Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos ng insidente at isang linggong pagkakaospital ni Miyu, balik sa dati ang buhay ng magkakaibigan.
Nakatambay sila Mong, Dabe at Miyu kasama ang dalawang Maria na si Layla at Kath sa bubong ng bahay ni Mong. Hawak hawak ang gitara, napapagitnaan si Dabe nila Kath at Layla sa kanan niya at sila Miyu at Mong sa kaliwa, sa ilalim ng medyo maulap at madilim na langit, mangilan-ngilang stars at liwanag ng kalahating buwan, nakahigang nagjajaming ang magbabarkada.
"Anong kanta? Dali!" tanong ni Dabe habang kinakalabit ang hawak-hawak na gitara. "Bilis at inaantok na ako."
"Alam mo pare yung 'Kwentuhan' ng Sugarfree?" suhistyon ni Miyu.
"Medyo. Kakapain ko na lang. Sige sige."
Sinimulan na ni Dabe ang pagsepra sa gitara. Sinimulan na rin ang paboritong libangan ng magbabarkada sa paborito nilang tambayan.
Kwentuhan
Kanina pa tayo magkasama
Umaga na pala
Maya maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod
Buong mundo ay tulog
Ikaw at ako
Dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang
Wala namang masama
Oh, usap lang
Ibaon mo na salimot ang lungkot- yeah
Tatawa tayo, sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala
Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi, tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang sinabi
Kwentuhan lang
Wala namang masama
Oh, usap lang
Dahil gusto kitang makilala't makasama- makasama
Umaga na, tulog ka na
Kay himbing mong managinip
Kay sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako?
O dito muna siguro?
Samahan muna kita
Dahil parang ayaw mong mag-isa
Samahan ka
Wala namang masama
Kung samahan ka
Hanggang lungkot ko'y makatulog din
ho-who-oh-ooohhh...
ho-who-oh-ooohhh...
ho-who-oh-ooohhh...
Pumalakpak ang dalawang nakababatang babaeng kaibigan habang si Mong naman ay nakapikit at hindi umiimik, bagamat nagpapanggap na tulog ay alam ni Miyu at Dabe na gising pa rin ito.
Pinipitik-pitik ng bahagya ni Miyu ang dulo ng ilong ni Mong . Habang inaasar at binubwisit si Mong ay pinansin ni Dabe ang kulay pulang mantsa sa may kanang balikat ng puting t-shirt ni Miyu.
"Tol. Yung ano mo. Dumudugo ata." tanong ni Dabe kay Miyu.
"Alin? Magagaling na sugat ko ah. Saan dumudugo?" sagot ni Miyu.