Chapter 17:

27 2 1
                                    

MONDAY:
DANI POV

Simula na ng tagisan sa Sky, asahan na naka-beast mode ang lahat. Ngayon mo mararamdaman ang pressure at hirap na mag-aral sa pinaka-prestihiyosong paaralan sa Pilipinas. Kung dati rati'y may makikita kang naglalaro sa classroom, ngayon, halos lahat tutok sa pagbabasa. Mangilan ngilan na lang ang abala sa ibang bagay tulad nila.

"Nakita niyo yung ginawa ni Iu kay Aero? Poor Aero" isa sa kaibigan ni Yandi. Tumingin sila sa gawi ni Iu na tahimik na nagbabasa.

"Grabe siya! Like, what if Aero die?!!" sagot pa ng isa.

"OA lang! Pero balita ko, naconfine siya dahil sa sobrang taas ng lagnat" at binigyan ng masamang tingin si Iu.

Oo nga pala, tinulak ni Iu si Aero sa pool. Tinangka ko itong habulin pero wala na ito. Hindi naman nagkwento si Iu kung bakit, pero ang sabi ng iba, aksidente lang daw. Pero  ayon sa ilang nakakita, nag-aaway daw ang dalawa at pilit na niyayakap ni Aero si Iu. Kung anuman ang totoo, sila lang ang nakakaalam.

Binuklat ko ang libro at sinimulang magbasa ng aralin, mahirap na, baka mapahiya mamaya.

ZM POV

Narinig ko ang sinasabi nila Yandi, pero wala ako sa posisyon para magsalita. Kakausapin ko na lang si Iu mamaya. Walang nakakaalam ng totoong nangyari, hindi rin nagsalita si Aero na sa ngayon ay nasa hospital at nagpapagaling. Napasukan raw ng tubig ang baga at naimpeksyon. Pinagawa pa ako ng incidental report. So far, ok naman ang party pwera na lang dun sa aksidente.

Ang daming hate message niyang natatanggap sa website at social media. I know she can handle this, if not, narito kami for her.

Iu POV

Ang lakas ng boses nila kahit bulungan.
Hindi ko naman sinasadya.
Hinalikan niya ako.
Hinalikan.
Nagkasakit kaya talaga siya?
Bakit àko mag-aalala?
Kasalanan niya yun.
Paggising ko kanina may mga basag na itlog sa bakuran.
Meron ding sumusunod sa akin kanina.
May pumunit ng sapatos ko.
Sumira ng locker ko.
Uulit naman ba sila?
Hindi ba sila nagsasawa?
Sana hindi mapansin nila Dani.

Quincy POV

Hindi ko alam kung tama ang nakita ko kanina sa locker room. A death threat. Nasa locker ni Iu? No, maybe nag-iilusyon lang ako. Who would give a death threat sa famous na si Iu? Everyone loves her. Kung meron man, yung mga inggit sa kaniya.

Sorry Iu, i really have some serious problem to face. Napalingon ako kay Sev na nakatingin na pala sa akin. Ngumiti ito. Ngumiti rin ako ng tipid. Ano ba itong napasok ko?

----
AFTER CLASS

"Iu, sabay ka na sa akin" si Quin, nasa gate pasakay ng kotse.

"No, may pupuntahan pa ako" maikling tugon ng dalaga. Normal na hindi sumabay si Iu kapag ito ay bibili ng libro sa bookstore.

"Ok ingat" sabi ni Quin.

Mag-isa akong naglalakad patungo sa may kanto na kakaunting tao. Tinapon ko ang aking school shoes na punit punit at mga notebooks. Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito pero sanay na ako. Mula pagkabata ganito na ang uri ng buhay na aking ginagawa araw araw, Nabawasan lang noong nakilala ko si Quincy at si ZM.

Inilabas ko ang isang kahon na kulay pink mula sa aking bag. Buti na lang hindi ito napagtripan.

Pumara ako ng taxi at binigay ang address ng pupuntahan ko. Hindi sa bahay o bookstore.

"Miss, 237 lang" sabi ng driver.

Inabot ko ang aking bayad at lumabas na. Bumungad sa akin ang isang kulay itim na gate.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon