"Miyu, may nagtext sa iyo." sabi ni Mong.
"Sino?" tanong ni Miyu.
"Aba malay ko. Hindi ko suot salamain ko. Hindi ko alam kung saan ko nailapag."
"Tanders ka na talaga. Labo na ng mata mo, ulyanin ka pa."
"Hoy, Romeo." sabat ni aling Amy. "Ganyan ba makipag-usap sa babae? Ayusin mo nga yang ugali mo na iyan."
"Eh nay, si Mong naman yan." angal ni Miyu.
"Bleh." belat na pang-asar ni Mong.
Tanghali ng Sabado sa bahay nila Miyu. Habang nagluluto si aling Amy sa kusina at naghihiwa ng ibang sangkap para sa lutuin ng nanay si Miyu at nanonood ng t.v. sa sala si Mong, ng may nagtext sa cellphone ni Miyu.
"Ineng, nasa ulo mo yung salamin mo." sabi ni aling Amy.
"Bleh." belat na pang-asar ni Miyu.
Sinuot ni Mong ang salamin niya sa mata at asar na tinaasan ng hinlalato niya si Miyu habang abala sa pagluluto si aling Amy. At binasa na ang text.
"Oh. Sino?" tanong ni Miyu.
"Si Tracy mo." sagot ni Mong.
Agad na binitawan ni Miyu ang kapit na kutsilyo at dali daling pumunta kay Mong.
"Uy, akin na." sabi ni Miyu at agad namang itinaas ni Mong ang dalawang paa niya habang nakaupo para iharang kay Miyu habang binabasa nito ang text.
"Sandali!" sigaw ni Mong kay Miyu. Naabot din ni Miyu at kinuha ang cellphone niya at binasa ang text habang sinasabi na ni Mong ang text sa kanya.
"Punta ka raw sa bahay nila mamayang alas singko bago pumunta kila mang Ben." sabi ni Mong na nakangiting may pang-aasar at tinitigan lang ng masama ni Miyu ang kaibigan.
"Hoy. Ano na yan. Para kayong bata. Away ng away." Saway ni aling Amy sa dalawa. "Sino ba iyan?"
"Yung kaibigan po namin tita... na nililigawan ni Miyu. Hehehe." sagot ni Mong
"Ay Miyu, bakit hindi mo yan sinasabi samin? Ayaw mo bang ipakilala siya sa amin ng tatay mo?" tanong na may bahid ng pagtatampo ni aling Amy kay Miyu.
"Nanay naman. Nililigawan ko pa lang po siya. Hindi pa naman kami." sagot ni Miyu.
"Basta ipakilala mo siya sa amin. Baka tumulad ka pa sa kuya mong babaero. Siya nga pala ineng, dito na kayo kumain ni Kath. Asan ba siya?"
"Ay wala po si Kath. Nagdedate yung dalawa ni Dabe. Kasama din yata yung dalawang Maria saka yung mga boyfriend nila." sagot ni Mong.
"Sinagot na nila Layla at Kara si Jose at Kulas?" singit na tanong ni Miyu.
"Oo yata. Magkakasama nga yung anim ngayon."
"Nga pala nanay, speaking of kuya, uuwi ba siya sa graduation ko?" tanong ni Miyu sa ina niya.
"Hindi ata at sa pasko siya uuwi." sagot ni aling Amy. "Alanganin kung uuwi pa siya ng Marso o Abril. Isa pa, end of contract na niya sa sunod na pasko. Hindi na yun papayagang umuwi sa graduation mo. Humingi ka na lang ng pasalubong kay kuya mo."
"Hindi ba Miyu, nurse sa Saudi ang kuya mo?" tanong ni Mong.
"Oo. Oweyano?" sagot at tanong rin ni Miyu.