Umaga sa bahay nila Tracy nang pumunta sila Miyu, Mong at Dabe dito para sama samang pag-usapan at mamili ng susuoting damit para sa darating na J.S. Prom nila. Pinatuloy ng katulong ang tatlo. Naabutan nila sa sala ang magpinsang si Jose at Kulas na agad naman nilang inalok ng miryenda ang mga kaibigan maliban kay Miyu na pinadiretso naman ni Jose sa Jam Room nila.
"Bakit?" tanong ni Miyu.
"Basta. Malalaman mo na lang pag-andun ka na." sagot ni Jose.
"Hoy! Tirahan ninyo ako ng donat ha."
"Bahala ka." Sabi ni Dabe.
Pagdating sa kwarto ay nakita ni Miyu si Tracy na nakaupo sa harap ng isang itim na grand piano. Nang Makita siy ng dalaga ay sinenyasan siya na pumasok at tumabi sa kanya. Tumabi si Miyu sa kasintahan at tinitigan nito si Tracy habang abala naman ito sa pagtitig at paghimas sa piyesa ng piano. Bumaling din ito ng tingin sa binata at nginitian at hinalikan si Miyu sa pisngi at bumalik ang atensyon nito sa piano.
"Pakinggan mo ito bhe." Sabi sa mahinang boses ni Tracy.
Sinimulan nyang tugtugin ang isang kantang ikinamangha ni Miyu. Alam ni Miyu na marunong magpatugtog ng iba't ibang instrumento si Tracy pero ito ang unang pagkakataong makikita niyang gamitin ni Tracy ang grand piano na inakala niyang isang display lang sa Jam Room nila. At ito rin ang unang beses na maririnig niyang kumanta si Tracy. Nagblush ng konti si Miyu at napangiti sa tabi ng kasintahan.
Naaalala Ka
Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang limot ko na
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
Sa aking pag-iisa
Hiling ko ay kasama ka
Sa aking mga mata
Wala nang hahanapin pa
Ako'y magmamahal sa'yo
Ako'y maghihintay ngayon
At kalianman, pangako
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
(Solo piano)
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Bumitaw na ang mga kamay ni Tracy sa piano at yumakap sa katawan ni Miyu.
"Mahal mo ba ako?" bulong ni Tracy
"Syempre. Oo naman." Sagot ni Miyu
"Mahal na mahal kita bhe."