS!!!"

8:00 pm. Sa bahay ni Miyu, dumaan sila Dabe at Mong para sunduin ang kaibigan.

"Hoy kupad. Ang bagal mo pa rin." Naabutan nila Mong na mag-isa na lang sa bahay si Miyu pero nakabihis na rin ito para umalis.

"Sorry man." Sagot ni Miyu. "Mauna na kayo tol. Puntahan ko lang sila Tatay sa Bar. May surprise daw sila sakin eh."

"Ano? Akala ko ba una tayong tutugtog sa ball?" angal ni Dabe.

"Malelate lang ako ng konti. Mapapakiusapan naman yun si ser. Mga 8:30, andun na ako."

"Naku naman tol. Sige, basta sumunod ka agad ha."

"Pasaway ka. Pinagmadali mo kami tapos ikaw itong malelate." Singit ni Mong.

"Oo na. Sorry nga. Basta promise, bago mag 8:45 andun na ako." Sabi ni Miyu.

The Playlist Of MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon