Late na dumating si Miyu sa klase at eksena pa ang pagpasok nito mula sa kwarto nila. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya pati na rin ang dalawang guro na nasa unahan ng klase nila. Natahimik si Miyu habang nakatayo sa pinto na di malaman ang nararamdaman; kaba-dahil sa mga titig ni Mr. Abraham at ng isa pang guro na si Mrs. Beltran, hiya-dahil nakuha nya ang atensyon ng buong klase, saya-dahil nga nakuha nya ang atensyon ng buong klase, lungkot-dahil may pupuntahan na namang kaparusahan ang pagkalate nya, at inip-dahil 'di nya malaman kung dapat na ba syang umupo sa upuan niya o hihintayin niya muna ang hudyat ng dalawang gurong kanina pa nakatitig sa kanya. At naisip niya na dapat bumati muna sya.
"Good morning, sir, mam?"
Nakadampot na naman si Mr. Abraham ng kapirasong chalk at binato sa ulo si Miyu at sabay na sumagot ang dalawang guro.
"Balit ka late?" sabi ni Mr. Abraham.
"Maupo ka na." sabi ni Mrs. Beltran. "Lintik ka Silo kaya pala laging ubos ang chalk dito sa kwarto nyo eh. Ikaw naman Mr. Rosales, bakit ka late?"
Dumiretso na sa upuan si Miyu at idinahilan ang pagkawala ng tubig nung umagang yun kaya late na rin syang naligo at ipinilit pa na konting oras lang sya late.
"Konting oras?" patanong na sagot ni Mr. Abraham sa kanya. "Alas nuebe na, alas siete pa simula ng klase, tapos na ang dalawang period, konting oras? Saka nung isang araw pa inanounce na mawawalan ng tubig kanina. Hindi ka ba nag-ipon ng tubig?"
"Nag-announce ba?" tanong ni Miyu.
Sumagot ang buong klase ng sabay sabay na: "OO!"
"Susmaryawsep ka Romeo." patuloy ni Mr. Abraham. "Ewan ko sa'yo. Hay. San na nga ba tayo Mrs. Beltran?"
"Group 5." Sagot ni Mrs. Beltran. "Ewan ko din sa'yo Silo, isang buwan nang nagsimula ang klase, wala ka pa rin groupings sa klase mo."
"Silo pala ah? May Mr. Mars ka pang nalalaman." bulong sa sarili ni Dabe na napalakas lang ng konti.
"Ano yun Mr. Villarosa?"
"Wala ser, kako yung grupo namin,"
"Oo. Kayong anim, group 5 kayo. Total lahat naman kayo mga late enrollees."
Umangal si Monica dahil lahat ng grupo ay may tigsasampong miyembro maliban sa kanila na anim lang.
"Wag ka nang umangal. 46 kayo. Kailangan limang grupo, dapat tigsasampo sa isang grupo. Kayo ang putal. Isa pa magbabarkada naman kayo, 'di ba? Hindi na nga umangal sila Lovendino. Kaya manahimik ka na lang d'yan. Saka tingnan nyo o."
Nilista ng guro ang mga apelyido ng anim sa black board.
Lovendino
Ong
Villarosa
Era
Rosales
Santos
"L.O.V.E.R.S." sabi ni Mr. Abraham. "Galing 'di ba? May pangalan na ang tropahan nyo. O, binibinyagan ko na ang barkadahan nyo sa pangalang LOVERS."
"Patawa. Ha ha. Nakakatawa ang joke mo ser. Ha ha." Bulong ulit ni Dabe sa sarili.
"Barkadahan?" tanong ni Miyu at nilingon ang tatlong nasa likuran nya at napatitig kay Tracy, na napatitig din sa kanya. Bumalik ang mata nito sa harapan. "Eh hindi pa nga kami close eh. Ser." Sabay ngiti.
"Asa ka pa Miyu. Hindi magkakagusto sayo si miss Lovendino." pang-aasar na sagot ni Mr. Abraham.
Binatukan ni Mrs. Beltran gamit ang eraser si Mr. Abraham at mabilis ding ibinalik ito sa lagayan na puno ng alikabok ng chalk.