Chapter 14: Weekends with Elite

49 10 1
                                    


DENI POV:

Ang sakit ng katawan ko. Naramdaman ko lang lahat pagkauwi ko. May mga pasa ako sa braso at binti. Grabeng sadista ng Mel na iyon! Pero ok lang, at least nakapasa ako. Tatlo lang kaming nakapasa para sa 'initiation' ng tennis club. After ng pahirap na iyon, ininvite nila kami sa isang malaking dinner party the Mel way- eat all you can na Japanese restaurant at since weekends at puros guy- nagkainuman na rin sila ng beer. Kumpleto lahat- mga 20 regular members, tatlong freshie, at ilang substitute. Lahat ng ito, libre ni Mel. Dahil rin dito, nagkaroon kaming magpapicture ni Kevin my labs, magkakwentuhan. Agad kong pinost sa aking private instagram ang picture. That thing called Quality Time ba, pero syempre kasama ang mga bago kong team mates. Si Mel ang may-ari ng Japanese restaurant kaya nakapagrent kami ng isang kwarto.

Gabi na kami nakauwi, mga ten ng gabi. Hinatid ako ni Hanah dahil nasa kabilang building lamang ito. Direcho bed, higa ang prinsesa. Hindi na ako nakapagpalit ng uniform at hilamos ng maalikabok kong mukha.

Six ako ng umaga nagising, at ngayon ko rin napansin ang sakit ng aking katawan. May mga pasa at gasgas ang aking mala-porselanang mukha. Walang anu-ano'y tumunog ang aking cell phone.

Unregistered number:

"hello sino sila?" Medyo inaantok pa talaga ako

"Hi! Si Mel ito! Alam kong masakit ang katawan mo kaya nagpadala ako ng medicine kit dyan for yer pasa. Nasa may pinto mo, so please pakibuksan. Thank you. Bye" si Mel.

Ok, ang bilis niyang magsalita. Binuksan ko ang pinto, tama nga may bag doon ng panther ang animal symbol ng SH. May nakalagay na note.

To Six: Here's our payment for yer initiation –Mel

Matatawa ba ako o matotouch? Pero first time na may gumanito sa akin- yung may mag-aasikaso at magwoworry para sa akin. Ilang beses akong nagkapasa pero walang sinuman nagcare na magbigay kahit alcohol sa akin. Ngayon lang, dahil ako si Dani.

May nakakatawang instructions na nilagay si Mel sa sticky note kung paano iyon gagamitin. Wala pang five minutes medyo gumaan na ang aking pakiramdam.

Tinatamad akong magluto- ng noodles, kaya naisipan kong i-treat ang aking sarili sa McDo. Breakfast meal agad. Sabi ni Demetrius after pa daw ng welcome party pa ang start ng training pero ang regulars, simula na. so free pa rin ako now, ano kaya ang gagawin ko ngayon? Yung mapa ko nga pala ng mundo. Gagawin ko na siya. Pa-laundry ng uniforms at clothes. Weekend groceries. Assignments at projects.

Maganda pala ang buhay ni Dani. Akala ko dati mahirap, oo mahirap siya kasi maraming gagawin left and right, pero yung idea na marami kang nakikilala, parang yun ang fuel ni Dani para gawin iyon. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing hindi ako naiinggit. Sobra akong naiinggit, sana marami rin akong kaibigan, sana proud din sila mother at father sa akin.

Pinahid ko ang nabubuong luha sa aking mata at nilunok ang natitirang chocolate drink sabay lumabas ng McDo.

LOCATION: Deni's place

Time: 10:00AM

Hay, nakasalang na sa washing machine ang aking damit, nakapaglinis na rin ako ng kwarto at nakalatag na ang aking project nang biglang tumunog ang aking cell phone.

Ang dami kong phone calls ngayon.

"Hello" sabi ko, hindi ko na nakita kung sino ang tumatawag.

"Hi Danielle! Narito kami sa baba ng building mo. hindi kami pinapapasok ng guard. Pwede bang tumawag ka sa intercom para papasukin kami." Sabi ng kabilang linya

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon