CHAPTER 4.2: MONDAY MADNESS, OH MONDAY

68 12 2
                                    


ZM POV:

Mula sa second floor ng Stadium, nakita ko sila Iu at Aero. Hihihi. Di ko maiwasang hindi kiligin. Feeling cupid lang ang drama ko. Nangangamoy loveteam. Ek! Kinikilig ako to the bones! Mukhang bagay naman sila. Hihihi. Nagkakasundo naman ata sila.

"President, dito na po tayo" sabi ng Event Organizer.

Napngiti na lang ako.


IU POV:

Ang dami niyang sinasabi.

Naalala ko ang nobelang binabasa ko.

Hindi ko siya nabasa.

The Lies of Lock Lamora.

Buntong hininga.

Nakarating na kami sa classroom.

Pinagbukas niya ako ng pinto.

"Good morning classmates!" bati nito, umakbay siya.

Spare me please.

Very friendly

Nakakaagaw siya ng atensyon lalo na ng mga babae.

Wala pa si Quincy at ZM.

Nakita ko si Danielle pero kausap niya si Meiko.

Buntong hininga.

Layuan mo ako.

"Hi! Ikaw ba ang new student?" tanong ng isa kong kaklase. Si Alyssa, rank number 13.

"Yes, I'm Aero Tan, 16, rank number 17, from Philippine University" sabi nito

"Hi, I'm Alyssa, and here's my friend Jiana" sabi nito na may pa-cute pa.

Nakawala ako sa bigkis ng kaniyang braso.

Layo Iu.

"This is my girlfriend, Iu" sabi ni Aero.

Teka, ako yun?

Tiningnan ko siya sa mata. Nakangiti ito.

"Sinungaling" sabi ko

Wala pa si ZM.

Tinitigan ako ng mga kaklase ko. Tahimik sila.

"Girlfriend mo si Iu?" sabi ni Jia, nakangiti

"Oo, kanina lang" sabi ni Aero

Anong nangyayari?

Tinitigan ko siya.

Mukhang seryoso.

Bawiin mo ang sinabi mo.

Lumabas ako ng classroom.

Tulong ZM!

DENI POV

May Boyfriend na si Iu! Oh ay ano naman? hindi naman kami close. Opps, friends nga pala kami, pero hanggang ngayon hindi talaga kami close.

Nagkagulo sa klase after ng announcement ng new student. Pogi si new, presko lang. hindi komportable si Iu kaya nag-walk out. Naiwan naman si Aero kasama ng mga classmate namin.

"Ready ka nab a, Dani?" tanong ni Meiko

Ngumiti lang ako, hindi pa. nagshopping lang ako noong Saturday at sinubukan kong kabisahin kahapon. Nakabisa ko naman pero in terms of speaking, doubt ako.

HI SKY! THIS IS YOUR PRESIDENT ZM! SORRY TO INTERRUPT BUT TODAY IS OUR OPENING CEREMONY. PLEASE PROCEED TO OUR STADIUM.

Awtsu. Ako ay tinatawag na. wala ng takasan. Parang gusto ko pong panawan ng ulirat, as in now na. magdahilan kaya ako ng may diarrhea? Possible. Tita ko naman si Doc.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon