Isang ulat ng balita mula sa isang istasyon ng TV ang pinapanuod ng mga tao sa loob ng isang kwarto sa munisipyo ng Aquino:
"Ngunit kapanipaniwala ba ang pagiging perpektong ama ng bayan nya, sa kabila ng mga akusasyong ibinibintang sa kanya? Galing ba sa maruming kamay ang pinapakain nya sa kanyang bayan? Sa kabila ng biglaang pag-unlad ng bayan ng Aquino, ay ang maduming paraan kung paano ito ginagawa ng kinikilala nilang mabuting Mayor. Mula sa mga kasong human trafficing, drug trafficing, kidnapping-..."
Pinatay ng isang ilalaki ang tv at diretsong pumunta sa opisina ng Mayor. Sa kabila ng magandang pamamalakad ng mayor sa bayan nya ay patung patong na ang mga kasong inihabla sa kanya,
"Kamusta ka?" Tanong ni Jimmy, ang kanan kamay ng mayor, sa amo nitong balisa sa pag-iisip at pamomroblema sa mga bagay na nangyayari laban sa kanya.
"Mga lintik na tao yan, mga asal talangka! Nakita lang nilang umuunlad ang bayan ko, eh hahanapan talaga ako ng butas porke walang nangyayari sa bayan nila. Kurakot lang ng kurakot ang mga hijo de puta, tapos maiinggit sila sa bayan ko!" Galit na sinagot ng Mayor si Jimmy.
Pinalakad ng mabuting Mayor ang bayan hanggang sa pag asenso nito. Kilalang hindi kurap at ginagamit ang pera ng bayan para sa kaunlaran nito. Ito ang dahilan ng pagtagal nya sa termino bilang mayor, at sa nalalapit na eleksyon ay plano na nitong tumakbo bilang isang kongresista ngunit mukang mapupornada pa dahilan sa mga kasong ibinibintang sa kanya.
"Sa Lunes ang hearing mo sa mga kasong 'to. Linggo pa lang ng umaga dapat makaalis na tayo dito para makarating ng maaga sa Maynila" Sabi ni Jimmy.
"Oo, alam ko."
"Pero pa'no si Junior? Di ba may meeting ang PTA sa eskwelahan nila? At ang alam ko ikaw ang presidente ng PTA?'
"Importante pa ba yun? Hayaan mo nang si Marshal ang mag-asikaso nyan."
"Sige Mayor. Tawagan ko na lang ang kapatid nyo."
Isang respetadong Mayor, ngunit kulang sa pagiging ama si Damitri dela Cruz Sr. Kabaligtaran ng ama ni Miyu na si Jimmy Rosales. Sa kabila ng trabaho ay di nakakalimutan ang responsibilidad nya bilang ama.