Martes ng hapon sa Aquino High School, katatapos lang magbayad nila Miyu, Dabe at Mong para sa enrollment fee ay may tatlong estudyanteng babae na tumatakbo papalapit sa kanila. At nang mapansin ito ni Mong, tinapik nito ang dalawa na abala sa pagbabayad sa cashier. Hingal na hingal na nakaabot sa kanila at nagsusumbong ang isa sa mga babae na pinsan ni Mong at kasintahan rin ni Dabe na si Kath, kasama ang kapatid ni Dabe na si Delilah at ang kabarkada nilang si Kara.
"Ate Monica" hingal na hingal pa rin na nagsusumbong.
"Anong problema nyong tatlo?"
"Teka... Habulin ko lang hininga ko."
"Bilisan mo. Baka di mo na abutan"
"Huh? Pinagsasabi mo ate? Yung tatlong bagong classmate nyo ata yun, pinagtitripan ng mga taga labas. Bilisan nyo, baka mabugbog na ang mga yun dun?"
"Teka. Paano nyo nalaman na may bago sal'ta samin?"
"Nagtatanong pa, bilisan nyo na."
"San ba?"
Tumakbo na ang anim papunta sa likod ng campus, at inabutan nila dun sila Kulas, Jose at ang umiiyak na si Tracy, pinalilibutan ng anim na siga.
"Hoy. Inggo! Ano 'to?" sigaw ni Miyu sa leader ng mga bully.
"Rosales, wala kayong kinalaman dito. Umalis na kayo." Sagot ni Inggo.
"Teka... Teka lang. Alborin ko na sila. Kabago bago nila, pagtitripan nyo kaagad. Isa pa, kasama ko sa klase ang mga yan."
"Hehehe" mala asong ngisi ng siga. "Naku Rosales, hindi dahil pinsan mo si Damitri eh pwede mo na akong mandohan. Gusto mo talagang madamay sa gulo?"
Bigla na ring nagsalita si Jose na litung lito at nagtataka sa mga nang yayari.
"Teka, pwede munang makasingit sa inyo? Sino ba kayo?"
"Ha? Classmate nyo kami. Hindi mo tanda?" sagot ni Miyu.
"Kami yung nakaupo sa unahan nyo." singit ni Dabe.
"Ganun? Eh sino sila?"
"Mga malalaking tibangaw lang na nakatungtong sa ibabaw ng kalabaw, kaya kala mo kung sinong umasta. Mga siga sigaan." Sagot naman ni Mong.
"Nak ng putsa,ang dami nyong tsetseboretse. Lumapit na kayo kung gusto nyong may patunayan."
Hinila na ni Mong ang takot pa ring si Tracy at lumapit na rin si Miyu at Dabe kasama si Kulas at Jose sa harapan ni Inggo at ng lima pang siga, nang may biglang sumigaw ang isang lalaki na halos kaedad lang din nila mula sa likod.
"Inggo! Putik, ano na namang kalokohan 'to?"
Napatingin ang lahat sa taong sumisigaw.
"Damitri?" kita ang takot sa muka ng malaking siga sa lalaking katamtaman lang ang laki ng katawan at nakauniporme ng ibang eskwelahan.
"Yan yung kalabaw." Singit ni Mong.
Lumapit si Damitri kila Tracy at humingi ng pasensya sa ginagawang pangguguglo nila Inggo.
"Sorry."
Pagkatapos humingi ng dispensa, nagkatitigan sila Damitri at Miyu pero walang nasabi ni isang salita ang dalawa pagkatapos ay dirediretsong umalis na rin si Damitri kasama ang anim na siga.
"Kapatid mo ba yun?" pagtatakang tanong ni Kulas kay Miyu na sinagot naman ni Dabe.
"Hindi, hindi sila magkapatid. Sya nga pala, hindi pa tayo nagkakakilala ng maayus. Ako nga pala si Dabe, siya naman si Miyu at sya naman si Mong...??? Monica pala. At yung tatlo naman eh ang Tres Marias."