Chapter 13:

61 10 1
                                    

Chapter 13:

One Week after ceremony

ZM POV

Settings: SC Office

Sa kasalukuyan kami'y nagpupulong para sa mga nalalapit na another school activities. After ng 'Welcome Cermony' para sa mga new students last week, isa na naming welcome ang gagawin- Welcome Party and Acquaintance Party. Hay, nakakawindang ang earth, pero wala tayong magagawa, trabaho ay trabaho. Wala kaming maisip na maayos na plan dahil maraming magagandang ideya ang mga kasama ko. Nakakatuwa, nagkakasundo sila Yandi, Quincy, Karmela, Justina, Summer at iba pa para sa plan.

"I want a Bohemian motif na party" sabi ni Yandi,

"I think Mask Party is better, c'mon, last time Bohemian na but what happened?" si Karmela, ang President ng Events and Organizing ng school. She's a real genius in painting and interior designing. No doubt, she's the daughter of Ayet San Jose, a top designer in the country.

"Ms. Mela is right. Halos babae lang ang pumunta dahil masyado daw girly ang ambiance na ginawa nila Miss Justina ng Art Club" si Summer, she'll be the host and dj for the party.

"It's not my fault! Kayo ang nagbigay ng idea right? So I ask my team to do it. So bakit sa amin ang sisi? Impossible!" ang hot-tempered na si Justina.

Ganito talaga kapag babae ang naiiwan sa office. Napatingin ako sa tatlong lalaki na member ng cooking club at bartender club.

Sorry guys, magulo sila.

Mukha namang naiintindihan ito ng mga ito.

Bohemian party like last year, Mask Party, Wet Party, Foam Party at gusto rin ng Art Club ng colorful na glow in the dark na paintball. Mamaya ang deadline nito dahil next week na ang activity, third week of July, para ma-approve ng Board bukas.

"Bakit hindi na lang natin i-combine?" salita ko.

"What the Ef, ZM?" si Yandi

Ngumiti lamang ako at tumayo sa harapan nila. "Gagawa tayo ng party na idea ninyong lahat!" sabi ko.

"Paano?" sabay sabay nilang tatlo.

Iu POV

Ang notebook ko sa Calculus nawawala.

Pangalawa na ito mula mag-umpisa ang insidente ng pamamato.

Sari- saring kababalaghan ang nangyayari sa akin at sa bahay.

May patay na pusa sa tarangkahan kanina.

Kung may mga taong galit sa akin, hihintayin ko na lang silang mapagod.

"Hi Hon! Mukhang may iniisip ka, may lagnat ka ba?" tanong ni Aero na bigla na lang sumulpot.

Hindi ko siya pinansin.

Kinuha ko ang aking librong binabasa.

"Pansinin mo naman ako" sabi nito sabay pout.

Buntong hininga.

Nakakainis.

Nakakaabala sa pagbabasa.

Hindi ko matatawag sila Quincy at ZM.

Suportado nila ang ginagawa ni Aero.

Hiningi niya ang basbas ng Elite maging si Danielle.

Nakakalungkot.

Normal daw iyon.

Iba ang aking pakiramdam.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon