HURT

45 2 1
                                    

Dedicated to: AnKuletsXD   thanks for following me. :D

_____________________________________________________________________________________

Ana’s Pov.

Iba ang pakiramdam ko talaga ngayon. Parang may kakaibang mangyayari eh, hindi ako makatuloy tuloy pumasok sa loob ng gate. Ewan parang may mali.

“Aish! Paranoid lang ako!” i murmured at huminga ng malalim.

Baka malate pa ako. Kailangan ko nang pumasok. Pagpasok ko sa gate sari saring bulungan ang narinig ko.

“Ayy te! Ayan na ang ilusyonada! Bi-nreak daw kaagad si Jake!? Kapal ng mukha.”

“Ay! Ang panget naman pala! Diba yan yung NOBODY na nerd? DUH! Imposibleng nagustuhan siya ni Jake!?”

“Baka ginayuma ng froglet na yan! Kadiri!”

“Hays, ganyan talaga ang naggagawa ng malandi!”

Okay i guess, eto na ang nararamdaman kong mali. Patuloy lang ako sa paglalakad papasok ng room. Lahat ng taong dadaanan ko tinitingnan ako mula head to toe, para bang jina-judge ako.

Pinihit ko na yung doorknob at nagstep papasok ng room.

Splashhh**

“Hahahaha!! Eww!! Yuckiee Monster!”

“Yuck! Ang lagkit mo na! ”

“Hahaha bagay lang sayo yan, Bitch! Ilusyonada ka kasi!”

“Tama! Anong akala mo, magugustuhan ka ni Jake!? Err.. Such a bitch! Hahaha.”

May nabuhos sa akin na isang malagkit na fluid. I guess, chocolate syrup. Puro tawanan lang at kantyaw na masasakit na salita ang naririnig ko. Nanginginig akong umalis sa room takip takip ang dalawa kong tenga. Mas malala ang nangyayari sa akin ngayon.

Dumeretso ako sa locker room. Mabuti na lang walang masyadong estudyante na gumagala dahil nga kakatapos lang mag-bell. Kinuha ko ang extra shirts ko dito, pwede naman mag-suot ng kahit ano sa school na ‘to eh di bale nga lang pag monday to wednesday. Well, no choice ako kahit monday ngayon wala akong dalang complete uniform ng school. I decided to wear my white shirt and black jeans and then rubber shoes. Okay na to. Kesa wala.

Nagpalit ako  sa loob ng shower room. Syempre naligo muna ako. “ *sniff* *sob* *sob*” umiiyak na naman ako. Madami ba talaga akong kasalanang nagawa para parusahan ako ng ganito. Everybody hates me.

Lumabas na ako ng shower room at dumeretso sa cubicle. Humarap ako sa salamin at nagsuklay. Gusto kong...magiba. Ayoko na. Pagod na ako.

“Hays. Bitch is here guys!” narinig ako sa sumigaw na kakapasok lang sa cubicle.

Tumingin lang ako sa kanya at inayos ang gamit ko. Isinakbit ko lang ang bag ko. Balak ko na sanang umalis sa cubicle para iwasan sila pero hinarangan niya ako kasama ang 2 pa niyang kaibigan. Wow. Ano bang ginawa ko sa mga to!?

“San punta mo bitch?” sabi nung nasa kanan niya.

Nakatitig lang ako sa kanila. “Padaanin niyo ako.” cold kong sabi at dadaan na sana ako pero humarang naman yung isa pa niyang kasama sa kaliwa niya.

“No, bitch. Stay here.” playful niyang sabi. Hinawakan niya pa ang hibla ng buhok ko. “Alam mo, ang bitch na kagaya mo! Dapat...mawala sa mundong ito. Ilusyonada!” sigaw niya at saka ako sinampal.

Ang lakas. Sobrang lakas. Napahawak ako sa pisngi ko. Nanginginig ako, ang sakit. Ang sakit ng ginawa niya. Umiiyak na naman ako. “Oh...ano bitch? Crying baby lang? Hihintayin ang knight and shining armor mo? Para sabihin ko sayo, hindi ka si Cinderella! Isa ka lang bitch!” sabi niya at saka itinulak ako. Napaupo naman ako sa sahig.

BESTFRIENDzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon