Chapter 3.2: Changes (Deni ZM POV)

111 12 3
                                    

Deni POV

Hindi ko talaga alam kung anong mahika ang ginamit ng babaeng iyon sa akin pero ok lang dahil hindi pa naman nila ako sinasampal HAHAHA! Saka medyo busy sila para sa opening program for freshmen and new students next week. Hindi pa rin ako nakakapili ng club na sasalihan pero requirement daw iyon sa bawat students. Kung ako pipiliin, gusto ng tennis club para kasama si Kevin my labs.

Opps, speaking of Kevin my labs, he's busy sa training niya kahit opening pa lang, goal niya raw kasi na makasama sa top three na tennis player sa bansa. Super dedicated talaga ng boyfriend ko di ba? As of now, hindi pa rin ako nakakapag-thank you sa ginawa niya- sa pagsagot ng assignment ko noong Tuesday pero promise! Ipapaframe ko ang notebook ko na sinulatan niya. HAHAHA keleg keleg.

Friday today, TGIF, Rest day na bukas, Saan kaya ako pupunta? Megamall? Matutulog ako? Pwede din. Excited na akong matulog ng mahaba. Yung hindi ka magigising sa alarm clock. Yung nakahiga ka lang. isang lingo pa lang pero parang forever na ang pagkakahiwalay naming ni bed.

"Miss Mendoza, maari bang bumisita ka sa aking opisina pagkatapos ng klase?" guro ko sa Filipino, kaya kahit ako napapatagalog na rin.

Pero shets, anong ginawa ko upang ipatawag ng guro? Baka nahuli niya akong nangungulangot sa klase. Bawal ata iyon.

Pinagtinginan ako ng klase. Napatingin naman ako kay Meiko. Ngumiti ito. Wala naman akong ginagawa di ba? There's nothing to worry.

Tama, walang dapat ipag-alala. Napabuntong hininga ako.

Papa Jesus, ano pong kalokohan ang ginawa ko? Paki-explain.

Normal na araw ang nagdaan, Calculus, Robotics, English, History, Filipino, Chemistry, Music and Arts at last, Physical Education. Nagphysical examination lamang kami kay Tita Lei pero required ang uniform. Hindi ko gusto ang PE uniform, yung sobrang iksing shorts na halos kita na ang maganda kong legs na parang porselana, pero joke lang iyon.

Nasa pasilyo lamang kami pero may mga nagkalat na matang nakatingin sa amin. Sikat talaga ang nasa pinakamataas na section. Paano ba naman halos mukhang mga model na ang mga kasama ko, maliban na lang sa ibang weird- katulad ng katabi ko ngayon.

"Hi No.6" sabi nito, may creepy smiles

Sino na nga ito? Nasa pila kami now, letter M ako eh, kaya medyo gitna. Dalawang pila for girls sa right at boys sa left. Ang cool ng PE uniform ng boys, white shirt na may logo ng school tapos short lang.

"Ako si Hina, yung nasa likod mo, kagrupo mo sa Filipino housekeepers" sabi pa.

Tumango tango na lang ako at kunyare ngumiti, punyemas, hindi ko sila kilala. "Ahh" sabi ko,

Marami talaga akong hindi pa kilala sa klase, katulad nitong babaeng ito, nasa likod ko pati yung nasa unahan. Pero wala pa rin akong pake. Ayoko man aminin pero sa pagpasok ko sa paaralang ito, tila tinitibag ang pader na tinayo ko sa mundong dapat na ginagalawan ko. Bilang Deni, hindi ako kinakausap ng mga tao nang walang takot sa kanilang mga mata o kung hindi man galit. Wala akong matinong kaibigan, paisa isa, kundi man ay wala talaga. Hindi naman ako nangangagat, pero ayaw nila sa akin. Masaya ako, dahil kahit na hindi ako si Deni ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon maging Dani, mapansin sa lipunan kahit na isang balatkayo lamang.

"Ito ang iyong magiging talumpati para sa lunes" sabi ng guro ko sa Filipino, salamat kay Meiko naalala kong kelangan ko nga palang magreport kay Misis Guevarra after ng PE class.

"B-bakit po ako?" Ano ba ito? Iniabot niya sa akin ang limang pahinang coupon bond long size na may mga nakasulat. Pinapunta niya ako para lang sa ganito? Goodbye bed! Goodbye mall! Goodbye blog update!

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon