Her Pov.
"CAUSE I CANT RESIST IT NO MORE!!!" samut-saring kaingayan ang naririrnig ko. Sa loob at labas man ng classroom. And god! For pete's sake second day of classes palang ganito na kami kaingay
-___-. Palibhasa naman kasi may meeting ang mga teachers so ayun nga busy lahat at eto namang kaklase ko kay ingay-ingay.Pano ba naman kasi, may nakanta sa harapan, may nagkekwentuhan, merong nagbabatuhan ng papel,may naghahabulan, Take Note: Sa Loob Ng Classroom. (ginawang playground?? ^__^ ). Choos ka author ah!. Singit pa more..
"Excuse me po kay Ms. Salvador." napalingon ako sa tumawag ng surname ko. At oh em! Muntikan na ko mapatalon at magtitili dito kasi alam nyo ba waaaahhh! Si ano kasi eh! Si Jake kasi yung nag excuse sakin! Yung ultimate crush o crush ko!. My god! Konti na lang mahimatay na ko. Hihihi.
Naglakad na ko papalapit sa pinto ng classroom namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang wala lang sakin ang lahat ng nag-iingay. Alam nyo yun feeling ko ako at siya lang ang nandidito. Aish basta! Baka mapasa to sa Happiest Day ever ko ^___^!
"A-anong k-kailangan m-mo?" tanong ko sa kanya. Grabe lang nakakautal. Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ang amo talaga nya ang puti. Ang tangos ng ilong. Mapuputi nyang ngipin. Makalaglag panty nyang ngiti. Grabe lang naglalaway na yata ako dito....
"Hey! Nakikinig ka ba!?" sabi nya. Na alarma ako sa sinabi nya. Ampupu! Nakatitig lang pala ko sa kanya ang ewan ko siguro!. Yung kasama naman nya nakatawa lang. Owww, Pogi din sya ah! But mas pogi padin si Papa Jake!.
"I-im S-sorry. Pedeng pakiulit na lang ng sinabi mo." sabi ko. Napayuko ako kasi alam nyo yun sobra akong nahihiya sa kanya. Oo na! Hindi ko talaga maitago yung ngiti ko. Shet lang. Nakakahiya ka Ariana Salvador!
"Ang sabi ko, Tawag ka ng adviser namin si Sir Hernandez, May sasabihin daw sya sayo." sabi nya. Hmmm. Adviser nila? So.. Dun din punta ko sa room nila!?. Oh yes! Makakasilay pa din ako. Hihi. Ayos lang na nasilay lang ako kuntento naman na ko eh.
Kuntento na nga ba ko?... Aish! Ewan basta masaya tong araw na to kaya i-enjoy ko na lang.
"Ahmm s-sige." sabi ko. Sumunod ako sa kanila. Nasa likod lang nila ko. Nakakahiya namang maging feeling close ako. Eh tulad nga ng sabi nila isa lang akong nobody na nerd.
"Uyy. Dalian mo dyan. Wag kang mahiya samin. Wag kang matakot hindi kami nangangagat."sabi ni Jake. Alam ko nag ba-blush na ko ngayon. Shet lang! Nakakahiya eh!
Isang tango lang ang itinugon ko sa kanya. Dinalian ko na mag lakad at sumabay sa kanila. Yung pwesto kasi namin ganito. Si Jake taspos yung katabi nya na kasama tapos ako. Ang epal naman nung nasa tabi ni Jake eh. Aissh. Hayaan ko na nga lang.
"I'm Gabe." sabi nung katabi ni Jake at iniabot ang kamay nya sakin. Gusto ko sanang sabihin na i'm not interested pero choss lang hahaha. Sino ba naman ako para sabihin sa mga heartthrob ang ganung salita.
"Ariana. A-ana na lang." sabay abot ng kamay ko sa kanya. Napatingin ako kay Jake. Hindi ba man lang sya magpapakilala kahit kilala ko na sya :( . Grabe akala ko mahahawakan ko na yung kamay nyang maharlika. Choss. Pero nakaka-disappoint eh. Haays.
"Ahahaha. Masungit talaga yan. Ako na lang mag papakilala sa kanya. Ehem! Ana si Jake. Jake si Ana." sabi ni Gabe. Naman eh! Epal talaga sya. I hate him. Bukod sa pinahiya nya ko hindi na lang nya hinayaan na si Jake ang magpakilala.-__-! Konti na lang babatukan ko na to.
Tumango lang ulit ako. Badtrip kasi eh.
Nakarating na kami sa room ni Mr. Hernandez. Pagpasok ko pa lang napayuko na agad ako. Masyado silang pogi at magaganda eh. May sinusulat sila na something, i think pinapagawa ni Sir Hernandez. Nakita ko si Sir na nakangiti siya sakin. Ano na naman kayang ipapagawa nito?.
"Good morning Sir. Ahmm ano po yun?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa likod ko nakatayo sta likod ko yung dalawa si Jake at Gabe. Nginitian lang ako ni Gabe at Si Jake tinanguan lang nya ko.
"We will have a quiz bee contest. May contests from different schools ang mga kalaban so pipili kada school ng 2 partners. Babae at Lalake ang mag kapartner. Naisip ko na ikaw at si Mr. Gabrielle ang 1st partners and the second one is Mr. Jake and Ms. Shinelle. Gets?" sabi ni Sir. Awww. Nakakalungkot naman dapat si Jake na lang. Ayoko sa partner ko]-_-. Sinira nya kaya araw ko >.<.
