Chapter 5 Love Story Ko

7 0 0
                                    

Sa gitna ng klase, kalabit nang kalabit si Kulas kay Tracy at may binulong ito.

(*kalabit*)

"Ano!?" pabulong ngunit asar na tanong ni Tracy.

"Si Miyu"

"Oh? Ano si Miyu?"

"Kanina, nung recess, ang tagal ng titig sa'yo habang magkausap kayo ni Mong."

"Talaga? Bakit? Ano problema niya?"

"Ako alam ko kung bakit." Singit na sagot ng nangungulit ding si Jose. "Dalawa lang naman ang ibig sabihin kapag tinititigan ka ng isang tao. It's either may mali sa mukha mo, o may tama sya sayo."

"Ganun? Baka nagagandahan lang sa'kin. Alam mo naman ang kapatid mo. Tsk tsk tsk..."

"Kaya bilib talaga ako sa'yo ay. Yung papel mo, pagaya."

Pagkatapos ng klase ay nagkayayaan ang magbabarkada sa Bar ni mang Ben na naging official tambayan na nila. Pero pagkaalis nila Tracy at Mong sa room nila ay tinawag pabalik ni Kulas at Jose sila Miyu at Dabe.

"Oh? Anong problema nyo?" tanong ni Miyu.

"'Di ba may gusto ka kay utol?" sagot na tanong naman ni Jose.

"Ako? Wala ah!"

"Tumigil ka. Halata ka na. 'Di ba Dabe?"

Natigilan lang si Dabe. Tumango. Umiling. Tumango. "Ba! Malay ko sa kanya."

"Wag ka mag-alala. Tutulungan ka namin." Pangungumbinsi pa rin ni Jose.

"Ano? Teka. Bakit? Panong? Talaga?" ang sagot ni Miyu.

"Oo nga. Tayo na. May bibilhin muna tayo bago tayo pumunta sa tambayan."

"Teka nga muna. Bakit mo ako tutulungan? May kailangan ka ano?"

"Oo. Pero saka na yun pag may utang na loob ka na sa'kin."

"Natatakot na talaga ako sa'yo Jose ah."

Tulala at nagkatitigan lang si Kulas at Dabe at sumunod na rin sila kila Miyu na akbay akbay naman ni Jose.

Samantala, habang namimili sila Miyu ng kung anu-anong anik-anik para sa biglaang date (Surprise Date???) nila ni Tracy, ay nauna ng makarating sa kubong tambayan nila sa bar ni mang Ben sila Mong at Tracy.

"Asan na sila?" Tanong ni Tracy.

"Awan. Teka, text ko lang." Sagot ni Mong.

[Wer n u? d2 na us... jejeje... -Mong]

[jejemon lang? ang baho ng trip mo Mong. May binibili lang kami ni Miyu. Ano ba magandang ibigay? Bulaklak, shokoleyt o tedeber? -Dabe]

[baka ikaw pang bigyan ng syokoleyt ni Treiz. Eh laging may baong syokoleyt ang babaeng 'to. Isang bulaklak lang saka tedeber... -Mong]

[bakit isa lang? di ba dapat tatlo? -Dabe]

[I Love You agad agad? Isa lang muna saka bilisan nyo na. –Mong]

"Oh? Ano na sabi? Saan na daw sila?" tanong ni Tracy.

"On the way na raw sila. Namimis mo naman sila agad." Sagot ni Mong.

"Di naman. Oo nga pala Monica. Nung nakaraang araw, nagkita kami ulit nung kamuka ni Miyu. Mabait naman pala sya."

"Si Damitri Jr.? Naku! 'Wag ka nang lalapit dun ulit. Please lang. Saka 'wag na 'wag mo din akong tatawaging Monica, tumatayo balahibo ko."

The Playlist Of MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon