CHAPTER 4.1: STUDENT NUMBER 17

84 12 5
                                    

ZM POV

MONDAY

Hello! Ok na ang pakiramdam ko, wala na akong lagnat, salamat sa tutong na bacon ni Grey, may healing effects ata iyon. Hihihi. Medyo hindi din ako maka-move on sa mga pangyayari last weekend- may new cellphone na ako tapos pinahiram pa ako ni Grey ng money pero napaslang ko si Crumble.

Nasa office ako now, inagahan ko talaga dahil may mga aayusin ako. Una ang Opening ceremony mamayang 9:00AM, ok naman ang committee of public information ang nag-aayos tapos ang mga magagaling sa events ang pinaasikaso ko so nothing to worry. Then ang new student. Aside from Danielle Mendoza, may isa pang student from outside ang nakapasa sa entrance examination ng Sky and I'm currently looking at his paper right now.

One week late na siya kung tutuusin. Galing siya sa Big 4 na school.

Aero Lim Tan, 16 years old, Rank number 17.

Binasa ko ang kaniyang student profile at school records, mukhang promising ang kaniyang reputation. Pero nasaan na kaya ito?

Mag- aalas syete na wala pa rin. Maaga pa pero naeexcite akong makilala siya. Ang pogi ni Kuya, Tisoy hihihi. Marami naming pogi sa school like Grey, Kevin, Aki at marami pang iba pero iba ang appeal ni Kuya. For sure, maraming students ang mabibighani ng kagwapuhan ni Kuya.

Bumukas ang pinto. Si Iu pala.

"Good morning Iu" bati ko with sweet smile.

Nakasimangot lamang ito.

"May problema ba?" nag-aalala kong tanong

"May humabol sa akin kanina pagpasok" sabi nito

"Sikat ka naman kasi Iu, di ka na nasanay" sabi ko

Ngumiti ito ng tipid.

Oo sikat kami sa school. ako, si Iu at Quincy, ang Elite. Isang grupo nang mga students na nagkakilala somewhere. Si Iu at Quincy ay magkababata. Nakilala ko sila noong bago pa lang ako sa school, sila ang una kong nakausap. Although noong una nahirapan ako dahil suplada talaga ang dalawa pero napatunayan kong mabait sila. Tama, wala silang alam na nagtratrabaho ako bilang yaya ni Grey, ayaw kong mag-alala sila sa akin. Soon, siguro kapag naggraduate na kami, sasabihin ko rin.

Si Iu ay kilala dahil sa rank niya sa school, maganda rin ito at mabait. Magaling siyang magsulat ng mga tula, samantalang si Quincy naman ay kilala dahil nanggalnig sa kilalang angkan ang kaniyang pamilya, anak siya ng Board ng school at nakakabilang sa mga pageant. Ako lang ang medyo alanganin, hindi naman kasi ako mayaman, lakas ng loob lang ang puhunan kaya naging SC President ako at of course, pagmamahal ng kapwa ko students.

"New cellphone"sabi ni Iu sa hawak kong Samsung Alpha

Tumango ako at binigay sa kaniya upang ilagay niya ang kaniyang number.

Maya-maya pa pumasok si VP Yandi.

"Good morning Yandi, ang ganda natin ah" batik o

Umismid lang ito. Natalo ko siya para sa pagkapangulo kaya medyo mainint ang dugo niya sa akin.

"Pumunta ka na sa Stadium, nandoon na sila Head Officer" sabi nito sabay labas.

Ang busy ko di ba?

Paano na si Aero Tan? Sasalubungin ko pa nga pala siya para formal na mag-introduce.

Nasagi ng peripheral view ko si Iu. Pwede naman siguro di ba?

"Iu, pwede bang favor onegai?"

"Ano ba iyon?"

"Pwedeng paki-welcome yung new student natin? Kelangan kasi ako sa stadium"

Pumasok uli, this time si Jei na, aming Public Information Officer, "Tara na President ZM, galit na si HO"

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon