Chapter 2.3: Beginning (ZM POV)

95 12 2
                                    

ZM POV

"Sorry I'm late" si Quincy ang iniluwa ng pinto. As usual, she's gorgeous even with thin make-up and fine gestures. she grabbed a sanitizer and alcohol at parang diring diri sa kamay.

"Where have you been, Mahal kong Reyna?" sabi ko

Dinedma lang ako, umupo ito sa kabilang parte ng mesa. Nasa paborito naming spot si Iu at nagbabasa ng book. Part sila ng Student Council, Quincy is my Secretary and Iu is the Finance Officer.

"Where's number 6?" bigla kong naalala si Danielle, pinatawag ko nga pala siyaq para mag-fill up ng forms sa guidance office, at i-orient siya sa mga clubs at school activities, at higit sa lahat, para i-recruit bilang new member ng group namin. Alam kong masyado pang maaga, pero bilang President, kelangan kong protektahan ang aking mga kamag-aral.

May kakaiba kasi sa school na ito na hindi alam ng mga guro. Bagaman kilalang model students at almost perfect ang karamihan, talamak sa paaralang ito ang hilahan, bully at pressure para lang makuha ang trono at mapabilang sa klase namin. Iilang estudyante na ang lumipat sa ibang paaralan dahil sa dami ng humila sa kanila pababa. Dito mas matindi ang kompetisyon.  Isa ang grupo naming sa nagpapalaganap ng katahimikan ng school.

"Hindi na ata siya darating ZM" sabi ni Quincy, kinuha nito ang kaniyang mamahaling cellphone, "Nagtext na si Fredo, may piano lessons pa daw ako"

Tumayo na rin si Iu, "May assignment sa Calculus"

"oh sya, bukas na lang, baka nalibang at napagod din si No. 6, tara na" sabi ko, medyo nalungkot ako sa hindi pagsipot ni No.6 pero umaasa ako na papaunlakan niya ang aking imbitasyon.

"Bye girls" si Quincy sundo ng kaniyang driver, sabay sila ni Iu dahil magkalapit lang ang kanilang bahay. Pinauna ko na silang dalawang umalis bago pumunta ng Bus Stop.

Swerte naman dahil may bus agad. Pinili ko ang pinakahuling portion ng bus. Swerte uli, walang ibang tao.

ZM TRANSFORM!

Hinubad ko ang aking shoes at pinalitan ng rubber shoes. Tinago ko rin ang coat at ID sa aking bag at anumang pagkakakilalan na ako'y nag-aaral sa SH.

"Mama PARA!" sigaw ko.

Tumigil ang bus sa harap ng isang simpleng bahay na napapaligiran ng bulaklak at halaman. May malaking gate din ito at garahe. Binuksan ko ang gate.

"Hello po Manang" bati ko sa matandang babae na nagdidilig ng halaman.

"Nandiyan na at nakasimangot" sabi lang nito at iiling iling.

OH MY GOD! Tiningnan ko ang aking wrist watch, six o'clock na! patay na naman ako nito!

Rule no. 77: ayoko ng nalalate sa pag- uwi ng bahay, katulong ka dito hindi may-ari ng bahay. Wala rin akong pakialam kung maholdap ka kaya umuwi ka ng maaga. Salary deduction kapag nalate ka.

Napasimangot ako, "ako na po bahala"

Hay, ako si ZM. President ng Student Council sa umaga, katulong , kusinera, personal atchay, kasambahay, maid, yaya sa gabi.

"Late" sabi ni Grey. Tama ang Rank Number 1 ang aking pinagsisilbihan, nagbabasa ito ng libro habang nakahiga sa sofa.

"May meeting kasi kami sa SC, nung new student kaso hindi siya nakapunta" sabi ko with smile

Rule number 34: always smile, hindi sa maganda ka kapag naka-smile.

Hindi na siya nagsalita, may sumpong na naman ata.

Taga- probinsya ako sa hilaga. After ko mag-elementary, naglakas loob akong pumunta ng manila upang mamasukan bilang katulong. Dala ang pekeng birth certificate, namasukan ako sa iba't ibang bahay, hanggang sa mapadpad ako sa bahay ng mga Lim.

Noong una katulong lang ako, tagalaba all around, itinatago ko pa ang age ko noon, pero later, nalaman din nila, pero sa halip na ipatapon, kinuha nila akong scholar kapalit ng pagseserbisyo ko sa pamilya nila. Nasa province ang family ni Grey, pulitiko ang kaniyang ama- doon sa scholarship niya ako pinasok, libre tuition basta may maintain grade. Kaya nagpupursige ako na matumbasan ang kanilang kabutihan.

Kasama na roon ang pakikisama kay Grey.

Masungit si Grey, maselan mabuti sa pagkain, damit, pati temperature.

Ayaw niya ng gusot na bed

Ayaw niya ng magulong buhok

Ayaw niyang mainitan, pagpawisan

Ayaw niya na palitan ang color blue niyang bedsheet- iisa lang ang kulay ng kaniyangf kwarto at hindi niya talaga yun pinapalitan

At marami pang ibang ayaw

Spoiled brat kasi

TV, kwarto, library- yan lamang ang kaniyang buhay.

Gwapo naman si Grey, crush ko nga siya eh. Pero

Rule number 1: wag magka-crush sa akin.

Cliché na pakinggan sa isang amo at isang babae, katulad nung movie na Diary ng Panget, pero kinikilig pa rin ako. Malay niyo di ba?               Hihihi pero hindi na rin ako umaasa, kasi naman napaka-impossible mangyari, sa fairy tale, Wattpad at pelikula lang yun possible. Focus lang ako sa work ko now, saka may malaki pa akong obligasyon sa family ko. Hindi ko muna iisipin ang ganiyan ganiyan. Masaya na ako dahil kahit kakarampot lamang ang sweldo ko natutulungan ko na sila.

Ako ang tagaluto ni Grey, personal na tagaluto. Tuwing darating sa school, kelangan ko ng magluto para sa kaniya, kahit na may isa pa siyang Yaya. Gusto daw niya kasi ang timpla ko ng adobo at bacon- pero di ba, iisa lang ang lasa noon? Basta maarte siya.

"Young Master, luto nap o ang dinner niyo" sabi ko

Inihain ko sa mesa ang kaniyang food in a proper order, mahirap ng maaway. Kada mali Salary Deduction.

Random Facts about kay Grey: may fans club siya na ako ang pasimuno! HAHAHA!

Medyo marami din nagkakagusto ka Grey, mga 100+ sila all over the school plus yung mga taga ibang school pa na member ng BIG 4. Marami talaga. Sinong hindi maiinlove sa misteryoso niyang tingin? Ang kaniyang personality na cold at mysterious. Para siyang perfect love interest na heartthrob sa school. Matalino, gwapo, mayaman, pero ubod ng arte.

I wonder kung malaman kaya nila na maarte si Grey makakatagal sila dito? 

Mikako Tabe as Iu 

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon