Sa papalapit na graduation ng magkakaibigan, naayos na ang mga gusot at problema sa isa't-isa. Nag-uusap na ulit si Miyu at Tracy sa tulong na rin ng barkada. Sa nangyari naman kila Mong at Miyu, wala ring nakaalam nito maging ang dalawa ay hindi na rin pinag-usapan ang gabing iyun na para bang hindi ito nangyari. Balik sa normal ang lahat maliban sa pagiging abala ng mga ito para sa darating na graduation.
Sa bahay ng mga Rosales ay abala si Miyu at ang kanyang ama sa pagtatalo sa susuoting damit para sa darating na graduation.
"Maghintay ka nga lang d'yan at darating na yung damit mo." Sabi ni mang Jimmy sa anak.
"Ano yun itay,maglalakad mag-isa?" tanong ni Miyu. "Ayus na itong polong ito. 'Di ba sabi mo, gwapo ako dito nung Prom ko."
"Gwapo ka nga, ang baho naman ng itsura mo. Ang pangit naman kung titingnan sa picture na isa lang ang suot mong damit. Saka darating na nga yung damit mo. Nagtext na sa'kin."
"Sino?"
"'Yung damit."
"Huh? Nagtetext yung damit?"
"Oo."
"Ewan ko po sa inyo tay. Saka hindi na halata ito sa mga picture. Matatakpan naman ito ng toga."
"Babatuhin na kita dyan eh. Eto na. ayan na sa gate ang damit mo."
"Ha?"
"Kuya!" bati ng pinsang si Kara na biglang bumulaga sa pinto.
"Ginagawa mo dito?" tanong ni Miyu.
"Ayan na ang damit mo." Sabat ng ama.
Binigay ni Kara ang bagong dark blue na polo, itim na slacks na pantaloon, itim na leather shoes at kulay itim na may stripes na puti na neck tie.
"Kanino galling 'to?" tanong ulit ni Miyu.
Hindi sumagot si mang Jimmy at hinayaan na lang sa nakangiting si Kara ang pagpapaliwanag.
"Kay Uncle. Regalo niya daw sayo."
"Kay Mayor? 'Wag na. Ito na lang dati ang susuotin ko."
"Miyu." Sabat uli ng ama. "Pagbigyan mo na. Tanggapin mo na yan. Minsan lang 'to eh."
"Tay naman. Ayoko ngang tumanggap ng kahit na ano sa taong yun."
"Sige na. Kahit para sakin na lang anak."
"Ah basta. Sige, bahala na po."
"Sige na. Salamat." Nakangiting iniwan ni mang Jimmy ang magpinsan.
"Tanggapin mo na lang kasi kuya. Wala namang mawawala." Sabi ni Kara.
"Bakit nga pala ikaw ang nagdala nito?"
"Isipin mo na lang kung sya ang nagdala ng mga 'to. Kasama si Daddy at ang isang batalyong body guards niya. Hindi ba awkward?"
"Oo na. pinagtatangol mo pa uncle mo."
"Hehehe. Kuya!"
"Ano na naman?"
Walang ano ano'y biglang tumalikod si Kara at itinaas ang damit at ipinakita ang likod na animo'y may ibinurdang mga kulay pulang rosas at tangkay nitong puno ng tinik na tinatakpan ang buong kaliwang parte ng likod at sa parting kanang balikat ay ang nakaimprentang 'Familia delos Dioses' at pulang chess piece na queen sa baba nito na tulad kay MIyu. Agad ring ibinanba ang damit at humarap ulit kay Miyu na nakangiti pero pinitik lang nito si Kara sa noo.
"Magsabi ka kung bigla kang maghuhubad sa harap ko at pipikit ako." Sabi ni Miyu.
"Kuya naman. Masakit."