Chapter 4.3: Aftermath, Secrets

66 12 0
                                    

CHAPTER 11:

IU POV

Nakakapagod

That transfer student to Opening ceremony.

Natapos rin.

Buong araw akong nakipagtaguan sa lalaking yun.

Naabutan kong nagluluto si Mama ng dinner. Nalalanghap ko ang adobo.

Nagugutom na ako pero kailangan kong tiisin.

Kinuha ko ang aking cellphone.

Kamusta kaya si Danielle?

Tumakbo siya habang nagdedeliver ng speech.

Sinundan siya ni ZM.

May isang mensahe.

Unknown: hi Iu! I'm your bf Aero.

Paano niya nakuha ang number ko?

Hindi maari.

Ilang beses din siyang nagtangkang tumawag pero bigo.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Kumatok si Mama sa pinto.

"Anak, kakain na"

Umikot ako ng pagkakahiga, kunyari wala akong narining.

"Anak, maagugutom ka niyan"

Sumang ayon naman ang sikmura ko.

"Nag- iwan ako ng pagkain sa mesa. Manonood na ako sa sala"

Narinig ko ang yabag ng paa ni Mamang paalis.

Hindi ako rebeldeng anak pero may gap kami ni Mama.

Inikot ko ang paningin  ko sa aking kwarto. Maliit lamang ito pero malinis. Nakasabit sa dingding ang mga katagang "You are the best Iu- from Papa at Mama" at larawan namin noong Masaya pa kami. Isang napakasamang bangungot pang alalahanin ang mga bagay na iyon.

Kahit anim na taon ng nakakalipas.

Hinawakan ko ang malaking larawan ni Papa.

I miss you Papa.

See you soon

Tumulo na naman ang aking luha.

Wag na wag kang iiyak Iu

Ang huling kataga ni Papa noon bago ako mawalan ng malay.

Sorry Pa.

Umiiyak na naman po ako.

Kung narito ka, hindi siguro ganito kahirap para sa amin ni Mama

Napabuntong hininga na lamang ako.

Ang bangungot, ang realidad.

Ang katotohanan, ang kasinungalingan

Nagkaisa para sabihing wala na si Papa.

Walang nakakaalam ng tungkol ditto maliban kina ZM at Quincy at ayaw ko ring ipaalam pa sa iba.

Parang parusa sa akin tuwing naalala ko ang duguang mukha ni Papa.

Ang gabi gabing iyak ni Mama na ikinukubli sa kaniyang mga ngiti.

Ang mga taong iyon na lumapastangan sa aking pamilya dahilang ng aming paghihirap.

Ang dating Masaya naming pamilya ngayon ay wala na.

Magiging matatag po ako Papa.

Para kay Mama.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon