Chapter 2.2: Beginning

87 10 0
                                    

Ang una daw subject ay Calculus. Hindi ko gusto ang mga Math subjects, pati English, History, Science, teka, lahat ng subjects hindi ko gusto. Nagtutor ako kasama ni Dani pero pakiramdam ko hindi ko kakayanin, ngayong wala na si Dani, kelangang ako na gumawa ng paraan para maintindihan ko ang mga lessons. Pangalan ni Dani ang nakatay dito.

Mabuti na lang wala pang masyadong leksyon, hindi pa ganoon kaseryoso ang mga estudyante at mga guro, pero batid ko na sa mga susunod na araw, mas lalong titindi ang mga pagsubok.

Nalaman ko mismo sa mga guro na si Dani ang kaisa-isang student mula sa labas ng school na naka-rank sa entrance examinations nila. Halos naperfect niya ang subject na Math at English katulad ng Rank Number 1 at 2. Kaya masyadong mataas ang expectations sa akin. Pero ok lang! kakayanin ko para sa pagmamahal ko kay Kevin my labs!

Alas onse y medya hanggang ala una ang lunchbreak sa school. Bukod sa mga high-tech na rooms, may maganda ring amenities ang paaralan na ito katulad ng malawak na canteen, sports building o tinatawag na Mens Building dahil halos ang mga naroon ay yung member ng sports club na lalaki katulad ng fencing, basketball at tennis, may mga park at picnic places din kung nais mo ng nature, ang kanilang canteen ay may iba't ibang putaheng inihahain. Ang sabi ni Meiko mga students dawn a member ng Cooking Club ang naghahain ng lunch. Ang galling! Parang mga tunay na chefs ang mga students.

"Pwede ba akong tumabi sa iyo?" si Meiko iyon, dala niya ang kaniyang tray ng lunch, sushi at maki ang kaniyang lunch.

Tumango lamang ako. Lasagna at pineapple juice ang akin, medyo yun lang kasi ang afford ng budget ko.

Ang alam ng aking mga magulang, ako'y nag-enrol sa isang private school pero hindi sa Manila, pero hindi nila alam na SH nap ala iyon. Pinayagan nila si Dani na makapag-aral sa Canada, kaya pinayagan na rin nila akong maglipat ng school. Medyo maykaya kami sa Bicol, sunod sa luho mula sa mamahaling gadget hanggang sa pagtravel sa buong mundo, lahat nabibili ko, maliban na lang ata sa katalinuhan. Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera.

"May naisip ka na bang club na sasalihan?" tanong ni Meiko.

Club? Glee Club mga ganoon? Merong isang bagay lang akong gusting salihan, "Oo" sabi ko

"Kasali ako sa Literature Club, kung gusto mo kapag may kailangan ka magsabi ka lang sa akin" sabi ni Meiko, chopsticks ang gamit niya sa pagkain, subalit mukhang normal na view na ito sa mga tao doon.

"Mag- iingat ka nga pala sa Elite, hindi sila mapagkakatiwalaang tao" sabi ni Meiko, seryoso ito.

Pagkatapos ng klase, naalala kong pinapatawag nga pala ako ni ZM, para sa mga kailangan ko sa pagpasok. Mga clubs dawn a sasalihan saka calendar of activities at marami pang iba. Binigyan din niya ako ng directions upang makarating sa Academic Building. Hindi pa ganoon, kapagod ang araw dahil halos introductions lamang sa lesson ang aming ginawa. And take note, hindi ako nakatulog.

Sinunod ko ang directions na binigay ni ZM, paakyat na ako ng second floor ng may marinig akong malakas na kalabog at paglaglagan ng mga papel siguro. Sinilip ko ang pasilyo. Wala. Sumilip ako sa isang room na bukas ang pinto. Si Meiko at yung Elite!

"Sa susunod na lumapit ka pa at ginawa ang mga bagay na iyon, malalaman ng buong school ang ginawa mo, at ako mismo ang magkakaladkad sa iyo palabas ng gate" si Quincy ng Ilit. Sa eksenang aking nakita, mukhang sinampal niya si Meiko na natumba sa sahig.

Lumuhod ito at umiiyak, parang nagmamakaawa.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang magsawalang kibo. Ako si Deni, ang tagapagtanggol ng mga naapi, Noon, pero ngayon ako si Dani, pino at mahinhin. Hindi dapat ako gagawa ng anumang pagkakamali na ikakasira niya.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon