Chapter 1.3: DaniXDeni

102 11 0
                                    

Author's Note: Some parts of the stories may mga side stories talaga, kumbaga sa anime, mga filers, but anyway, this is still about our main protagonist.

MAY 26, 2015

MENDOZA RESIDENCE

BICOL

"Anong nangyari sa iyo, Deni? Nag-aalalang tanong ni Dani, itinigil niya ang kaniyang pagbabasa ng makapal na libro. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga braso.

"Dani ko, k-kasi hanggang ngayon hindi pa ako sinusulutan ng SH" sabi ko, tulo uhog at kalat luha. Ok lang, maganda pa rin naman ako kahit umiiyak.

May kinuha si Dani sa kaniyang drawer, "Eto ba?" sinunggaban ko ang hawak niyang letter na naka-address kay DANIELLE EMMANUELLE MENDOZA.

Teka baka nagkakamali lang sila. Pero Danielle talaga hindi Deniese.

"Wala na bang iba?" tanong ko

Tumango lamang si Dani, "Pinadala yan last week"

"Baka naman meron pa, teka! Bakit ngayon mo lang sinabi?" sabi ko, change mood, angry.

"hindi naman kasi ako interesado sa SH eh" sabi niya at bumalik na sa lamesa.

Tinabihan ko siya, "Seryoso ka?" tanong ko

"Oo" may kinuha siya na nakasingit sa kaniyang libro.

"Teka, brochure ito ng school sa Canada ah, dito ka ma-enrol?" tanong ko

"oo, kung papayagan nila Mom and Dad" sabi niya

Matagal ng pangarap ni Dani na makapag-aral sa school na iyon- sorry, medyo hindi ako fond ng names basta sounds like soy sauce yun. Pangarap niya kasing maging doctor, hindi na ako magtataka kung soon, makakamit niya yun. Buti pa siya, alam na niya ang pangarap niya samantalang ako... hanggang ngayon tunganga pa rin.

"Nakausap mo na ba sila Mom and Dad, tungkol ditto? Tanong ko,

Tumango lamang si Dani, "Pag-iisipan daw nila"

Tumayo ako, "Susuportahan kita Dani ko! Ako ang pipilit kay Mom and Dad"

"Salamat" sabi niya at niyakap ako.

Pero gusto kong pumasok sa SH.

Then, a bright idea flashes in my mind.

"Alam ko na! paano kung akin na lang ang slot mo sa SH?" suggest ko.

"Huh?" napanganga si DAni, "Teka Deni, hindi ata pwede yun?"

"Makakapag-aral ka naman sa Canada eh, ibigay mo na sa akin yung slot mo" sabi ko sabay yakap sa kaniya

"Pero hindi pwede yun di ba? Wala ka sa list nila" nag-aalangan pa rin siya

"Oo, pero ikaw nakapasa"

"T-teka, you mean, ikaw at ako ay..." nanlaki ang mata ni Dani

"oo, sige na please" this is a matter of life and death, this is something that I want to do.

"P-pero"

"Mag- aaral ka sa Canada, tapos ako maiiwan ditto, syempre, gusto ko rin mag-aral sa school na gusto ko"

"Magagalit si Mom" sabi niya, "At saka ikaw Deni, baka ka mapahamak"

"Hindi yun mangyayari" pagtitiyak ko

"Mapasok ka bilang ako, pero paano ka?" nag-aalalang tanong ni Dani

"Ok lang ako, wala naman akong balak mag-aral ng college" sabi ko

"P-pero"

Milagro na napapayag ko ang aking kakambal. Haha! Pero alam kong hindi madali ang aking susuuingin. Wala akong pake kung anong mangyayari sa future, basta ako, papasok sa school na iyon.

Tita Lei as Jun Ji Hyun on the side :)

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon