"Mga anak!" patakbong sinalubong ni Mr. Abraham ang pababang magkakaibigan habang hawak hawak ng mahigpit ng nanginginig pang kamay ang kanyang cellphone. "Tumawag si Ben. Nasusunog ngayon ang bar nya."
"Ser? Hindi ba... Andun sila Miyu?"gulat pero mahina at nanginginig na boses ni Mong. Matitigas ang mga salitang pilit lumalabas sa bibig niya para isagot sa guro.
"Alam ko. Wala na daw sila. Si jimmy, si amy. At si Romeo." Natahimik ang mundo pagkatapos sabihin ni Mr. Abraham ang mga salitang iyon. Pumatak ang mga luha. Kumabog na parang yabag ng elepante ang kanya kanyang dibdib.
Sa ilang minuto ay nakarating agad ang magkakaibigan sa nasusunog na bar. Inabutan nila dun ang nagkukumpulang mga tao, trak ng bombero, ang maliwanag na nagliliyab na apoy at ang matabang lalaki na umiiyak pa rin sa likod ng ambulansya. Si mang Ben. Agad na yumakap si Tracy at si Mong kay mang Ben at humagulgol na ng iyak ang dalawa.
"Asan sila? Asan siya mang Ben?" malungkot na tanong ni Dabe na pilit binabalut ng tapang.
Hindi na nagawang sagutin ni mang Ben si Dabe kundi tumayo na lang ito. Pinasunod ang magkakaibigan at pumunta sa kinaroroonan ng tatlong bangkay. Pipigilan pa sana ito ng isang pulis pero sinabi ni mang Ben na mga kaibigan ito ng biktima at malapit sa pamilya. Kaya nagawa nilang makita ang mga sunog na bangkay. Una nilang nakita ang bangkay ni mang Jimmy, abot leeg ang natamong sunog at si aling Amy na kinain ng apoy ang kalahati ng mukha nito.
Nilapitan ni Kulas ang halos hindi na makilalang bangkay. Inabot ng pulis ang pitaka na nakuha sa biktima. Nakita dun ni Kulas ang I.D. ni Miyu. Nilingon nito ang mga kaibigan na hindi makalapit at umiling lang ito sa kanila.
"Baka hindi siya 'yan." Pagtanggi ni Tracy. "Hindi naman tayo sigurado na sya yan. Baka ibang tao yan."
"Magra-run kami ng DNA testing para ikumpara ito sa DNA ng dalawang biktima." Sagot ng isang imbistigador. "Kung tama ang sinabi ng mga testigo na anak nga ito ng dalawa pang biktima, mas medaling ma-identify ang pagkatao ng biktima."
Yinakap na lang ni Mong mula sa likod si Tracy. "Tama na. Wala na tayong magagawa."
Parang nakisama ang langit sa kalungkutan ng magkakaibigan. Biglang bumuhus ang ulan na naging dahilan ng mabilis na pagkawala ng apoy at ganun na rin ang mga usiserong tao. Dinali dali nang ilagay ng mga pulis ang tatlong bangkay sa mga sasakyan. Naiwan ang limang magkakaibigan na tulala at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.