Chapter 18: Trouble is my friend

19 2 0
                                    

Maaga akong nagising tulad ng nakagawian. Hindi rin ako nakatulog magdamag dahil binabagabag ako ng pangyayaring iyon- sa bahay ni Aero.

"You're so cute" wika nito

Hindi ko alam kung napansin nito ang aking pagblush. Dinadasal kong hindi.

Hinawi ni Aero ang aking buhok na tumatabing sa aking mukha.

"Maganda ka naman" sabi nito

Pinipigilan kong huminga. Naamoy ko ang kaniyang hininga. Mabango.

Pumikit ako dahil papalapit muli ang kaniyang mukha. Wala akong uurungan, hindi ako makagalaw.

Ilang segundo na lang muling dadantay ang labi niya. Subalit sa halip na labi,

"Aray" wika ko, pinitik niya ako sa noo.

He laughed. Nakakahiya. Yumuko ako. "You like it" sabi nito.

"Aalis na ako" sabi ko "Mukhang ok ka naman"

Hindi na niya ako pinigilan.

Bakit ko nga ba ginawa yun? Did i like him? Gusto ko na ba siya? Aaminin ko, nakakapanibago na wala siya kahapon. Hindi rin ako makatulog noong Sabado at Linggo, kaya napilitan akong magbake ng cupcake. Past time namin ito ni Papa noon, noong buhay pa siya.

Bigla akong nalungkot. Wala pa si Mama, marahil tulog pa ito. Hindi ako nakakababa kapag narito siya. Nahihiya ako. Ganito pa rin ang bahay, walang pinagbago.

Dati, tuwang tuwa ako sa tuwing uuwi ng bahay. Hinihintay ko ang Sabado at Linggo para makapaglaro ng Board Games o Tumbang Preso kasama sila. Ngayon, pagkatapos ng aksidenteng kumitil sa buhay ng aking ama, halos hindi na ako makahinga sa loob ng bahay.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon