Chapter 12.1 Aero Lim Tan

59 10 3
                                    

Dedicated to @iampresidentZM

Chapter 12.1

AERO POV

What's wrong with this girl, she keeps on ignoring me. Nakakahiya na sa mga taong nakakakita para akong asong ulol na sumusunod sa kaniya. Feeling naman niya ang ganda niya.

"Hi Miss magtatanong lang ako" uh-oh, nahawakan ko ang dulo ng palda niya. Wrong move Aero but hindi na ako nakailag, may isang matigas na kung ano ang humampas sa mukha ko. Nahulog pa ako sa hagdan. Shit.

Nawalan ata ako ng malay, paggising ko nasa clinic na ako. Wala naman akong masyadong head injury- may benda. That bitch. You'll gonna pay for this Grey, I'll make you pay for everything. I'll make your life miserable here.

"Ok ka lang ba?" tanong ng babaeng doctor, maganda ito at mukhang mabait naman.

Tumango ako at ngumiti.

"Ano bang nangyari sa iyo?" tanong nito

"Nalaglag lang ako sa hagdan, nothing to worry" i gave her my innocent smile that no one can resist.

Yinakap akong bigla ng doctor. What's wrong with her?

"Sorry ah, ang gwapo mo kasi, your name is Aero Tan, right?" sabi nito, inabutan pa ako nito ng lollipop. Tingin ba nito sa akin bata?

"Wow, lollipop, my favorite" sabi ko

Biglang bumukas ang pinto, nagulat ako ng makita kung sino iyon, pero gulat na may halong asar. It's a small world. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana Grey.

"Good morning Miss Lei" sabi ng babae

"Good morning Iu" sabay yakap ng doctor sa babae

So her name is Iu. Hindi siya maganda, mas maganda pa ang mga babaeng nagkandarapa sa akin sa PU, mga modelong Brazilian, Koreana at Americana. Ang cheap naman ng taste ni Grey, ang sinumang mapapangasawa niya ang magiging tagapagmana ng lahat ng pagmamay-ari ng mga Lim. Sabagay, kapag bumagsak si Grey dahil sa cheap niyang choice sa pag-aasawa. May chance na akong agawin ang lahat sa kaniya. That way, Lolo will recognize my daddy, my family and me.

"Good morning IU" sabi ko, nilagyan ko ng diin ang pangalan niya.

"Kilala mo siya Aero?" tanong ni Miss Lei, ang doctor nang nakangiti

"Opo"

I gave her my deadly gazed. You'll be on my control Grey's girlfriend.

"Ok lang ba kayo?" pukaw ng doctor.

"Opo" sabi ko sabay ngiti ng inosente.

Like any political clans, we surrendered our life to maintain the powers we have. Gagawin namin ang lahat para lamang sa kapangyarihan. Bata pa lamang kami ay nahasa na kami na manguna sa lahat ng bagay. Ang matandang Lim ay kilalang perfectionist at strict. Hindi pwedeng may mali. Kapag hindi kami sumunod, parusang akala mo ay hindi kadugo ang ginagawad sa amin. Ako, si Aero Lim Tan ang kalimitang naparusahan. Noong mga bata pa kami, madalas na si Grey ang pinapaboran dahil siya ang mas matalino, pero hindi lang iyon. Ang mga magulang niya kasi... ang kasalanan lang naman ni Mama ay dahil babae siya at si Daddy ay isang hindi sikat na businessman. Yun lang, pero ang kapalit noon ay ang diskrimansyon sa aming pamilya. Kahit nakuha ko ang posisyon bilang Fourth Progenitor, pareho lamang.

Bilang Fourth, ako ang nangangalaga ng reputasyon namin at seguridad ng buong angkan. Pumapatay ng kalaban, sagabal at karibal. Yes, I am Aero Tan, 16 years old, killed 2 persons already.




SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon