Chapter 3.4: Weekends with Deni and the five-page speech

78 11 0
                                    

Saturday

Nakakapikon. Bakit ba ako ang naisipan ng gurong iyon na magtalumpati? Ipakulam ko kaya siya? Huwag na, baka mabaog lang siya. Pero punyemas talaga! Kanina ko pa tinititigan walang nangyayari. Naranasan niyo na ba sa buhay niyo na kung saan lumulutang ang diwa niyo dahil kahit anong basa niyo ay hindi niyo talaga ma-gets ang prinsipyong pinaglalaban ng koneksyon ko sa pag-unlad ng bansa?

Napabuntong hininga na lang ang aking sinagot sa lahat ng katanungn sa aking diwa.

Wala pa ring email or message si Dani. Wala pa ring tweet or fb status si Kevin my labs. Nakakalungkot. Umuwi na lang kaya ako sa probinsya? Itetext ko na lang uli si Maki.

Me: I miss you Vaklah! How's life?

Ay shunga! Nakakaantok mabuhay sa mundo.

Since bored ako. Makwento na lang muna ako ng buhay buhay ko habang nagbabad ng labahan gamit ang Ariel 7.50.

No yaya na ako now. First time kong magwash ng clothes and thanks to my online tutor sa Youtube at meron akong washing machine so babad, washing machine then Downy isang banlaw lang.

Medyo malaki ang condotel ko somewhere near the SH. May isang room, comfort room, sala at dining area. Mapalad ako dahil rich kid ako can afford ng maganda na bumili ng washing machine, rice cooker, air conditioner, vacuum cleaner at iba pa na magpapadali ng paghihirap ko. Fifth floor room 57.

Color white ang motif ng kwarto at may malaking tarp ni Kevin my labs. Nasa cabinet din ang bola na binigay ni Kevin my labs sa laban nito at ilang copy ng pose niya sa Milo. Naging Milo ad model siya.

Sabihin na nating medyo creepy stalker ako para sa iba. Halos sambahin ko na si Kevin my labs , ok lang, mahal ko eh.

Ang mata ni Kevin my labs, parang ineencourage akong magpatuloy sa pag-aaral. Alam ko na! mag- exercise kaya muna ako.

Lumabas ako ng room ko at naglakad lakad. Alas dos pa lang ng hapon at tirik na tirik ang araw. Buong umaga ko nang inisip ang pagmememorize pero wala pa rin. Naka-tatlong paragraph pa lang ako na medyo medyo lang. I need fresh air.

And fresh air means SM, HAHAHA.

Iba talaga ang mga malls sa lungsod, naglalakihan, hindi katulad sa province. Bibili ako ng kahit na ano, saglit lang ako, mga one hour lang para magrelax. Hindi ko na kailangan magpanggap na Dani, sinuot ko ang normal kong damit. Short at tshirt tapos naka-bun lang ang buhok.

After five hours.

Punyemas! Anong petsa na? Hala! Hindi ko napansin ang oras! Alas sais na. umuulan pa sa labas, mabuti na lang nasa bag ko ang aking three-folds na paying. Girl's scout to Beh, laging handa. Dalawang sakay ng jeep ang layo ng bahay ko, pero sa akin, isang taxi lang. hindi ako maalam mag-jeep dahil rich kid ako.

Nagpara ako ng puting car na nakapark sa labasan. Marami din naman akong napamili. Isang bag ng groceries ko for whole week- almost mga instant because I don't know how to cook, mga household needs like Lysol, panglinis ng CR etc. at mga sports magazine na cover si Kevin my labs.

"Ma, sa One Tower Condo lang po" sabi ko.

Tumango lang ang matanda. Hindi naman lingid sa akin na uso ang krimen sa taxi kaya alerto lang ako. Binantayan ko rin ang metro baka dugasan ako, kahit rich kid ako naniniwala ako sa hustisya. May dala akong stun gun para na rin safe maliban pa sa nag-aral ako ng judo at martial arts.

Napadaan sa SH ang taxi namin.

"Teka, Si ZM yun ah" bulalas ko. Nagulat at napapreno ang taxi driver. "Sorry po" sabi ko.

Sino ang kasama niya? Matandang gurang? Parang may mali. Kahit street light lang ang liwanag sa kinatatayuan niya, parang may binubulong ito at nanginginig si ZM.

"Ne, baba ka na ba?" tanong ng matandang driver

Nag-isip ako. May stun gun ako. Lalabas na sana ako pero nakita ko si Grey na patungo na kay ZM.

Lalaki si Grey, ok nay un.

SKY HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon