Isang umaga sa eskwelahan, habang abala ang mundo sa pag-ikot. Walang magawa ang apat na lalaking magkakabarkada sa bakante nitong oras. Wala ang guro nila sa Science. Maliban nga pala kay Dabe na abalang abala sa pagsagot ng slumbook.
"Ano yan Dabs?" tanong ni Miyu.
"Bio-data..." sagot ni Dabe.
"Bio-data? May aaplayan ka? Patingin nga..." Sinilip ni Miyu ang pinagkakaabalahan ni Dabe. "Favorite color? What is love What is friendship? Eh slumbook yan eh!"
"Bio-data nga ito. Mamaya ikaw naman papasagutin ko dito. Wag kang humindi."
"Hoy. Anong pinag-aawayan nyo diyan?" sabat ni Kulas.
"Wala. Ito kasing si Kara, pinapasagutan sakin saka kay Miyu at Mong itong slumbook nya. Kundi isusumbong nya daw ako kay Kath."
"Ganun? Bakit?"
"Dahil daw gagraduate na daw kaming tatlo. Necessity daw ito. Ayaw ko lang ng gulo kaya hindi na rin ako nagtanong kung bakit."
"Si Kara?" singit na tanong ni Jose. "Yung kaibigan ng jewa mong si Kath."
"Oo."
"Ei Miyu. Tanda mo pa ba yung sinabi ko sa'yo na may kapalit yung pagtulong ko sa'yo kay Treiz?"
"Huh? Oo. Bakit?" tanong ni Miyu kay Jose.
"Pwes. Ito nay un. Tulungan mo ako kay Kara."
"Kay Kara? Sigurado ka? Saka kay Tracy naman, mag-iisang buwan na akong nanliligaw dun, hinahatid sa inyo pag-uwian, minsan date-date. Wala pa rin naman nangyayari."
"Ay Dios ko. Wag kang mag-alala dun. Malaki ang pag-asa mo dun. Tyagaan mo lang. Alam mo bang andaming binasted nyan na halos mas pogi, matalaino, macho, saka mas ma-apil pa sa'yo. Ikaw nga lang ang pinayagan nyan na manligaw sa kanya. Saka andito kami para sa'yo."
"Parang nalait mo ako dun ah?"
"Hindi naman. Saka tulungan mo din itung si Kulas dun sa isa. Si Layla ba yun?"
"Utol ko yun ah?" singit ni Dabe.
"Hoy. Wala akong alam diyan ah." Singit din ni Kulas.
"Talaga?" tanong ni Jose kay Dabe. "Kapatid mo yun? Kala ko barkada lang ni Kath kaya palagi mong kasama."
"Oo. Utol ko nga yun." Sagot ni Dabe. "Pero ayus lang kung tipo mo yun Kulas. Pero kuya Jose, si Kara? Sawa ka na ba sa buhay mo para ligawan si Kara?"
"Hindi naman, Bakit? Ano problema kay Kara?"
"Wala naman." Sagot ni Miyu. " Concern lang kami sa buhay mo. Huling naging boyfriend nun, nung naghiwalay sila,dineretso namin ni Dabe sa ospital."
"Ganun? Bakit? Anong nangyari?"
"Binugbug nya. Brutal yun. Pinanindigan nya ata yung character nya."
"Anong character?"
"Mahabang kwento. Yun din ang dahilan kung bakit tinawag yung tatlo na 'Tres Marias'. Kwento mo nga Dabs."
"Ikaw na. Busy pa ako dito sa sinasagutan ko." sagot ni Dabe.
"Sige sige. Makinig ka. Pati na rin ikaw Kulas kung gusto mong ligawan si Layla." Pagpapatuloy ni Miyu. "Si Kath, Layla at Kara ang Tres Marias. Bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang character at nagrerepresent sa kulay ng Philippine flag.
"Si Katherine Rafer o si Kath ay nagrerepresent sa kulay na puti. Hindi lang sa malinis sya, lahat naman sila syempre. Sa totoo lang hindi ko sigurado ugali nun e. Minsan may pagka'Layla', minsan naman may pagka'Kara'. Siya din ang parang Super Top Model ng campus, maputi, matangkad at sexy. Maraming nagkakagustong lalaki, marami ring humahanga, pati na ring naiimbyernang mga babae. Pinaka-importanteng dapat nyong malaman about kay Kath eh jewa nya si Dabe, swerteng tungaw, at pinsan nya si Mong.