"Yes sir." pagkasabi ko nun napatingin ako sa biglang dumating. Woaah! Ang ganda nya mukha syang anghel *0*.
"Sir. I'm sorry i'm late but don't worry in-explain na sakin lahat ang tungkol sa contest." sabi nya at ngumiti. Grabe lang nakakatibo! Choss. Babae pa din ako no andyan si Jake eh. Ayieee hahaha. Landi mo Ariana!.
"It's okay. So sa library kayo for reviewing. Hindi naman kayo mahuhili sa classes nyo kasi walanv gagawin ngayon ang students teachers are very busy so don't worry." tumango lang kaming lahat sa sinabi ni Sir.
"Okay. You may now proceed." sabi ni Sir.
Umalis na kami at naglakad na papunta sa library. Nauna yung dalawa. Nasa likod lang ako pati yung magandang babae. Hehe.Nahihiya nga ko eh. Lahat ng tumitingin saming dalawa parang yung tingin nila pinagkukumpara kami. Nakaka turn off nahihiya ako -_-. Kasi etong kasama ko ang ganda tapos ako!???. Waley.
"I'm Shinelle^__^" sabi nya sabay abot ng kamay nya. Nakipagkamay naman ako. Napahawak ako sa kamay ko tiningnan ko kung maaligasgas ba. Nakakahiya eh. Ang kinis tsaka ang lambot nung sa kanya. Napaisip tuloy ako maabot ko kaya yung ganitong kagandahan?. Napayuko na lang ako kasi alam kong hindi.
Nakarating na kami sa library umupo kami sa sahig. Malinis naman yun eh sumandal kami sa bookshelves matibay naman kaya di basta basta matutumba. Ang lalaki ng distansya namin. Para kaming magkakagalit. Haaays. Ang hirap talaga kapag nagkaahiyaan.
"Ahmmm guys walang mangyayari sa atin kung magka-kanya kanya tayo. Kailangan natin kahit konti man lang na mag get to know each other kasi kung magkakahiyaan tayo baka makaapekto yun sa laban natin." survey ni Shinelle. Tama sya. Ang galing nya talaga. Napatingin ako sa gawi ni Jake nakita kong nakatawa sya. Nakaramdam ako ng selos kahit hindi naman dapat. Naisip ko walang wala naman talaga ko kung ikukumpara sa kanya eh -__-.
"Tama! So... What are we gonna do?" masiglang sabi ni Jake. Mukhang may gusto sya kay Shinelle. Nararamdaman ko yun. Sa mga tingin palang nya eh... Haays. Makapag focus na nga lang sa contest.
"Hmmm.. Alam ko na Say youre whole name, hobbies and you're most embarrasing moment para wala ng hiyaan! Hahahah. " sabi nya. Ano!????. Nahihiya ako eh. Tsk. "Remember guys no k.j. Allowed" dugtong pa nya. Eh kasi naman eh embarrasing moment ko sa hara ng crush ko!?. The eff nakakahiya.
"Spin the bottle." pinaikot na ni Jake yung bote. Ang sabi kasi kung sinong unang matapatan sya yung unang magbabahagi. Sana wag sakin. Sana wag sakin. Ayokong mauna. Please ayaw!
"You ikaw una." sabi ni Shinelle sabay turo kay Gabe. Yes! Sucess di ako ang una. Thanks lord you're my saviour hahaha.
"Okay. I'm Gabrielle Canobas. You can call me Gabe.Hobby kong magsayaw at ang most embarrasing moment ko ay nung graduation day namen nung elementary kung saan naiwan ko yung panyo ko kay mommy at dahil valedictorian ako nun may speech eh may sipon ako so habang nag s-speech ako napabahing ako yun labas sipon ko. Hahaha. Ang dami pa naman tao nun for pete's sake." napatawa ako sa sinabi nya. Infairness nakakahiya nga yun.
"Hahahah! Pre nu kayang itsura mo nun? Hahaha. So spin the bottle na uli." sabi ni Jake. Naman yan nanaman sana wag ako. Ayoko ko pa. Sana wag ako. Wag ako.....
"Ikaw." sabi ni Jake. Si Shinelle ang natapanan. Si Jake nakikinig talaga syang mabuti. Mukha ngang tama ang hinala ko. Ang sakit naman.
"Okay I'm Shinelle Cervantes. Shin na lang. Ahmm hobby ko mag selfie.Tapos most embarrasing moment??. Wala ata ako nun eh. Choss guys! Sige kwento ko.Nung first year high-school ako nag tatakbo ako eh may basa dun tapos madame pang tao pagtapak ko hindi ko namalayan na basa pala so ayun na out of balance ako ang sakit nga nung puwet ko nun eh. Hahah." sabi nya pa. Si Jake ang laki din ng ngiti nya. Nakaramdam na naman ako ng pagseselos. Napatingin si Shinelle kay Jake at nginitian din nya ito. Ang sakit sakin kasi sa harap ko pa nangyayari ang pagtitinginan nilang ito. Alam ko nagiging dramatic na ko. Pero totoo naman talaga eh. Sobra yung sakit na nararamdaman ko. Ewan parang mahal ko na yata sya....
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDzoned
RandomHindi mo alam kung paano sasabihin? O Natatakot ka lang aminin? May mga bagay sa mundo na akala mo lang.. Pero meron di naman na tama ang akala mo.. Sa mundong ito kailangan mo din makipagsapalaran Kailan ng isang matibay na loob. _________________...