Chapter 10 Prom Night

5 0 0
                                    

Abala ang magkakaibigan sa pag-aayus ng kanilang mga sarili para sa gabi ng prom.Sila Kulas, Jose, Dabe at Miyu ay nauna nang matapos at hinihintay na lamang ang mga kaibigang babae na lumabas sa kwarto ni Tracy.

Gwapo at magara ang bihis ng mga lalaki. Si Dabe, suot ang pulang long sleves, nakatiklop ang mangas nito hanggang siko, itim na neck tie at itim ding pantaloon kapares ang itim na sapatos at ang dagdag pogi points na kulay grey na tsaleko. Si Jose naman, suot ang itim na long sleves na tinernohan ng puting bow tie, puting suspender at puting pantaloon at sapatos at itim na payat na sinturon. Si Kulas ay halos kapareho lang ni Jose, naiba lang sa puting neck tie at wala itong suot na suspender. At si Miyu, suot ang halos lahat ay kulay black, mula sa long sleves, pantalon at sapatos. Ang naibang kulay lang ay ang payat at pula nitong neck tie.

Nang may narinig silang ingay ng pagbukas ng pinto ay agad pomorma at nag-pose sa harap ng pinto na para bang F4.Unang lumabas si Mong, suot ang itim na gown pero nakaibabaw ang maong na jacket, kaya ang makikita lang sa gown ay ang makapal na palda. Halata rin sa itsura ni Mong na pinagkaabalahan ayusan ang buhok at may konting make-up sa muka.

"Ay hotaenang! Ang gagwapo ninyo ah. Hindi halata na sa ukay galling ang mga attire nyo. Hehehe." Pang-aasar ni Mong sa apat.

"Wow! Chiks na si Mong." Ganting pang-aasar ni Dabe.

"Tumahimik ka ha."

"Ba't may ka jacket pa?" tanong ni Miyu kay Mong.

"Wag kang makialam!"

"Asan na sila?" tanong ni Jose.

"Excited? Eto na, teka lang."

"Malelate na tayo." Angal ni Kulas.

"Teka nga lang. Tumahimik nga muna kayo." Asar na sagot ni Mong. Tumahimik ito, ngumiti at tumayo nang diretso. "Gentlemen. May I present to you," kumunot ang noo ng apat na binata at tuluyang natahimik.

"...El Tres Marias...

"Kara-

Sumunod na lumabas si Kara, suot ang violet at off shoulder na gown.

"Layla-

Suot ang may isang strap na blue gown.

"at si Kath.-

Suot ang kulay pink na gown na medyo daring at revealing ang itsura dahil sa laki ng dibdib ni Kath at ang kumakapit lang sa damit nito at ang mga manipis na strap ng gown.

"At ang huli, ang ever so gorgeous na si Tracy. Palakpakan naman d'yan."

Huling lumabas si Tracy suot ang itim at kumikinang nitong gown. Kitang kita ang hugis at kurba ng katawan ni Tracy sa higpit at dagdag pa sa kasexyhan nito ang slit ng suot hanggang hita, ang butas na hugis luha nito sa dibdib na pinapakita ang konting cleavage at ang pagiging backless ng gown na kita na ang buong likod ni Tracy.

"Wooowww..." namangha at napanganga ang apat na lalaki sa mga dalaga.

Pagkatapos ng mala-High Fasion na pagpresent at pagrampa ay tumingin ang apat na na babae kay Mong.

"Bakit nakajacket ka pa 'te?" tanong ni Kath.

"Malamig. Bakit ba? Tayo na. late na tayo." Sagot ni Mong.

"Tatanggalin mo yan 'te o gugupitin ko yang jacket mo?"

"Oo na. Tatanggalin na."

Nakasimangut na hinubad ni Mong ang jacket at naipakita din ang mala Goth-type na tube top na itim na gown. Na may kasama pang itim na bracelet.

The Playlist Of MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon