KABANATA 16.1

34 9 2
                                    

KABANATA 16.1;

THIRD PERSON POV:

"Greetings every one, tonight, we are celebrating our annual welcoming party for all of us. As we gather this night, I am hoping that only positive good vibes and the spirit of happiness will embrace everyone. Nothing more to say so let's start na!" ang presidente ng Student Council na si Zoe yang nagsalita. Napuno ng hiyawan ang buong lugar kasunod ang pagpatay ng mga ilaw at pagsindi ng mga fire effects sa kabilang stage sa may pool. Nabaling lahat ang atensyon ng lahat sa stage habang nakatutok ang spotlight sa kanila.

"ARE YOU READY TO FLY TO THE SKY?" sigaw ng bokalistang nasa gitna ng stage, kasabay ang pagpalo ng drums at pagkalabit sa gitara. Lahat napatili, ang sikat na sikat na Pink Panther ang nasa entablado.

Lahat ay napasugod sa may pool.

Ilang saglit pa, may mga bula at glow in the dark paint ng lumabas mula sa kung saan at nabalot ng tilian, sayawan at kantaan ang buong hall. May mga students namang mas inenjoy ang pagpapatugtog ng soft music sa covered hall at nagpaiwan habang pinagsisilbihan ng msarap na pagkain.

Nakakubli sa paningin ng lahat ang ilang komosyon na ilang mapanuring mata lamang ang nakakakita. Lahat ay abala sa kanilang ginagawa at kaligayahang dala ng kasiyahan. Hindi nila alam na sa gabing ito, kasing rami ng kanilang kaligayahan at bulang binubuga ng makinarya ang maaring mangyari. Mga aninong kanina pa nagmamasid, tinging nanlilisik at tila pa may nais maghatid ng kapahamakan, matang naghahanap ng kislap sa gabing nababalot ng dilim, isang pagkakataong binigay na maaring mag- umpisa o magtapos at marami pang iba.

Habang lumalalim ang gabi, mas lalong nag- iinit ang pagnanais ngmga pusong naghahanap ng init. Sparks ba. Kasabay ng pagbagal ng tugtugin sa kabila ng hindi magkamayaw na sayawan.

Isang ingay ang pumukaw ng atensyon ng lahat.

"STUDENTS! Reminder lang! hanggang 12 midnight lang tayo. We, teachers, don't tolerate one- two sawang partying" sigaw ng isang guro na nasa dapit hapon na.

Lumamlam lalo ang mga mukha, marahil dala na rin ng pagod o dahil ilang minute na lamang ay matatapos na.

"LAST SONG NA SKY!" sigaw ng bokalistang kanina pa kumakanta.

Muling nagsigawan ang mga estudyante, humaplos ang malamyos na boses ng bokalista. Bumibilis ng parang tibok ng puso ang tambol at pagtipa ng kwerdas ng gitara, tagktak na ang pawis ng lahat. ngunit bago matapos ang gabi, isang komosyon ang umagaw ng atensyon ng lahat.

Isang binata ang nahulog sa pool, kasunod noon ang pagtakbo ng isang binibini. Napako ang bawat isa sa kanilang kinatatayuan. Agad namang inagaw ng mga nakakatanda at ginawa ang nararapat. Umahon ang binata, pilit siyang nilapitan ng mga nag-aalalang kaibigan subalit patuloy pa rin siya sa paglakad na may matang punung puno ng galit.

Sa kadulu- duluhan napuno ng foam, kanta, hiyawan, at mga pusong umaasa ang party na nagwakas tulad ng mga fairytale.

SABADO

QUIN POV

Last night is so, hmm. WEIRD? T'was my first time to attend with an alalay on the side who's always following me. He's kinda boring, I was expecting more from him pa naman- but not that much, but ang lagi na lang niyang tinatanong is 'Ok lang ba ako?'. Napudpod na ang nails ko kaka-play ng games dahil sa sobrang boredom. Dani and the rest tried to distant themselves para hindi raw sila abala sa aking 'date' which annoys me a lot. Zee busied herself sa pag-aasist ng mga higher position and the teachers na nagpaiwan sa hall because they prefer the Sanadau songs over rock bands. Well, kung hindi lang naroon ang ilang teachers baka I prefer also that side of party kaso, I am pulling the teachers' attention over me and Sev dahil baka nila ako isumbong kay Dad na member ng Board.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon